Closing the book?

Wednesday, October 24, 2007 | | 29 comments |

Dear readers,

Isang taon na pala ang mabilis na lumipas. October 23, 2006 nung simulan ko ang blog na ito. Kung lagi kayong nagbabasa dito sa aking blog, magtataka kayo dahil hindi man lamang nabanggit ang aking birthday dito. Iyan ay sa kadahilanang ang aking kaarawan po ay October 23! Kaarawan ko nung sinimulan ko ang aking blog. At ngayon ngang isang taon na ang aking blog, nadagdagan na naman ang aking edad! Toothpick ng inang iyan, tumatanda na ako!

Sa nagdaang taon, mahaba na din ang aking nilakbay sa buhay ng pagiging isang blogger. Magmula nung ako ay estudyante pa lamang, hanggang sa aking buhay pamilya at pag-ibig, sinamahan ninyo po ako sa aking mga karanasan. Nagpapasalamat po ako sa isang taong pagsasama natin.

Matapos ang pitumpu't anim na blog entries ng makulay na buhay ng isang binatang hibang at sabik sa pagmamahal, ng mga walang ka-kwenta-kwentang mga rants at ng mga himutok sa buhay, minabuting mag-isip ng mabuti at malalim. Naisip ko, tama ba ang gagawin ko para sa aking unang anibersaryo ng pagba-blog?

My life has been an open book for all. You have read my ups and my downs, my struggles in life as a student, as a job seeker, as the only son, as a lover! Daig ko pa nga yata si Kris Aquino sa paglalahad ng mga bagay na nangyari sa akin. Halos lahat na yata ng nangyari sa buhay ko for the past year ay naisulat ko na sa blog na ito, ang toothpick diaries! And I am thanking all of you who still come here to visit, kahit wala naman kayong makikita dito na bagong entry.

Sa ngayon, wala akong trabaho, ngunit ako ay masaya. Che-Che is always there to make me smile. After that bus incident more than a month ago on my way to a book fair, I guess, as they, the rest is history. Hindi pa "official" na kami. Pero I know, and I am hoping, and I am praying, that we are getting there! Schoolmate ko pala siya, una lang akong natapos ng isang taon. She's now in her fourth year of college and education ang course. Ang malupit nito, ang course niya ay BSE in Chemistry, bagay na hindi ko kinaya nung nag-aaral pa ako! A BSE course will have a teaching career that will handle high school students. Tapos Chemistry pa ang course niya, so most probably, third year high school ang hahawakan niya kung maka-graduate siya.

It's fun being with Che-Che! And I think I love her na. Who knows? Probably, after traveling the long winding rocky road of love, I will finally meet my very one true love — my anticipated significant other. Wala akong work as of now, pero I am happy, happy with life and love! *Sigh*

Yesterday, since it was my birthday, I talked to my father about our differences, maybe a special gift for myself. Mom was also there to witness the big turning point of my life. I said sorry for all my mistakes that I have done in the past, for not being a good son to them, and for losing my job. It was a tearful event. Tinupad siguro ni Lord yung sign ko, na kapag pinaghanda ako ni Mama at ni Papa, magso-sorry na ako sa kanila. Usually kasi, lumalabas kami kapag birthday ko. But yesterday was different but the best day of my birthday life! From the heart kasi ang hinanda nilang dalawa sa akin. Lahat ng mga putahe, si Mama at Papa ang nag-prepare. Intimate yung occasion na iyon and very special. Mature na nga siguro talaga ako. It's official! Oh my, I getting emotional na.

I don't know how to end this blog entry or even this blog. I think I am going to move on na with my life. It's hard for me to imagine leaving this blog. But I know, I can do it. Mahirap kasi, napamahal na sa akin itong blog na ito at napamahal na din kayo aking mga readers sa akin. Kayo ang dahilan kung bakit ako nag-e-entry dito. Sabi nga daw ng iba, "it is better to listen", at alam kong nariyan kayo palagi at nakikinig o nagbabasa lang sa akin mga sinasabi. Maraming salamat sa inyo.

I just want to have this new love life that I am facing to be a private one. Hindi ko alam, siguro malas lang ang pag-ibig kapag masyadong public na. Kaya siguro hindi matuloy-tuloy ang aking mga naudyok na nagdaang pag-ibig. By closing this online book of mine, I know things will get even much better!

Thank you very much po from the bottom of my heart. For now, I am closing my book to all of you upang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Who knows? I might update sooner than you think! Or maybe, gumawa ako ng panibagong account at sa wordpress naman. Anything can happen. Anything is possible. Salamat pong muli sa pagsubaybay.

Hanggang sa susunod pong toothpick diaries...

(P.S.: Hindi po ito suicide note, so don't worry! Hehehe...!)

Love,

"JAKE" aka toothpick

Freedom and anxiety

Tuesday, October 02, 2007 | | 2 comments |

Sa wakas... malaya na ako sa mga kapitalistang namumuhunan upang alilain ang kanilang mga manggagawa! In short, nag-resign na ako sa kumpanyang aking pinapasukan! Toothpick ng ina yan! Ang sarap ng pakiramdam!

Huling araw ko nung nakaraang biyernes sa aking work sa Makati. Minabuti kong umalis na lang doon dahil sa mga hindi kaaya-ayang mga bagay. Sobrang dami ng workload, kaunting oras lang ang iyong gugugulin, may supervisor na akala mo kung sino, at yung pinaka-boss, huwag na lang nating pag-usapan.

Masaya ako dahil naibsan na ang mga panggigipit nila sa aming mga manggagawa. Nalulungkoy ako dahil may mga naiwan pa rin doon, ngunit masaya ako dahil nakaalis na din ako sa wakas! Parang isang malaking tinik na hindi nakabaon ngunit aking pasan-pasan ang mistulang nawala nung mga huling oras ko na sa kumpanya. Dapat nga hindi na ako papasok eh. Ngunit naisip ko, sayang naman din yung bayad.

Ngayon, officially, isa na ulit akong jobless! Maloloko na naman ako sa kakahanap ng bagong mapapasukan! Kailan kaya ulit ako magkakaroon ng trabaho? Sana malapit na! Sana hindi ako mabakante ng matagal. Okay lang naman kasi may pera naman ang mga magulang ko. Pero iba pa din ang may sariling kinikita galing sa sariling hirap at pagod, di ba?

Pero sabi nila, kapag malas daw sa career, swerte daw sa pag-ibig! Totoo kaya ito?

(Itutuloy...)

Meet the new girl!

Thursday, September 20, 2007 | | 4 comments |

Bago po muna ang lahat, nais ko pong magpaumanhin sa mga patuloy na nagpupunta dito dahil sa wala pa ding update. Tatapusin ko lang po ang ilang mga bagay dito sa opisina at marahil ay makakapag-update na din ako sa wakas, kahit mga 2-3 times a week, tulad nung dati. Pero sa ngayon po, ito na muna ang aking update.
_______________

It was my second time in the Manila International Book Fair nung ma-meet ko si new girl. Hindi ko na muna siya papangalanan, siguro sa susunod na lang na entry! Hehehe! Saturday noon, galing ako sa bahay namin at papunta na sa Book Fair. Nakasakay ako ng bus papuntang World Trade Center sa Pasay ng may isang babae ang sumakay sa may Gil Puyat Avenue nung huminto ang bus sa isang kanto.

Ugali ko kasi minsan ang tumingin sa mga taong sumasakay sa bus. Hindi ko alam kung habit na iyon o sadyang praning lang ako sa mga taong sumasakay kung anong mga hitsura meron sila.

Ito na nga, nung umakyat yung babaeng tinutukoy ko kanina, hindi ako nakatingin. Palibhasa nakaupo ako dalawang upuan malapit sa driver ng bus kaya narinig kong sinabi nung babae sa may kundoktor na ibaba daw siya sa may World Trade. Ting! Biglang tingin ko kaagad sa kanya dahil pareho kami ng patutunguhan. Medyo natulala pa nga ako nung tumingin ako sa kanya. Kasi ang cute niya. Hehehe.

"Ma, para," sabi ko nung sinabi na ng kundoktor na World Trade na. Pinauna ko ng pababain yung babaeng sumakay kanina. Kunwaring stalker ang dating ko sa pagsunod ko sa kanya. Ang hindi niya alam, sa Book Fair din ako pupunta.

Hanggang sa huminto ang babae at nagsalita, "sinusundan mo ba ako?" Sa akin siya nakatingin. "Mas maganda pala siya kung galit. Paano kung naging kami nito, eh di dapat lagi siyang galit para makita ko lagi ang ganda niya," sabi ko sa sarili ko. "Ha, hindi no! Dito din ako pupunta eh, sa Book Fair!" sabi ko.

"Kanina ka pa kasi sunod ng sunod, eh! Sa bus pa lang kaya..." Napansin niya kaya ako kanina.
"Hindi, a, dito talaga ako pupunta, second time ko na nga dito eh, may bibilhin kasi akong libro para sa pamangkin ko!" Ang sungit niya ha para sa isang babaeng naliligaw at nagtatanong ng direksiyon sa isang kundoktor ng bus!
"Ganun ba? Pasensiya ka na ha! May phobia kasi ako sa mga taong sunod ng sunod sa akin." Sabay hampas sa balikat ko na feeling close na agad. Okay lang, cutesy naman siya eh, tsaka nakangiti naman nung hinampas niya ako.

