Typhoon madness
Thursday, November 30, 2006 | | 5 comments |Muntik ko nang maibuga sa harapan nina Mama yung soup na kinakain ko kaninang nag-aalmusal kami nang sabihin nilang plano nilang kunin yung anak ng labandera namin para maging katulong dito sa bahay. Buti naisara ko agad ang bunganga ko. Kasi naman... Hindi yung planong pagkuha ng katulong yung ikinagulat ko. Ang ikinagulat ko eh yung plano nilang gawing katulong yung anak ni Aling Leti. Nakita ko na yun, noong highschool pa lang ako. Toothpick ng ina, hindi naman mukhang katulong yun eh. Mukha ngang muse yun sa school. Sa puti at ganda, hindi mo akalain anak lang ng katulong yun. Baka yun pa ang pagsilbihan ni Bakekang. Eh tapos dalaga na ngayon yun. Nakakailang. Pero sympre dahil maganda, parang may "kumikiliti" sa akin. Matutuwa ba ko o ano? Medyo nakahinga rin naman ako ng maluwag nang sabihin ni Mama na "maglalaba," "magpaplantsa," at "maglilinis lang" ng sala namin yung babae. Pumapasok din daw kasi sa school yun tuwing hapon. Nung tinanong ko sina Mama kung ilang taon na yun, biglang nagkatinginan yung dalawa at parang napaisip ng malalim. 19 daw. 19 at maganda at magiging katulong namin. Aatakihin yata ako. Anyway, plano lang yun. Baka magbago pa isip nina Mama.
Buti at nakapagpahinga ngayon. Hindi kaya exaggerated ang Malacañang nang sabihing walang pasok ngayon? Kasi naman, maggagabi na pero hindi pa rin pumapatak ang ulan. Hindi rin malakas ang hangin. Pero signal no. 2 na raw. Pero ayos na rin, at least makakapagpahinga rin. Movie marathon uli ako mamaya. Ayaw ko munang isipin ang mga librong babasahin ko at baka mabadtrip na naman ako. Pwedeng family day bukas kasi bukod sa holiday eh may bagyo pa. Usually kasi, kahit holiday pa yan, pumapasok pa rin sina Mama at Papa. Toothpick ng ina, ano sila, call center? Ewan ko na lang kung pumasok pa sila bukas.
Nagtext din sa kin si Jimi kanina. Ang init daw ng ulo lagi ni Gwen. Hindi raw kaya buntis yun? Abah malay ko, sabi ko. Anong alam ko dyan? Ni GF nga wala pa ko eh. Madalas daw silang mag-away ngayon kasi itong si Gwen labas ng labas at kung san-san rumarampa na akala mo eh dalaga pa rin. Yan na nga ba ang sinasabi ko kapag nag-asawa ng biglaan. Hirap na hirap na raw siya sa pag-uugali ni Gwen at bibigyan na raw niya ito ng ultimatum. Wala akong maiadvice masyado kay Jimi kasi wala pa kong alam sa mga ganyang relationship. So magtiis muna siya kay Gwen. Ang problema niyan, ASAWA na niya si Gwen. Kung aabot sila sa puntong magkakaroon sila ng annullment, sana eh wala pa silang anak. Kawawa naman yung bata kung ganun.