Closing the book?

Wednesday, October 24, 2007 | | 29 comments |

Dear readers,

Isang taon na pala ang mabilis na lumipas. October 23, 2006 nung simulan ko ang blog na ito. Kung lagi kayong nagbabasa dito sa aking blog, magtataka kayo dahil hindi man lamang nabanggit ang aking birthday dito. Iyan ay sa kadahilanang ang aking kaarawan po ay October 23! Kaarawan ko nung sinimulan ko ang aking blog. At ngayon ngang isang taon na ang aking blog, nadagdagan na naman ang aking edad! Toothpick ng inang iyan, tumatanda na ako!

Sa nagdaang taon, mahaba na din ang aking nilakbay sa buhay ng pagiging isang blogger. Magmula nung ako ay estudyante pa lamang, hanggang sa aking buhay pamilya at pag-ibig, sinamahan ninyo po ako sa aking mga karanasan. Nagpapasalamat po ako sa isang taong pagsasama natin.

Matapos ang pitumpu't anim na blog entries ng makulay na buhay ng isang binatang hibang at sabik sa pagmamahal, ng mga walang ka-kwenta-kwentang mga rants at ng mga himutok sa buhay, minabuting mag-isip ng mabuti at malalim. Naisip ko, tama ba ang gagawin ko para sa aking unang anibersaryo ng pagba-blog?

My life has been an open book for all. You have read my ups and my downs, my struggles in life as a student, as a job seeker, as the only son, as a lover! Daig ko pa nga yata si Kris Aquino sa paglalahad ng mga bagay na nangyari sa akin. Halos lahat na yata ng nangyari sa buhay ko for the past year ay naisulat ko na sa blog na ito, ang toothpick diaries! And I am thanking all of you who still come here to visit, kahit wala naman kayong makikita dito na bagong entry.

Sa ngayon, wala akong trabaho, ngunit ako ay masaya. Che-Che is always there to make me smile. After that bus incident more than a month ago on my way to a book fair, I guess, as they, the rest is history. Hindi pa "official" na kami. Pero I know, and I am hoping, and I am praying, that we are getting there! Schoolmate ko pala siya, una lang akong natapos ng isang taon. She's now in her fourth year of college and education ang course. Ang malupit nito, ang course niya ay BSE in Chemistry, bagay na hindi ko kinaya nung nag-aaral pa ako! A BSE course will have a teaching career that will handle high school students. Tapos Chemistry pa ang course niya, so most probably, third year high school ang hahawakan niya kung maka-graduate siya.

It's fun being with Che-Che! And I think I love her na. Who knows? Probably, after traveling the long winding rocky road of love, I will finally meet my very one true love — my anticipated significant other. Wala akong work as of now, pero I am happy, happy with life and love! *Sigh*

Yesterday, since it was my birthday, I talked to my father about our differences, maybe a special gift for myself. Mom was also there to witness the big turning point of my life. I said sorry for all my mistakes that I have done in the past, for not being a good son to them, and for losing my job. It was a tearful event. Tinupad siguro ni Lord yung sign ko, na kapag pinaghanda ako ni Mama at ni Papa, magso-sorry na ako sa kanila. Usually kasi, lumalabas kami kapag birthday ko. But yesterday was different but the best day of my birthday life! From the heart kasi ang hinanda nilang dalawa sa akin. Lahat ng mga putahe, si Mama at Papa ang nag-prepare. Intimate yung occasion na iyon and very special. Mature na nga siguro talaga ako. It's official! Oh my, I getting emotional na.

I don't know how to end this blog entry or even this blog. I think I am going to move on na with my life. It's hard for me to imagine leaving this blog. But I know, I can do it. Mahirap kasi, napamahal na sa akin itong blog na ito at napamahal na din kayo aking mga readers sa akin. Kayo ang dahilan kung bakit ako nag-e-entry dito. Sabi nga daw ng iba, "it is better to listen", at alam kong nariyan kayo palagi at nakikinig o nagbabasa lang sa akin mga sinasabi. Maraming salamat sa inyo.

I just want to have this new love life that I am facing to be a private one. Hindi ko alam, siguro malas lang ang pag-ibig kapag masyadong public na. Kaya siguro hindi matuloy-tuloy ang aking mga naudyok na nagdaang pag-ibig. By closing this online book of mine, I know things will get even much better!

Thank you very much po from the bottom of my heart. For now, I am closing my book to all of you upang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Who knows? I might update sooner than you think! Or maybe, gumawa ako ng panibagong account at sa wordpress naman. Anything can happen. Anything is possible. Salamat pong muli sa pagsubaybay.

Hanggang sa susunod pong toothpick diaries...

(P.S.: Hindi po ito suicide note, so don't worry! Hehehe...!)