Bilang pambawi ko sa kanyang paghihinala sa akin, binili ko na lamang siya ng tiket. Dalawang tiket ang aking binili, isa sa akin, isa sa kanya, Twenty pesos lang naman lahat iyon eh. Ano ba naman ang twenty pesos kung habang buhay ko naman siya makakasama. Hehehe. Yihee! :P

(Itutuloy...)

Isang bagong panimula... na naman!

Saturday, September 08, 2007 | | 7 comments |

Setyembre na pala. Nalalapit na ang pagdiriwang ng aking unang taon sa pagba-blog. October 23, 2006 ang aking kauna-unahang entry. Nakailang palit na din ng template kung inyong natatandaan pa. At sa bawat palit ko ng template ng aking blog, may mga pangyayari sa aking buhay na kailangan ng isang bagong simula.

Welcome muna sa aking bagong blog template. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw gumana nung Balikan ang Nakaraan section at yung Artsibo. Wala talaga akong alam sa pag-aayos ng mga kung anu-anong bagay. Buhay ko nga hindi ko maayos eh, template pa kaya. Toothpick ng ina iyan. Kung gusto ninyong balikan ang mga past entries ko, medyo madami din iyon, i-click lamang ang older posts sa ibabang-ibaba. Kahit na anong gawin ko kasi, hindi lumalabas yung mga dati kong posts unless sa older posts nga sa ibaba.

Pagpasensyahan na ang mga nakalagay dito na mga kung anu-anong mga advertisement. Subok lang naman po iyan. Di ba nga, bagong simula. Hehehe! Ito na iyon. Marami-rami na rin kasi ang mga nabasa kong blog na may ganito. Na-curious lang. Huwag na lamang pong pansinin.

Actually, ang bagong panimula sa aking buhay ay isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. I'm over with Grace and Jeremiah aka Maiah. Basta! Merong someone na naman na involve. Maganda siya, cutesy, medyo maliit lang sa akin at higit sa lahat... maikli lang ang buhok! Hehehe. Fetish ko yata iyon, eh.

Maybe this is the reason why I changed my template. Maybe, just maybe. I don't know. Heto na naman. Basta. Hindi ko ma-explain. Pero bibigyan ko kayo ng hint! Nakilala ko siya nung nakaraan International Book Fair sa may World Trade Center noong nagpunta ako dun last week! Basta. Nakailang basta na ba ako?

Haaay... ;P

Isang work rant

Wednesday, August 22, 2007 | | 7 comments |

Ibang-iba na talaga ang lagay ko sa buhay ngayon. Na-realize ko lang kasi, dati-rati, halos everyday ako kung gumawa ng blog entry. Ito yung time na sinisimulan ko ang blog na ito, ang toothpick diaries. Madami ng nangyari. Madami na din akong naging adventures sa buhay. I've been to my lowest and highest points of my life. Toothpick ng ina! Sa loob ng mahigit sampung buwan at mahigit pitumpung (70) blog entries, marahil, wala na akong maitatago pa.

Unang araw ng Agosto pa ako huling nag-post ng entry. Biruin ninyo iyon. Anong petsa na ba? August 22 na! This work schedule of mine is keeping me from blogging. Ang daming pwedeng isulat dahil napakadami ng nangyari. Ngunit heto ako ngayon at naghihimutok. Bwakanang ina. Gusto ko ang magsulat, gusto kong mag-blog. Pero this work of mine is keeping me from what I love most — writing!

I am thinking of shifting to another workplace. Siguro Ortigas. Or maybe not the workplace. Maybe the job itself. After months of being an analyst, after months of receiving paychecks (through atms, of course, hehehe) parang napapagod na akong magtrabaho.

I needed a break, no, not a vacation, but from this work. I'm tired and sick. Other words, I'm sick and tired of this work!

I'm in this Internet Cafe near Glorietta right now for a lunch out, to treat myself for nothing special. And I am thinking of not going back to the office. Malamig ang atmosphere doon. Pati mga tao yata naapektuhan na ng coldness ng opisina. Madami na din ang nagsisi-alisan. Last week, dalawa ang nag-resign. Ngayong week kaya, ilan? I was advised na maghanap muna ng ibang work na siguradong mapapasok ako before I left the office. Para daw ito hindi ako mabakante. Swerte nga ako kasi kung tutuusin, after my graduation, hindi ako gaanong naghintay ng matagal gaya ng ibang graduates, kasi nakahanap agad ako ng work. Thankful pa din ako.

Kaya lang, sa status ng opisina ngayon, at sa lagay ko ngayon sa office, parang ako din nahawa na ng cold treatment sa sarili ko, sa mga officemates ko, at pati na din sa work ko. Lahat apektado kapag ang kompanya ay walang magawa upang mapabango ang kanilang imahe sa mga empleyado nito. Kung baga daw sa panlasa, matabang!

Haaay... sana makahanap agad ako ng bagong trabaho. Sana, paglabas ko dito sa Internet Cafe may bagong work ng naghihintay sa akin. Sana, may makasalubong akong magandang balita. Sana. Sana. Sana.

I'm Jake... and you are...?

Wednesday, August 01, 2007 | | 9 comments |

It's August na pala! Tapos na-realize ko, iisa lang pala ang entry post ko nung July. Ganoon na pala ako ka-busy. I almost forgot to blog na. July 10 pa ang huli kong entry. Ngayon August 1 na! Hay buhay.

Ang dami na din palang nangyari sa mga nagdaang araw. Biruin ninyo, may nag-nominate pa pala sa akin sa Top Ten Emerging Influential Blogs of 2007. Sorry guys, I can't be there. I'm forever busy. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa aking mga schedules. Hindi ko na nga maisingit itong pagba-blog ko. Huhuhu. :(

Siya nga pala, uulitin ko, si Jeremiah ay isang babae. May nag-mention kasi na baka natotomboy na ako dito kay Jeremiah. Naku naman, gawin pa akong tomboy ng taong ito. Hindi ka siguro updated no! Hehehe.

Anyway, mahigit two weeks din kaming nag-date ni Jeremiah, aka Maiah. Pero ito ay purely business (sayang). She was encouraged me and gave me some pointers para naman hindi ako kabahan in front of the camera para sa gagawin kong nude pictorial with her na ayon sa kanya ay she will not take pictures of me, pero it's the beauty of being me, daw! Hay, lalim!

On the last day of our date, it was this last Sunday lang, ibibigay ko na sana ang aking matamis na "OO" para sa pagpayag ko na kunan ako ng nakahubad. Pero she explained to me na hindi daw dito gagawin ang pictorials.

Sabi ko, "Huh?" Still clueless sa kanyang sinabi. Then, she said na sa somewhere in Thailand daw ang pictorials.
Sabi ko, "Ngek. Ano ba? Are you kidding me? I prepared pa naman sa pictorials na ito — physically, mentally, spiritually (?) at psychologically! Then somewhere in Thailand pala ang pictorials!"
"I'm not kidding!" sabi ni Maiah. "Sa Thailand talaga ang pictorials!"
"Ano ba? I can't go there. My parents won't let me. Anong sasbaihin ko? 'Ma, Pa, pupunta akong Thailand para magpapictorials... ng nude!' Ngek! I even won't let myself either. I'm sorry. I can't. Dapat noon pa sinabi?" sabi ko.
"Ayoko kasing mabigla ka!" she explained.
"(Toothpick ng ina!) Nabigla mo na nga ako, eh!" I answered.

Ilang sandali pa, may lalaking dumating. Matangkad. Mas matangkad pa sa akin. Then she kissed Maiah, my (hopefully) Maiah. Shattered. It was her boyfriend. Aaaahh. Maiah has a boyfriend, and she did not even told me! Umaaasa pa naman ako na she will fall in love with me. Na magiging kami. Then, ipinakilala ako ni Maiah sa boyfriend niya. Ang sabi ko na lang, "I'm Jake... and you are...?" "Sean (pronounced as Zhan daw! Gago! Toothpick ng ina mo! Ulol!)" ang maikli niyang sagot.

After some little conversations, nagpaalam na ako ng maayos.
Ang sabi ko na lang kay Maiah, "I'm sorry talaga, I just can't go there."
"I'm sorry din. Kasalanan ko. But it's nice talking business with you."
"Me, too! Paano? I'm on my way na," paalam ko.
"Sige, nice talking. Go out ulit tayo some other time. Pero hindi na business. :)"

Hindi na ako lumingon. Pero nakita ko yata sa peripherals ko na parang nag-uusap sila. I don't know. Hindi na ako lumingon, eh. Pero nakangiti akong umalis. Ganito o --> :)

Kilig moments without the spark

Tuesday, July 10, 2007 | | 9 comments |

Gaya nga ng sinabi ko nung nakaraang post ko, to keep myself from depression, I engaged myself to small talks and conversations. At isa nga sa hindi ko malilimutang small talks na sinalihan ko ay ang pakikipag-usap ko kay Jeremiah.

Si Jeremiah, ma-describe ko lang, ay ang dati kong schoolmate nung, if I am not mistaken, high school. I remembered her boyish attitude, pig-tailed hair, not-so thick eyebrows, at athletic built! Who cannot forget also her baseball cap! Hindi pwedeng mawala yung baseball cap saan man siya magpunta. Kaya nga napagkakamalan siyang one of the boys eh!

Ang alam ko, pasaway itong si Jeremiah. Teka baka kayo nalilito, si Jeremiah po ay isang babae. Mabalik tayo. Ang tanda ko, minsan ng napatawag ang kanyang mga magulang sa principal's office. Ang tsismis noon sa school namin, vandalism daw, ewan ko nga lang kung totoo iyon. Makulit, maangas, palaban. Iyan ang nakilala kong Jeremiah nung early years ko ng high school.

After graduation nung high school, hindi ko na siya nakita. At ito ngang four years after, nagkita kaming muli somewhere in Makati, karga-karga ang kanyang camera. Isa na siyang photographer, pero ayon sa kanya, hindi pa naman professional. Parang apprentice pa lang daw siya sa isang photographer based in Singapore. Yup. Kagagaling lang niya ng Singapore.

Kaya daw siya nandito ay dahil si Jeremiah or Maiah, is looking for subjects daw that will fit her ideas. She's into "body sculpture and body as a temple" kind of thing daw. Lately lang daw siya nahilig sa mga katawan ng tao. At ang mga hinahanap niya ay yaong mga taong well-sculpted ang physique. Ang sabi pa nga, baka daw pwede ba akong mag-post sa kanya as her subject. Siyempre, sabi ko... nyek!

Ano naman ang makukuuha niya sa akin as her subject? Tapos sabi niya, nude photography pa daw ang gagawin niya, pero in silhouette. Hindi naman daw makikilalang ako iyon. "Nakikita mo ba ako? Ang payat ko kaya?" sabi ko sa kanya.

Pero ang malalim niyang tugon, "It's not what you are naman ang kukunan ko, eh, it's the beauty of being you!" Wala akong nasabi. Weakness ko na yata ang babaeng may lalim ang personality. Naisip ko lang, ibang-iba na talaga itong si Maiah. Malalim. Kakaibang mag-isip. Bukod sa nawala na ang boyish image niya, gumanda pa ang personality, pati ang hitsura. Kinabahan ako. Sabi ko sa sarili ko, parang naramdaman ko na ito dati. Nagkaroon ng mga parang deja vus sa isip ko. Mga flashes of events, mga maaaring mangyari kung sakaling tanggapin ko ang alok niyang magpakuha ako ng larawan sa kanya. May mangyayari kayang kakaiba? Hmm...

Malakas pa naman ang imaginations ko ngayon, dahil hindi ko ito masyadong nagagamit sa sobrang depression. Pero ngayon, parang unti-unti ng bumabalik at gumagana ang aking mga imaginations. Toothpick ng ina! Aaminin ko, medyo nangiti ako nung sinabi niya iyon, dahil nga sa wild na ang utak ko. Iyon siguro yung sinasabi kong may something. Pero parang walang spark pa rin. Kinilig siguro ako, pero mahaba pa din ang buhok niya!

Still picking up the pieces of me

Friday, June 29, 2007 | | 3 comments |

Mahigit isang buwan na pala ang nakakaraan, and I am still picking up the shattered pieces of me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Hindi ko alam kung kailan ko mabubuong muli ang aking sarili. Basag at durog. Iyan ang description ko sa aking sarili sa ngayon.

Ngunit unti-unti ko ng natatanggap. Unti-unti ko na ding pinapatawad ang aking sarili. Matagal ko ng napatawad ang mga taong nagkasala sa akin. Alam na nila siguro kung sino sila. At sana'y mapatawad ninyo rin ako sa aking mga pagkukulang. I'm sorry.

Hindi ko maitago kay Mama ang aking kalungkutan. Tama nga siguro ang kasabihang, "Mother knows best." Alam niya may malaki akong problemang kinakaharap sa ngayon. Dama niya ito sa araw-araw naming pagkikita. Alam ko, kahit hindi ko sabihin, alam niya ang sitwasyon ko sa ngayon.

Ayokong mag-open-up sa kanya o sa kahit kaninong nilalang. Kahit na din kay Papa. Ayoko, kasi ako ang may gawa ng problemang ito sa sarili ko, kaya ako din ang tatapos. Kaya I am trying to pick up the shattered pieces of me little by little each day.

Para magawa ko iyon, I started to treat myself. I go to bars, alone. I watch movies, alone. I even go to the mall and buy some stuffs, alone. Somehow, I am happy with that. Somehow I am getting over with kung ano man ang nangyari sa akin.

One day, while drinking at starbucks, I saw a familiar face. "Is that my schoolmate from high school, Jeremiah?" Sounds like a boy's name, right? But she's a she! Yep. Jeremiah (?). "I know her," sabi ko. Until she approached me.

"Is this seat taken," sabi niya.
"No, go ahead," sabi ko. "You look familiar to me." Hindi ko alam I am one of those guys na pala na nagbibitaw ng mga ganung pick-up lines! Hahaha!
"Alam mo, ikaw din," sabi ni (allegedly) Jeremiah.
"Wait, ikaw ba si Jeremy (her nickname)," tanong ko kunwari with a smile.
"Sabi ko na eh, Jake? Ikaw nga ba si Jake?" tanong niya.
"Yup! Jeremy right?" tanong ko ulit.
"Ano ka ba, dating nickname ko pa iyon. Mukhang boyish ang dating. Pangalan ko nga boyish na, eh. Maiah na lang para at least feminine ang dating (sana I spelled Maiah correctly!)," kulit niya.
"A ok," star struck ako sa kanya talaga kaya medyo speechless.

To keep myself from depression, I engaged myself to small talks and conversations like this one. Pero this one is really different, may something na hindi ko maipaliwanag. Siguro star struck nga lang talaga ako kay Maiah! Nangingiti pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang aming usapan. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag. Di ba sabi ko, I am trying to pick up the shattered pieces of me. Hanggang ngayon hindi pa rin siya buo. Pero I am trying to focus my attention on what had happened. Ayokong mag-isip. Ayoko ding umasa. May isa nga lang na problema sa tagpong iyon sa starbucks. Ang kanyang buhok — mahaba ito! (Explanation: 4th paragraph!)

Tiffany Part 2

Saturday, June 16, 2007 | | 3 comments |

Ito ay aking response sa iyong napakahabang explanation at pag-defend ng iyong sarili. Ayoko ng pahabain pa ang away na ito. Marahil nga nagkamali din ako sa aking mga paratang, marahil nagkamali ka din sa iyong pagiging insensitive. Pareho tayong nagkamali. Paraho tayong nasaktan.

Kung tutuusin, first time itong nangyari sa akin — ang makipag-away sa pamamagitan ng mga salita! Ang totoo niyan, ayaw ko ding makasakit ng tao o ng damdamin ng iba. Kung tutuusin, ayaw ko na ding isipin ito. Ayaw kong magbigay ng komento. Pero gaya nga ng sinabi ko, nasaktan ako sa pagkakakita mo ng mga munting pagkakamali.

Baka sabihin mo, wala din akong puso, pangungunahan na kita. Madali akong magpatawad sa mga nakakasakit sa akin. Iyon ay kung talagang sincere ang paghingi ng tawad.

A friend of mine once told me, "Kung hihingi ka ng tawad, if you will say sorry to a person, you don't have to explain further. A simple sorry will do. An explanation will only make you feel guilty of what you have done. And it will only make your "sorry" not a sincere one. Parang, nag-sorry ka sa isang tao tapos sasabihin mo, ikaw kasi eh, kasalanan mo ito! Ganun? Nag-sorry ka pa."

It was Alex who told me those phrases. And during that time, he was suffering from depression, too! Her long-time girlfriend of four years also left him. During that time, Alex was drug dependent. He took cough syrups to relieve his depression. He said it felt so good in his throat, mind and lungs to take in cough syrups. Nakakahinga siya ng maluwag. Nakakalimutan daw niya kahit sandali ang problema dahil "high" na siya sa syrup. Pero, what's the point here, the point is, he still managed to say those words to me. Just picture it in your mind, the scene, how those words uttered from his mouth when he was "high" then and teary eyed and depressed. How ironic, isn't it? (I am sorry very sensitive ang topic na ito.)

Alex felt sorry for his relationship with his girlfriend. It took him nine months to forget all those things because Alex could not forgive himself for what he has done. And you know what was the root cause of their break-up? Simple things, small details. Alex could not see the big picture of their relationship — their happy moments, their togetherness, their dreams. What Alex can only see are a couple of pixels, some mistakes, some flaws, some shortcomings. And it's not even worth it!

You see, Tiffany, it is not always good to see small details. It's just a grammar mistake for Webster's sake! I hope you stop seeing small mistakes and start seeing the bigger picture. Start seeing what's in front of us (because it is big!) and not what's in the smallest corner of it!

You said sorry a lot of times in your entry and I hope it is sincere.