Love,

"JAKE" aka toothpick

Freedom and anxiety

Tuesday, October 02, 2007 | | 2 comments |

Sa wakas... malaya na ako sa mga kapitalistang namumuhunan upang alilain ang kanilang mga manggagawa! In short, nag-resign na ako sa kumpanyang aking pinapasukan! Toothpick ng ina yan! Ang sarap ng pakiramdam!

Huling araw ko nung nakaraang biyernes sa aking work sa Makati. Minabuti kong umalis na lang doon dahil sa mga hindi kaaya-ayang mga bagay. Sobrang dami ng workload, kaunting oras lang ang iyong gugugulin, may supervisor na akala mo kung sino, at yung pinaka-boss, huwag na lang nating pag-usapan.

Masaya ako dahil naibsan na ang mga panggigipit nila sa aming mga manggagawa. Nalulungkoy ako dahil may mga naiwan pa rin doon, ngunit masaya ako dahil nakaalis na din ako sa wakas! Parang isang malaking tinik na hindi nakabaon ngunit aking pasan-pasan ang mistulang nawala nung mga huling oras ko na sa kumpanya. Dapat nga hindi na ako papasok eh. Ngunit naisip ko, sayang naman din yung bayad.

Ngayon, officially, isa na ulit akong jobless! Maloloko na naman ako sa kakahanap ng bagong mapapasukan! Kailan kaya ulit ako magkakaroon ng trabaho? Sana malapit na! Sana hindi ako mabakante ng matagal. Okay lang naman kasi may pera naman ang mga magulang ko. Pero iba pa din ang may sariling kinikita galing sa sariling hirap at pagod, di ba?

Pero sabi nila, kapag malas daw sa career, swerte daw sa pag-ibig! Totoo kaya ito?

(Itutuloy...)

Meet the new girl!

Thursday, September 20, 2007 | | 4 comments |

Bago po muna ang lahat, nais ko pong magpaumanhin sa mga patuloy na nagpupunta dito dahil sa wala pa ding update. Tatapusin ko lang po ang ilang mga bagay dito sa opisina at marahil ay makakapag-update na din ako sa wakas, kahit mga 2-3 times a week, tulad nung dati. Pero sa ngayon po, ito na muna ang aking update.
_______________

It was my second time in the Manila International Book Fair nung ma-meet ko si new girl. Hindi ko na muna siya papangalanan, siguro sa susunod na lang na entry! Hehehe! Saturday noon, galing ako sa bahay namin at papunta na sa Book Fair. Nakasakay ako ng bus papuntang World Trade Center sa Pasay ng may isang babae ang sumakay sa may Gil Puyat Avenue nung huminto ang bus sa isang kanto.

Ugali ko kasi minsan ang tumingin sa mga taong sumasakay sa bus. Hindi ko alam kung habit na iyon o sadyang praning lang ako sa mga taong sumasakay kung anong mga hitsura meron sila.

Ito na nga, nung umakyat yung babaeng tinutukoy ko kanina, hindi ako nakatingin. Palibhasa nakaupo ako dalawang upuan malapit sa driver ng bus kaya narinig kong sinabi nung babae sa may kundoktor na ibaba daw siya sa may World Trade. Ting! Biglang tingin ko kaagad sa kanya dahil pareho kami ng patutunguhan. Medyo natulala pa nga ako nung tumingin ako sa kanya. Kasi ang cute niya. Hehehe.

"Ma, para," sabi ko nung sinabi na ng kundoktor na World Trade na. Pinauna ko ng pababain yung babaeng sumakay kanina. Kunwaring stalker ang dating ko sa pagsunod ko sa kanya. Ang hindi niya alam, sa Book Fair din ako pupunta.

Hanggang sa huminto ang babae at nagsalita, "sinusundan mo ba ako?" Sa akin siya nakatingin. "Mas maganda pala siya kung galit. Paano kung naging kami nito, eh di dapat lagi siyang galit para makita ko lagi ang ganda niya," sabi ko sa sarili ko. "Ha, hindi no! Dito din ako pupunta eh, sa Book Fair!" sabi ko.

"Kanina ka pa kasi sunod ng sunod, eh! Sa bus pa lang kaya..." Napansin niya kaya ako kanina.
"Hindi, a, dito talaga ako pupunta, second time ko na nga dito eh, may bibilhin kasi akong libro para sa pamangkin ko!" Ang sungit niya ha para sa isang babaeng naliligaw at nagtatanong ng direksiyon sa isang kundoktor ng bus!
"Ganun ba? Pasensiya ka na ha! May phobia kasi ako sa mga taong sunod ng sunod sa akin." Sabay hampas sa balikat ko na feeling close na agad. Okay lang, cutesy naman siya eh, tsaka nakangiti naman nung hinampas niya ako.

Bilang pambawi ko sa kanyang paghihinala sa akin, binili ko na lamang siya ng tiket. Dalawang tiket ang aking binili, isa sa akin, isa sa kanya, Twenty pesos lang naman lahat iyon eh. Ano ba naman ang twenty pesos kung habang buhay ko naman siya makakasama. Hehehe. Yihee! :P

(Itutuloy...)