Tiffany

Thursday, June 14, 2007 | | 6 comments |

Oo, Tiffany (with IP address 202.175.228.241), ang post na ito ay para sa iyo!

Wala ka ba talagang puso? Wala ka ba talagang damdamin? Sa gitna ng dalamhati ng isang tao, naisipan mo pang maghanap ng isang pagkakamali? Ganyan ka ba talaga? Ganyan ka ba pinalaki ng iyong mga magulang? O sadyang ganyan ka lang lumaki sa lugar na kilakihan mo?

Sa mga hindi po nakakaalam, a certain individual named Tiffany, ay nag-message sa aking tagboard. Minabuti kong kunin ang kanyang mga pahayag at ipaskil dito sa aking blog. Makikita nyo nga ang mga ito sa ibaba:



Tiffany, you are such a perfectionist! Let me correct that, you are such a cold-hearted perfectionist! You know what they say about perfectionists like you, they are dangerous! Perfectionists see even the smallest details in an almost perfect situation, just like what you did! Hindi ako magtataka kung wala kang kaibigan o kasama sa buhay ngayon, dahil hindi mo sila makakasundo sa pag-uugaling meron ka!

Salamat sa concerns ni cher at sa iba pang mga bloggers na patuloy na nagdadasal sa akin at sa patuloy na tumatangkilik sa pagbabasa ng aking buhay dito sa aking blog. Alam kong naiintidihan nila ang mga pinagdadaanan ko. Ang sa akin lang, konting pagkakamali lang iyan. And besides, nagdaramdam ako dito, tapos iintindihin ko pa ang aking grammar at subject-verb agreement. Marahil totoo, marami nga akong mali, HINDI NAMAN KASI AKO PERFECTIONIST, EH! Ang totoo niyan, pwede mo naman din akong i-email upang sabihin sa akin ang munti kong pagkakamali, and I will appreciate that. Pero yung ipangalandakan mo pa ang aking pagkakamali, it's not worth it. Now get a load of this: you just made my day even worse!

Heto lang ang masasabi ko sa iyo:
• Una, blog ko ito. Kung tutuusin, trespassing ka. Pero dahil free naman ang internet at naka-public view ako, hindi talaga maiiwasan na mapuntahan ako ng kahit na sino.

• Ikalawa, marunong din naman akong tumanggap ng POSITIVE CRITICISMS na sinasabi mo. Pero depende pa rin sa sitwasyon. Kung ang pagkatao ko na ang naapakan, hindi ko ito matatanggap! Ang pakiramdam ko, pinahiya mo ako ng husto! At hindi ko ito matatanggap!

• At ikatlo, kung talagang pakiramdam mo magaling ka na sa grammar at subject-verb agreement na iyan, at magaling ka ding mag-edit at proofread, WRITE A BOOK! WRITE A GRAMMAR BOOK! Baka kumita ka pasakali sa royalty na makukuha mo!

Bwakanang ina ka! Panira ka ng moment! Panira ka ng araw!

Balikan ang nakaraan ng maintindihan...

Saturday, June 02, 2007 | | 0 comments |

Ang pagbalik-tanaw daw sa nakaraan ay isang paraan upang makalimot ka sa mga bagay-bagay na nagdulot sa iyo ng sakit at hinagpis. Isa din itong paraan upang maging matatag sa bawat pagsubok sa buhay. Sa isang pagbalik-tanaw, malalaman mo ang iyong mga naging pagkakamali, hirap at pasakit sa kung ano man estado ng buhay meron ka ngayon. Kaya upang matulungan ko ang aking sariling maka-move-on, babalikan kong muli ang mga araw na nagdaan, isa-isa, araw-araw...

  1. My first entry...welcome to the world of rant!

  2. Sinong nagsabing may holiday?

  3. Mga Babae Talaga!

  4. Bagyo at Demonyo

  5. Bahala kayo sa buhay nyo! Bwiset!

  6. What an "All Saints Day"

  7. To the or not to the... that is the damn stupid question!

  8. What if...

  9. Second Sem Na!

  10. May oras sila sa 'kin!

  11. Third Day High!

  12. Mga Pahirap sa Buhay

  13. May mga mapapalad talaga sa pag-ibig

  14. Maraming katanungan sa buhay na hindi ko masagot

  15. Namakyaw na naman si Pacquiao

  16. Lumiliit na mundo

  17. Angels brought to you by

  18. Virtual GF

  19. Typhoon madness

  20. Charity Works

  21. Nababaliw... namamanyak

  22. Numerology at reunion madness

  23. Reunion: the aftermath! Part 1

  24. Reunion: the aftermath! Part 2

  25. Reunion: the aftermath! Grace Anatomies

  26. Amazing Grace

  27. Party girl meets Pol-Sci Student

  28. Can this be love?

  29. Paskong 2006

  30. Happy New Year Wish!

  31. My (first) Love Story

  32. Writing My (First) Love Story (continuation)

  33. Writing My (first) Love Story (conclusion)

  34. Untitled

  35. Heto na... heto na... waaahhh!!!

  36. No time for you guys!

  37. Excited

  38. A Date With Love?!?

  39. Ganito ba talaga ang mga babae?

  40. A Date With Love?!? Part 3

  41. You Complete Me — Jerry Maguire

  42. Cornicles

  43. Busyness

  44. Vote for me, please! Hehehe

  45. R-18

  46. Pasan ko ang Daigdig — Sharon Cuneta

  47. Baka raw maging magbalae sila

  48. You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her

  49. Getting ready for the defense!

  50. Toothpick's Q&A portion: the 50th post!

  51. A Post-Valentine Entry

  52. Ang Grace may tampo yata...

  53. All set and ready to go!

  54. Afternoon Madness

  55. This is it!

  56. Mga Katanungan

  57. Minsan pa

  58. Changes in my life — Mark Sherman

  59. Ayos na eh, kaso...

  60. Mala-Kirara ang balat, at mala-Bakekang ang ilong

  61. A chili story

  62. Graduate na ako sa wakas at may isa pang bagay!

  63. Oras na!

  64. Ano ba talaga ang gusto ko?

  65. The week that was

  66. Now, who's the winner?

Now, who's the winner?

Tuesday, May 29, 2007 | | 11 comments |

It's been two weeks since nung last entry ko. First day ko sa work noon, nung huli din kaming mag-usap ni Grace sa cellphone. Ang sabi niya, "we need to talk". So, excited naman akong pumunta sa meeting place na binigay niya — sa may Baywalk!

Fast forward muna tayo for a hint! I hate Marjorie Barretto!

Now, going back. You know why I hate Marjorie these days, it's because Dennis Padilla and I have the same situation. The girl or woman that we love so much, dumped us! Yes, you heard it right! Grace dumped me two weeks ago! Kulang ba? YES, GRACE DUMPED ME TWO WEEKS AGO!

Marjorie said to Dennis that she needed some space, so do Grace to me. It's weird! Hindi ko na nga dapat isusulat ang mga pangyayari, eh. Nawalan na din ako ng ganang magsulat. Suddenly my urge to blog disappeared. That explains my two weeks hiatus. Pero the Marjorie-Dennis I-needed-some-space situation got me really affected! And so goes my "a new adventure awaits" title... Hahaha (sarcasm).

I don't get it, really! Toothpick ng ina! Why did she dumped me like that? What are the things that I have done wrong? Was it I, who done things so fast? Or was it she, who took things so slowly? How can a person with so much love to give does not received any love in return?

It takes two to tango daw in a relationship. But if one of the dancers is not dancing with the beat, then there will be no tango at all! I heard, watched and read so much nice love stories pa naman over the radio, television and internet, and I was hoping for the same end-up story. People around me and you as well, my dear readers, told me to hold on, keep on believing, have faith in love... but how can I go on now, if the only hope I'm holding, no maybe grasping, suddenly slipped away?

I'm sad and depressed. I'm hurting. I can't pretend anymore to everybody. Everytime I go to work and they, my officemates, will always ask me if I'm okay, I always tell them I'm fine along with a smile. Yes, maybe it sounded so feminine to the both you and me. Nasusuka na nga ako sa mga pinaggagagawa ko eh. Pero, babae lang ba ang laging naloloko? Lalaki lang ba ang laging nanloloko? Maybe this is one reality of life. Hindi pala lahat ng babae naloloko. May mga lalaki ding naloloko. I felt that I'm was betrayed, neglected and unloved!

With this kind of situation, who's now the winner, or should I say... who's the weaner?

The week that was

Saturday, May 12, 2007 | | 7 comments |

Sa mga mambabasa po, salamat sa patuloy ninyong pagdalaw. Pasensiya na po kung hindi ako makakapag-bloghop sa inyo masyado kasi busy na po sa work. Sorry. Iba pala kasi ang pakiramdam ng may trabaho. Pasensiya na po talaga. Sa mga nagtatanong po kung saan ko nakuha ang aking template, galing po iyan sa finalsense! Salamat pong muli sa pagbisita!
_______________

Nagsimula na nga akong magtrabaho dito sa opisinang pinapasukan ko ngayon bilang isang legal analyst o iyong taga-analyse ng mga legal documents at contracts noong Lunes, ika-7 ng Mayo. Maaga akong dumating para sa orientation ko ng mga gagawin at contract signing na din sa may HRD ng kumpanya. Maaga pa sa oras ang dating ko. Sabi daw kasi ni Mama, magpa-impress daw ako sa pamamagitan ng pagpasok ng maaga. Si Mama talaga, very supportive sa akin. Kahit na minsan eh, hindi ko nagugustuhan ang kanyang pag-uugali, ok naman din siya paminsan-minsan.

So, habang naghihintay ako sa may lobby, napansin ko ang magandang receptionist ng kumpanya. Maganda siya, oo, pero hindi ko binaling ang aking tingin sa kanya. Mahaba kasi ang buhok nung receptionist, eh mas naa-attract pa naman ako sa mga maiikli ang buhok katulad ni Grace. Yihee! And besides, nararamdaman ko na nalalapit na ang araw na sasagutin na din ako ni Grace. Ang tagal ko na kayang naghihintay ng kanyang sagot.

Tinext ko si Grace habang naghihintay na lumipas ang oras at habang naghihintay sa HRD Manager na kakausap sa akin. Sabi ko, "D2 na ako sa office, ano na gawa mo?" Hehehe. Siyempre may halong kilig iyon! Hahaha. Ngunit walang sagot. Natutulog pa siguro.

Mataas ang mga gusali sa Makati. Ang mga tao, laging nagmamadali. Stressful ang work dito sa tingin ko. Kasi, sa kahit saang sulok ng Makati ka tumingin, busyng-busy ang mga tao. Buti na lang, medyo malayo ang opisina namin sa mismong Makati District Area. Naiiwas ko ang aking sarili sa stress na maaaring idulot sa akin ng Makati. Tila lumiliit na ang aking mundo!

Kakaiba ang feeling sa trabaho! Umpisa pa lang ng araw, madami na agad trabaho! Pag-aralan ko daw ang makapal na manual para sa mga terms at processes kung paano ang mag-analyze ng mga documents at contracts. Ganun? Tapos daw mamaya, iyong program naman daw nila sa computer ang pag-aaralan ko. For transmittal daw yata para sa US-based clientele namin. Kamot na lang sa ulo ang naisagot ko. Ok po! Bait-baitan! Malalaman ko naman daw lahat ng iyon, unti-unti lang ang pagtuturo. Toothpick ng ina! Pero kalmado dapat. Tandaan: first impressions last!

Nagdaan ang maghapon, ngunit wala pa ding text message o missed call man lamang mula kay Grace. Ano kayang problema nun? Tinawagan ko siya after work. Buti na lang at naka-long sleeve ako nung pumasok kaya pakiramdam ko, isa akong executive. Hehehe. Pero nabalewala ang aking pustura sa mga sumunod na pangyayari. Isang maikling pahayag ang nasa kabilang linya:

"Jake, we need to talk!"
"We're talking..."
"No, face to face..."
"Huh? Saan..."


Na-cut na ang linya. Hindi natapos ang pag-uusap na iyon. Tinext ko siya afterwards, kasi alam ko, hindi na niya sasagutin ang cellfone niya. Ano bang nangyari? Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginagawa! May kinalaman kaya ito sa pagpunta namin sa birthday ni Bong na pinuntahan namin nung nagdaang Sabado? Grabeeee... Toothpick ng ina! Wala akong maisip na dahilan ng naging kasalanan o mga kasalanan ko!

Hindi ako mapakali at makapag-concentrate sa aking bagong trabaho ng mga sumunod na araw! Pero maayos ko namang nagawa ang ilang mga bagay sa opisina. Buti na lang wala pang masyadong trabaho at nasa training stage pa lang ako. Paano kung live na o actual na talaga akong nagtatrabaho? Bwakanang ina!

Ano ba talaga ang gusto ko?

Thursday, May 03, 2007 | | 4 comments |

Pasensya na po sa hindi agad pagpost ng entry... bad trip lang sa mga pangyayari! Tinanong kasi ako ni Papa kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko ngayong naka-graduate na ako. Ang sabi ko sa kanya, gusto kong makahanap agad ng trabaho para matuto akong makapagmanage ng sarili kong pera. Iba yata ang pakiramdam kapag sariling pera mo na ang hawak mo, di ba? Pero si Papa, ang gusto niya, mag-aral na agad ng abogasya sa darating na pasukan.

Buti pa si Mama, very supportive sa aking desisyong makapagtrabaho agad. Pinapahiram niya ako ng perang pang-aplay saanman ako makapunta — sa Ortigas, sa Makati, sa Mandaluyong, sa Parañaque, kahit pa sa Las Piñas, Marikina at Cavite — pinapahiram niya ako ng pera. Kapag sobrang layo nga, ang gusto niya yung kotse na gamitin ko instead of mag-commute ako, pero ako ang willing na mag-commute, para naman siyempre maranasan ko ang hirap ng iba na kagaya kong naghahanap ng trabaho. Yun bang init, pagod, sakit ng katawan, gutom, pawis at pagkauhaw! Mga ilang bagay lamang na naranasan ko sa dami na ng aking mga napuntahan.

Pero ito namang si Papa, ang gusto niya, mag-aral akong muli at ipagpatuloy ko ang pangarap niyang maging abugado din ang kanyang unico hijo! Sana, kung gusto pa niya ng isa pang abugado sa pamilya, nag-anak pa siya ng isa pa!

Ang sabi ko kay Papa, kung hindi man ako makahanap ng trabaho agad, gusto kong magsulat. Tahimik. Medyo nagsalubong ang mga kilay niya. "Gutom, anak! Gutom ang aabutin mo kapag nagsulat ka!" Iyan ang sinabi sa akin mismo ni Papa. Dalawa lang ang aking pagpipilian, ang makahanap agad ng trabaho o ang maging isang manunulat! Iyan talaga ang gusto ko!

Ilang araw pa ang lumipas, hindi kami nagkikibuan ni Papa. Hanggang ngayon, kapag nagkakasalubong kami, parang gusto niyang sabhihing, mag-abugasya na ako! Bwakanang ina! Bahala ka sa pangarap mo! Kung gusto niya ilalapit ko pa siya kay Pichay!

Nung isang linggo, natanggap ako sa isang kumpanya na inaplayan ko. Ito nga yung pagiging legal analyst! Dahil siguro sa background ko sa political science and documents, kaya ako natanggap! Puro legal papers, documents and contracts daw ang gawain na iha-handle ng isang legal analyst! Ang gandang pakinggan di ba? Jake Toothpick, Legal Analyst! Wow! Toothpick ng ina! Parang bigtime ang dating! Hahaha. At kahapon nga natapos ang pagkuha ko ng ilang mga requirements. Ang sabi sa akin, sa Monday na lang daw ako magsimula para sa eksakto sa araw. Kahit anong araw pa iyan, ang importante, may trabaho na ako.

May time pa akong makapagliwaliw. Nagtext nga pala si Bong, punta daw ako sa party niya sa Sabado. Isama ko daw si Grace ng makilala nila ng husto. Actually, nagkita na sila nung graduation party ko sa restaurant na kinainan namin, pero sila ni Mama ang madalas mag-usap. Ngayon, isama ko daw si Grace ng makita nila ng husto at makilatis na din. Ang sabi ko, sige. A new adventure awaits! Hahaha.

Oras na!

Tuesday, April 17, 2007 | | 8 comments |

Sa pagpapatuloy...

Hindi maipinta ang mga mukha nina Mama at Papa noong mga oras na ipinapakilala ko sa kanila si Grace. Siguro shocked lang, kasi ang alam nila, ang nililigawan ko ay ang anak ng kompanyero ni Papa na nagtatrabaho sa isang TV Station. Hindi din naman nila ako masisi sa ginawa ko dahil sa una kong nakilala si Grace kaysa sa babaeng iyon.

Kumain kami sa labas after the graduation ceremony. Doon sa hapag ng kilalang restaurant na ang specialty ay kare-kare kinilatis nina Mama at Papa si Grace. Kasama namin sa mahabang mesa ang mga kaibigan kong sina Alex, Bong at Rico. Nilibre din sila nina Mama at Papa dahil siguro sa tuwa dahil sa wakas ay naka-graduate na ang kanilang unico hijo.

Interview portion ang dating ng mesa habang hinintay ang pagseserve ng aming mga inorder. Madami-dami ding mga natanong si Mama kay Grace at sa tatlo ko pang kaibigan. Pero mas madami yata siyang natanong kay Grace. You know, those female bondings. Ang Papa ko naman ang kausap ay yung tatlong ungas! Hinayaan ko sila Mama at Grace na mag-bonding. Ako naman sumalo sa usapan ng mga lalaki. Paminsan-minsan tinatanong ako ni Mama. At sa tingin ko naman ay okay silang dalawa.
____________________

Isang linggo na ang nakalipas. Natapos na ang Holy Week. Back to reality na naman. Tapos na ang schoolworks, assignments, theses (kasi plural!), requirements atbp. Oras na upang harapin ang mundo, ang tunay na mundo! Ang mundo ng job hunting!