Isang bagong panimula... na naman!

Saturday, September 08, 2007 | | 7 comments |

Setyembre na pala. Nalalapit na ang pagdiriwang ng aking unang taon sa pagba-blog. October 23, 2006 ang aking kauna-unahang entry. Nakailang palit na din ng template kung inyong natatandaan pa. At sa bawat palit ko ng template ng aking blog, may mga pangyayari sa aking buhay na kailangan ng isang bagong simula.

Welcome muna sa aking bagong blog template. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw gumana nung Balikan ang Nakaraan section at yung Artsibo. Wala talaga akong alam sa pag-aayos ng mga kung anu-anong bagay. Buhay ko nga hindi ko maayos eh, template pa kaya. Toothpick ng ina iyan. Kung gusto ninyong balikan ang mga past entries ko, medyo madami din iyon, i-click lamang ang older posts sa ibabang-ibaba. Kahit na anong gawin ko kasi, hindi lumalabas yung mga dati kong posts unless sa older posts nga sa ibaba.

Pagpasensyahan na ang mga nakalagay dito na mga kung anu-anong mga advertisement. Subok lang naman po iyan. Di ba nga, bagong simula. Hehehe! Ito na iyon. Marami-rami na rin kasi ang mga nabasa kong blog na may ganito. Na-curious lang. Huwag na lamang pong pansinin.

Actually, ang bagong panimula sa aking buhay ay isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. I'm over with Grace and Jeremiah aka Maiah. Basta! Merong someone na naman na involve. Maganda siya, cutesy, medyo maliit lang sa akin at higit sa lahat... maikli lang ang buhok! Hehehe. Fetish ko yata iyon, eh.

Maybe this is the reason why I changed my template. Maybe, just maybe. I don't know. Heto na naman. Basta. Hindi ko ma-explain. Pero bibigyan ko kayo ng hint! Nakilala ko siya nung nakaraan International Book Fair sa may World Trade Center noong nagpunta ako dun last week! Basta. Nakailang basta na ba ako?

Haaay... ;P

Isang work rant

Wednesday, August 22, 2007 | | 7 comments |

Ibang-iba na talaga ang lagay ko sa buhay ngayon. Na-realize ko lang kasi, dati-rati, halos everyday ako kung gumawa ng blog entry. Ito yung time na sinisimulan ko ang blog na ito, ang toothpick diaries. Madami ng nangyari. Madami na din akong naging adventures sa buhay. I've been to my lowest and highest points of my life. Toothpick ng ina! Sa loob ng mahigit sampung buwan at mahigit pitumpung (70) blog entries, marahil, wala na akong maitatago pa.

Unang araw ng Agosto pa ako huling nag-post ng entry. Biruin ninyo iyon. Anong petsa na ba? August 22 na! This work schedule of mine is keeping me from blogging. Ang daming pwedeng isulat dahil napakadami ng nangyari. Ngunit heto ako ngayon at naghihimutok. Bwakanang ina. Gusto ko ang magsulat, gusto kong mag-blog. Pero this work of mine is keeping me from what I love most — writing!

I am thinking of shifting to another workplace. Siguro Ortigas. Or maybe not the workplace. Maybe the job itself. After months of being an analyst, after months of receiving paychecks (through atms, of course, hehehe) parang napapagod na akong magtrabaho.

I needed a break, no, not a vacation, but from this work. I'm tired and sick. Other words, I'm sick and tired of this work!

I'm in this Internet Cafe near Glorietta right now for a lunch out, to treat myself for nothing special. And I am thinking of not going back to the office. Malamig ang atmosphere doon. Pati mga tao yata naapektuhan na ng coldness ng opisina. Madami na din ang nagsisi-alisan. Last week, dalawa ang nag-resign. Ngayong week kaya, ilan? I was advised na maghanap muna ng ibang work na siguradong mapapasok ako before I left the office. Para daw ito hindi ako mabakante. Swerte nga ako kasi kung tutuusin, after my graduation, hindi ako gaanong naghintay ng matagal gaya ng ibang graduates, kasi nakahanap agad ako ng work. Thankful pa din ako.

Kaya lang, sa status ng opisina ngayon, at sa lagay ko ngayon sa office, parang ako din nahawa na ng cold treatment sa sarili ko, sa mga officemates ko, at pati na din sa work ko. Lahat apektado kapag ang kompanya ay walang magawa upang mapabango ang kanilang imahe sa mga empleyado nito. Kung baga daw sa panlasa, matabang!

Haaay... sana makahanap agad ako ng bagong trabaho. Sana, paglabas ko dito sa Internet Cafe may bagong work ng naghihintay sa akin. Sana, may makasalubong akong magandang balita. Sana. Sana. Sana.