Easter Sunday nung bumili ako ng dyaryo upang tumingin ng trabaho na babagay sa natapos kong course. Buti na lang at medyo sinipag ako nung Mahal na Araw at inasikaso ko ang aking resume. Kaya anytime, pwede na akong mag-apply gaya nga nito.

Nakakita ako ng mangilan-ngilang trabaho. Halos lahat ay sa Makati at Ortigas ang lugar. Nung linggong ding iyon, sinubukan kong maghanap ng trabaho. Kaya ako ay nakapag-absent tuloy sa pagboblog ay dahil sa ginawa ko nung linggong iyon. DAY 1:

  1. Unang destinasyon, Ortigas! Maganda ang Ortigas. Madami ding nagtataasang mga gusali. Madaming pasikot-sikot. At higit sa lahat, mainit! Medyo naligaw nga ako doon eh! Ang hirap hanapin ng Emerald Ave. From Megamall, nilakad ko ang mahabang daan patungo sa building na pupuntahan ko. Isang firm na puro mga dokumentos na ayaw namang ipasabi kung ano yun, ang una kong pinuntahan. Ang sabi sa akin ng receptionist, nagpro-process daw sila ng mga research papers and legal documents. So, sa palagay ko, legal analyst yung inaaplayan ko sa kanila. Wala kasing nakalagay sa ads nila eh. Malamang ganun na nga iyon.
  2. Ikalawa destinasyon, sa Ortigas pa din! Discovery Suites yata yung pangalan ng building na iyon. Maganda ang lobby. Malakas ang aircon. Pero call center pala yung work! Eh ayaw ko pa naman ng call center (senner) work kasi sayang naman yung mga napag-aralan ko di ba? So, ipinagpaliban ko ang lugar na iyon.
  3. Ikatlong destinasyon, Podium, sa Ortigas pa din! Nagutom ako kaya naghanap ako ng pagkain sa Podium! Ito pala ang famous Podium! Famous nga ba? Toothpick ng ina! Ang mamahal ng mga bilihin! Kaya punta na lang ako ng Megamall. So, balik na lang ulit ako ng Megamall.
  4. Ikaapat na destinasyon, Megamall. Naalala kong kumain na dahil ako ay gutom na talaga. So kumain ako sa El Pollo Loco habang nagrereminisce ng aming mga ginawa ni Grace sa isang branch ng El Pollo Loco.
  5. Ikalimang destinasyon, MRT papuntang Makati at Makati. Medyo naligaw pa ako ng kaunti dito kasi hindi ko alam yung Legazpi Village na nasa likod pala ng Greenbelt! Lakad, lakad, lakad! Hanap, hanap, hanap. Tanong, tanong, tanong! Iyan ang aking mga ginawa sa pagpunta ko sa aking paghahanap ng isang building sa Makati! Toothpick ng ina! Orientation kuno. Sales naman pala ang kinahahantungan ng trabahong iyon! I hate saleswork, by the way! Ayoko yung maglalakad ka pa sa ilalim ng mainit na araw tapos pagod, hirap, pawis upang mag-alok lang ng isang produkto! So, all in all, parang walang nangyari sa job hunting ko ng DAY 1!
Day 2, Wednesday. Destination: Ortigas pa din! Na-trauma ako sa pagod ko nung Lunes kaya Wednesday na ako sumabak ulit sa job hunting. San Miguel Ave. malapit. Isang building kung saan may puti yatang facade at mataas. Sa loob ng gusaling iyon ako nagpunta. Sa pag-aakalang ito na ang dreamjob ko, tumuloy ako sa itaas. Nagulat ako dahil parang spa ang floor na iyon! Sabi ko, "Uh-oh!" Pakiramdam ko, sales na naman ito. Kaya umatras na agad ako.

Next destination, Stock Exchange Building. Ito siguro ang version ng Philippines ng Twin Towers ng New York mas maliit nga lang. Hahaha! Ang nakalagay sa ads, isang publishing firm na gumagawa ng magazine, so, nagpunta ako. Gusto ko pa namang makapagtrabaho sa isang magazine o kahit na anong company na ako ay malayang makapagsusulat. Pero bakit ako bigla na namang kinabahan sa nakita ko! Orientation. Parang isang prayer meeting ang naabutan ko. Toothpick ng ina! Sales na naman! Pagbebentahin kami ng isang hindi naman kilalang magazine pero out na daw ito sa market dati pa! Haayy... kailan kaya ako makakahanap ng matinong trabaho!

Itutuloy...

Graduate na ako sa wakas at may isa pang bagay!

Wednesday, April 04, 2007 | | 12 comments |

Bago po ang lahat, naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil excited na akong maka-graduate! Hahaha! Kaya hindi gaanong nakapag-entry. Hehehe. Anyway, holy week na. So, baka hiatus na naman ako. "Abstinence" sa... computer! Hahaha.

Noon ngang nakaraang Lunes, dalawang bagay na matagal ko ng hinihintay ang natupad.

Una, sa wakas, naka-graduate na din ako! Ehem. Matapos ang ilang taong pag-aaral, sa wakas, ay tuluyan ko ng matatakasan ang mga pasaway na professors ko sa aking mga subjects, lalung-lalo na si Miss Tapia at si Atty. No Case. Wala ng pahirap, wala ng requirements, wala ng mga makukulit na mga classmates, at wala na ding baon! Iyon nga lang ang nakakalungkot dun. Wala ng baon. Huhuhu.

Anyway, masarap pala ang maka-graduate ka sa college. Iba ito nung naka-graduate ako nung elementary at high school. Basta iba. Higit sa lahat, mas mahaba ang speech ng guest speaker. Antok ang inabot namin sa 45 minutes yatang speech na iyon about his achievements. Hahaha. Ano naman kaya ang gagawin namin sa achievements niya? Mas kakaiba at mas exciting siguro kasi yung mga classmates ko ang iingay nung akyatan na ng stage. Parang excited talaga silang kunin ang kanilang diploma-diplomahan, hahaha, joke. Pero hindi nga, excited talaga silang kunin yung mga diploma nila. Ako siyempre, excited din! Pero hindi ko pinahalata. Hehehe.

So, nakapila kami sa may gilid ng stage. Isa-isang tinatawag ang aming mga pangalan. Bawat tawag ng pangalan ng aking mga classmates, napapangiti ako, excited lang talaga. Hahaha. Ang sabi, "ako na, ako na...". Pero ang akala ko mapapangiti ako, hindi ko alam, nangilid yata ang aking mga mata sa luha. Kinapos pa ako ng hininga ng kakamayan ko na ang guest speaker namin. Nakangiti ako pero naluluha. Basta, naiyak ako. Sigurado ako naiyak ako. Kasi sa wakas, nakagraduate na ako. Mula sa pwesto namin sa stage, pumunta ako sa gitna, tinaas ko yung diploma ko at hinanap ko sina Papa at Mama. Baka sakali kasing naging proud sila sa akin. Hindi naman nila ako binigo. Si Mama, nakayakap kay Papa at naiiyak. Si Papa, proud father ang dating. Para silang mga politiko. Pero ayos lang, ang importante, totoo iyong naging reaksiyon nila. Natural lang iyon dahil naka-graduate na ako.

After the long agonizing graduation ceremony, hinintay ako nina Mama at Papa sa may labasan ng venue ng graduation namin. Ganun pa din sila nung inabutan ko, magkayakap pa din. Si Mama, hinalikan pa ako sa pisngi. Eh, nakita kaya ng mga classmates ko. Naghiyawan pa sila. Hahaha. Mama's boy daw! Bwiset! Toothpick ng ina kayo! Graduate na tayo ganyan pa kayo!

Nandun din sa labas ang barkada kong mga tungaw — si Alex, si Bong at si Rico! Suporta daw nila sa akin dahil sa wakas ay nakagraduate na ako. Palibhasa sila kulang pa ng isang taon, maliban kay Alex na isang summer na lang daw at gagraduate na siya. Hahaha. Si Bob din, ang bestfriend kong bihirang magparamdam, tumawag naman para i-congratulate ako. Baka daw sa bahay na lang siya dumaan. Magpapa-inom siguro! Hahaha. Ang gulo nila, panira kaya sila ng moment. Kung kailan ko ineenjoy ang moment namin nina Mama at Papa saka silang manggugulo. Hahaha. Update: Pero Miyerkules na, wala pa din ang Bob, hindi pa din nagpaparamdam hanggang ngayon.

Ikalawa. Sa labas ding iyon, hinihintay ako ni Grace. Hindi iyon surprise dahil tinext ko siyang um-attend ng graduation ko, katulad nung ginawa ng mga tungaw kong kaibigan. Kahit late na siyang dumating, ok lang. Ang nabigla ay sina Mama at Papa.

A chili story

Monday, March 26, 2007 | | 8 comments |

"Manang, I crave for siomai!" Iyan ang lambing ko kahapon kay Manang, ang aming dakilang tagapagluto. Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain ng siomai, eh. Yun bang homemade. Yung luto mismo ni Manang. So, ang sabi ko sa kanya, baka pwede ba siyang (si Manang) magluto ng siomai para sa akin!

Dahil ako ay isang dakilang unico hijo, hehehe, spoil ako kay Manang. Nung gabi ding iyon, nag-ulam kami sa bahay ng siomai na may kasama pang beef wanton noodles. Ching cha wei ni feng chila sing fao ma. Kung ano man yun, feeling Chinese kasi kami kahapon! Hahaha!

Pero madaming luha, hapdi at pasakit ang aking dinanas bago ako makakain ng pinakaaasam-asam na siomai! Naging maayos naman kasi ang preparasyon ni Manang ng siomai. Maliban sa isang kakulangang ingredient sa kusina.

"Wala na palang chili sauce at toasted garlic," sabi ni Manang.
"Ganun? Paano ba ang gagawin?" tanong ko.
"Ako na lang baka magkamali ka pa. Ipag-chop mo na lang ako ng siling labuyo. Alisan mo muna ng buto ha bago mo i-chop!" sabi ni Manang.

So, ganun na nga ang ginawa ko. Hiniwa ko ang pulang siling labuyo sa gitna, inalisan ng mga buto, isa-isa, at saka chinop. Sa gitna ng aking pagchochop, may langaw na aali-aligid sa aking mukha. Hinawi ko. Ngunit sa aking paghawi, natamaan ko ang ilalim ng aking mata. Heto na naman at aali-aligid ang langaw. Malapit siya sa aking ilong. Hinawi ko ulit yung langaw. Tapos nangati yung gilid at paligid ng aking ilong.

Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng hapdi sa aking mukha. Makati, kaya lalo ko itong kinamot. Toothpick ng ina! Ang hapdi sa mukha! Tumingin agad ako sa salamin upang tingnan ang aking mukha. Mapula ang ilalim ng aking mata at gilid ng aking ilong! Toothpick ng inang iyan! Aaaahh... ang hapdi!

Dali-dali akong pumasok ng CR! Naghilamos. ngunit ayaw pa ding mawala nung kati at hapdi sa mukha ko. Tumapat ako sa electric fan upang kahit papaano ay mawala ang hapdi. Si Manang, tinatawanan na lang ako. First time ko kayang mag-chop ng pulang siling labuyo! Bwakanang ina!

Habang nakatapat sa electric fan, naramdaman ko na lang na tumulo ang aking luha. Mga tatlong patak din iyon. Nagpasirko sirko muna siya sa aking mukha bago tuluyang bumagsak! Joke. Hahaha. Maya-maya pa, basa na ang aking ilong. Sipon siguro in an instant! Kusa na lang nalalaglag ang aking mga luha at sipon! Mabuti na lang at after a few minutes, nawala din ang sakit sa aking mukha.

Ipinagpatuloy ko ang aking paghihiwa ng siling labuyo. Walang takot na hinarap muli ang mapanghamong task ni Manang sa akin! Malapit na akong matapos ng bigla kong naramdamang umihi. Maya-maya pa, para akong bulate, hindi na ako mapakali... sa hapdi ng nararamdaman ko.

Mala-Kirara ang balat, at mala-Bakekang ang ilong

Tuesday, March 20, 2007 | | 3 comments |

Tinatanong ako ng mga tukmol (Alex, Rico at Bong... at pati na rin si Bespren Bob na matagal nang di nagpaparamdam) kung maganda raw ba si Grace. Tinanong pa ko ng mga kurimaw kung anong vital statistic. Maputi? Sexy? Jackpot daw ba? Mabait? Hindi pa kasi nila nakikita. Sabi ko masungit, pangit, dabyana, garabucho ang labi, mala-Kirara ang balat at Bakekang ang ilong. Hahaha. Ang kukulit eh. Parang natatakot tuloy akong ipakilala si Grace sa kanila at baka pagnasaan pa ng mga manyak. Kilala ko ang mga barubal at alam ko ang takbo ng utak ng mga yun. Anyway, sabi ko in due time ipapakilala ko rin sa kanila. Nagsuggest si Bong, pwede raw sa birthday niya sa April. Hmm. pwede rin. The problem is baka naman nandun rin si Nikki. Pero teka, bakit ko nga ba pinoproblema yun?Maganda nga yun para makita niya na hindi na ko baliw sa kanya gaya ng dati. Baka feeling pa rin siya na gusto ko pa siya.

Ini-evaluate pa ang mga papel ko for graduation. Good thing at wala naman palang babagsak kay Miss Tapia. Nananakot lang pala ang matandang dalaga. Hay sana tuluy-tuloy na 'to. I've had it with all these pol-sci subjects. I don't know what would become of me kapag nag-law na ko.

Nga pala, hindi ko pa naitatanong uli kay Grace kung bakit medyo "ilag" siya sa tatay niya. Lawyer din yun e. Nahihiya naman akong tanungin yung tungkol sa practice niya, baka sabihin feeling close ako at nagpapalakas. Pero biglang "lumiwanag" ang mukha niya nung sabihin kong lawyer din si Papa. Hmmm... good points ba yun, ha, good points? hehe.

Ayos na eh, kaso...

| | 3 comments |

It was a beautiful Saturday afternoon. As always, namasyal kami ni Grace somewhere in the Metro. Madami kaming pinuntahan. Nag-joy ride pa nga kami sa MRT eh. Ang sarap ng feeling na wala kang kailangang itago sa mundo.

So, from our favorite mall, sumakay kami ng MRT papuntang south. Ang trip namin ay ikutin ang buong MRT at LRT line. Hahaha. Nung nakarating na kami ng EDSA Station ng MRT, bumaba kami ng tren at umakyat papunta sa LRT EDSA Station. Mula doon, sumakay kami hanggang Monumento. Yun lang ang ginawa namin. Para kaming mga sabog at nakalanghap yata ng drugs sa kakatawa sa mga pinaggagagawa namin. Maganda ang view mula sa itaas ng tren. Maganda na pala ang LRT ngayon. Tama nga si dos ocampo sa mga pictures niya. Bago kasi yung nasakyan naming LRT eh. Sa gitna kami ng dugtungan ng tren malapit sa bintana lumugar para makakita kasi kami ng view.

Ang buong akala ko, ayos na ang araw ko. Masaya na eh. Pero may isang bwakanang inang bata sa harap namin na hindi ko talaga makakalimutan. Ang sabi niya, "Kuya, kamukha mo si Justin!" Ngiti lang. Sa loob-loob ko, sino ba yung toothpick ng inang Justing iyon at kamukha ko pa! Bwiset!

Sabi ni Grace na nanggagatong pa yata, "Uy, kamukha mo daw si Justin!"
"A ok. Talaga?" sabi ko. "Sino ba iyon? Di hamak na mas guwapo ako dun!"
Tinitigan akong mabuti ni Grace. "Ano? Baket?" sabi ko. Tahimik at parang nakita ko yata siyang ngumisi.
"Si Justin, yung nasa Full House! Yung koreanovela!" sabi ni Grace.
"Eh, hindi ko naman kilala yun, hindi naman ako nanonood sa mga koreanong iyan!" magkasalubong na ang mga kilay ko dito sa inis!
"O, naiinis ka na naman... para si Justin lang eh, nagkakaganyan ka na! Hahahaha!" sabay tawa ng malakas!
"Ewan ko sa iyo!" ako.
"Hahahahaha" tawa pa ni Grace!

Dagdag pa ni Grace, "Stubborn-ness cannot be spelled without 'U'! Hahahaha! 'U' complete stubborn-ness! Hahahaha!" Ewan! Kuliiiittt! Grrrr...

Changes in my life — Mark Sherman

Friday, March 16, 2007 | | 8 comments |



I was not so happy being lonely

Living without you
So I prayed so hard for your love
In my heart I needed you
Then I looked up in the sky
And I'm thinking why oh why
These are all the many changes in my life

After all the caring and the laughter
No one else like you
I am not a preacher with a sermon
I'm so in love with you
'Cause to live without your love
Like the sun that shines above
Is the magic of the changes in my life

And I'll never forget your love
You and I
We were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes in my life

Listen to these words I want to give you
On our love so true
Don't forget I love you and I need you
I'll always be with you
So just look up in the sky
And you'll find out why oh why
These are all the many changes in my life

And I'll never forget your love
You and I
We were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes, these are all the many changes,
These are all the many changes in my life

Ang sabi ng iba, nagbabago daw talaga ang tao kapag umiibig. Ang sabi naman ng iba, nagbabago daw ang tao kapag nasasaktan. Either ways, the point is, nagbabago ang isang tao kapag naranasan na niya ang gusto niyang maranasan sa buhay. Ito ang sitwasyon ko ngayon. Grace brought out so much in me. Feeling ko, kahit 20 years old pa lang ako, I have so much maturity to give.

Bago dumating si Grace sa buhay ko, isa akong taong walang direksyon ang buhay — barkada, gimik, easy-easy sa school, madaling uminit ang ulo, palamura, at nakakakita ng mga demonyo sa paligid. Ganun ang aking buhay dati. Ngunit ito ay binago lahat ni Grace, the moment I found her dancing sa floor ng Tia Maria's last December. Three months later, naging tame na yata ako sa aking palagay. Hahaha.

Pero sabi ko nga, you can't change overnight. Kung ano ako ngayon, ay produkto ng tatlong buwang nararamdaman ko sa aking sarili. Kakaibang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Ganito ba ang feeling ng mga mature people?

Pumunta ako kina Grace bitbit ang mga katagang "Just Do It!" Wala dun si Grace, pero nandoon ang daddy niya. Kinausap ko siya. Kung ano man ang aming pinag-usapan, sa akin na lang iyon. Hehehe. Ang mahalaga sa ngayon, pwede na akong umakyat ng ligaw kay Grace. Pumayag na ang mga magulang niya. Tama nga siguro. Walang pinipiling relihiyon ang pag-ibig. Sa wakas!

(Pasensiya na po kung medyo mabagal ang pag-load ng page kasi may naka-embed na music. I just feel like embedding music eh. Hehehe. Salamat!)

Minsan pa

Tuesday, March 13, 2007 | | 4 comments |

Minsan pa, patuloy ako sa paglakad. Tumungo ako sa aming paboritong mall ni Grace. Palinga-linga. Nag-iisip. Walang tiyak na pupuntahan. Miyerkules na, tatlong araw matapos ang pagdalaw ko sa bahay nina Grace. Tatlong araw ng walang kapagurang pag-iisip. Tatlong araw na, wala pa ding kasagutan.

Binalikan ko ang madalas naming puntahan ni Grace. Baka kasi sakaling may mahanap akong sagot mula sa mga iyon. Pumunta ako ng Timezone, kung saan madalas kaming maglaro ng air hockey ni Grace matapos kumain, pampapawis ba at pampatunaw ng kinain. Hahaha. Hindi pa naman kami nagkakadeperensiya sa aming mga stomach. Ngunit wala akong nahanap na sagot. Ngiti lang ang aking nakuha.

Matapos nun, nagpunta ako sa Cinema, kung saan kami unang nanood ng sine ni Grace. Tiningnan ko ang mga posters ng mga pelikula na palabas sa sine at yung mga ipapalabas pa lamang. Ang tanging nakita ko lang, sa dinami-dami ng mga posters na nandoon ay iyong poster ng You Got Me. Malamang, kung medyo maayos pa ang aming sitwasyon ni Grace sa mga oras na ito, itong pelikulang ito ang papanoorin naming dalawa. February 28 na nga pala! Showing ngayon ito. Kahit ayoko kay Zanjoe Marudo, eh, malamang mapanood ko din siya. Dahil hindi naman magpapaawat itong si Grace sa mga ganitong movie. Favorite daw niya kasi sina Sam Milby at Toni Gonzaga! Lahat naman yata favorite nito eh! Isa na namang bagay na hindi ko matatanggihan kagaya ng ginawa na niya noon sa Blood Diamond movie ko! Hahaha.

Wala pa rin akong nakuhang kasagutan sa Cinema. Kaya bumaba ako ng department store at tumingin na lang ng mga damit. Nandoon pa din ang madalas naming tingnang display ng damit na nakasuot sa mannequin. Naalala ko tuloy kung paano namin pag-usapan ni Grace na gusto ko pa namang bilhin yung damit na nakadisplay na iyon, ngunit hindi ko magawa dahil sa tingin ko ay hindi naman bagay sa akin. Gusto ko lamang siyang bilhin. Ganun. Buntung-hininga. Iyon lang ang aking nakuha.

Hindi ko alam kung anong merong humor si God nung mga sandaling palabas na ako ng department store. Minsan hindi natin alam na ang kasagutan ay nasa tabi-tabi lamang. On the way out, nadaan ako sa store ng isang sikat na brand ng sapatos at nakita kong "Just Do It!"

Mga Katanungan

Thursday, March 08, 2007 | | 11 comments |

Don't get me wrong, naging maayos naman kasi ang pakikitungo ng mga magulang ni Grace sa akin, lalong-lalo na ang kanyang daddy. Pagkatapos ng hapunang iyon, nakayanan ko pa naman ang lahat ng mga pangyayari. Uminom pa nga ako ng kaunting tanduay na may magnolia chocolait (na napag-alaman kong "boracay" pala ang tawag) sa daddy ni Grace. Tinikman ko lang for experience. Masarap naman pala.

Sana nga nagbibiro lang ang daddy ni Grace noong mga sandaling tinatanong niya ako sa harap ng hapag. Pero hindi ko iyon nakita sa mukha niya. Mahirap kilalanin ang pagkatao ng daddy ni Grace. Nag-iiba ang pakikitungo kapag nakakainom ng alak. Kanina parang seryoso, matapang ang mukha, parang ayaw nga sa akin eh, pero nung masayaran ng alak ang lalamunan, ayun, nakuha pang makipagtawanan at kuwentuhan sa akin. Sana lang laging may alak ang lalamunan nito para makalimutan niyang INC siya. INC kaya sila, ewan ko nga ba kung bakit ganito kung uminom ang daddy niya. Ang alam ko maayos ang pamumuhay ng mga INC, base na rin sa mga kaklase kong INC din. Walang alak, walang bisyo, ganun. Pero sa nakikita ko sa daddy ni Grace, parang hindi siya INC. Kaya pala asar si Grace sa daddy niya.

Anyway, buhay naman niya iyon. Ang alam ko mahigpit ang patakaran ng INC regarding this matter, iyong pag-iinom ng alak. Ok lang yun siguro, kasi si Jesus nga umiinom din, hindi nga ba't siya pa ang nagconvert ng tubig para maging alak dun sa Canaan? Pero kung yosi pa iyan, hindi ko na alam. Hindi niya ako gayahin, clean living.

Ang hindi ko maintindihan ay kung ayaw ba niya ako o gusto para sa kanyang anak? Mahirap. Isang napakahirap na sitwasyon ang kinakaharap ko ngayon. Isang bagay na ni minsan ay hindi man lamang sumagap sa aking isipan. Ang buong akala ko magiging ayos na ang lahat. Masaya na akong nakikita ko si Grace at nag-uusap kami. Sinusundo ko siya sa kanyang unibersidad. Madalas kaming magkasama. Makailang beses na din ba kaming lumabas upang magtawanan, kumain at magpakita ng pagmamahal sa isa't isa. Bagama't wala pang pormalidad, na siya ngang aking ginawa ngunit medyo naudlot, alam ko masaya siya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.

Dahil alam ko libre lang ang umibig, dapat walang makahahadlang sa isang pag-iibigan. Kung kailan pang heto na, damang-dama ko na, namin, ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman darating ang ganitong klase ng pagkakataon. Isang pag-iibigan na nakatakda pa lamang magsimula, ay hinahadlangan na ng pagkakataon.

Inaamin ko, isa akong Katoliko, ngunit katulad ng iba pang Katoliko dito sa mundo, hindi ako masyadong devoted sa relihiyon ko. Nagdadasal, oo. Nagsisimba, ewan. Basta ang mahalaga naman di ba ay kausap mo si Lord, dahil ang alam ko, God is everywhere. So, kahit nasa kuwarto lang ako at kausap ko si God, siguro naman naiintindihan niya ako sa aking mga pinagdaanan at pinagdadaanan sa buhay. Mahirap. Mahirap kalaban si God. Kaya nga kahit ganito ako, madalas magsabi ng toothpick ng inang iyan at bwakanangina, God-fearing din naman ako.

Ngayon ko nalaman na komplikado pala ang umibig. Shet. Shet na lang ang nasabi ko. Kay hirap palang kalabanin ang relihiyon. Now I understand Muslims and Christians. Parang ganito ang sitwasyon ko ngayon. Isang Iglesia ni Cristo at isang Katoliko — sa papaanong paraan magsu-survive ang aming hindi pa nagsisimulang pag-iibigan.

AAAAAAHHH... Bakit pa kasi kailangan pa ng relihiyon? Bakit pa kasi may mga pagkakahati-hati ng mga paniniwala sa Diyos? Ang akala ko ba bulag ang pag-ibig? Kung ito ay bulag, wala dapat itong kinikilalang TAO at ESTADO NG BUHAY, para sa mga mayayaman at mahihirap, KASARIAN, para sa mga third sex at RELIHIYON, para sa mga katulad naming dalawa ni Grace. Kay swerte nga naman ng mga nag-iibigang mga atheists! Toothpick ng inang yan!

Kadalasan nga sa mga naririnig ko, sinasabi nila, ang pag-ibig nga raw ay bulag. Kung bulag nga ito, sana nga hindi na din nito nakikita ang relihiyon! Wala itong nakikita kundi ang kagandahan lamang ng dalawang taong nag-iibigan, ng dalawang taong nagmamahalan, ng dalawang taong nais ipadama ang kanilang pag-ibig sa isa't-isa!

Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko, makakahanap din ako, tayo ng paraan, Grace, upang matuloy ang pag-iibigang ito. Patuloy akong kakapit sa pag-asang matutuloy ang ating naudlot na pagmamahalan. Kahit isang napakalaking pader ang nakaharang sa atin, handa akong tibagin ito upang makapiling ka at makita sa kabilang panig.

Nabaligtad na ngayon ang sitwasyon. Ilang araw ko ding hindi sinagot ang mga tawag at text mo. Patawad. Nag-iisip kasi ako. Nag-iisip ng paraan na muli kang makasama — kahit na sa patagong paraan man lamang. Alam ko bantay sarado ka na sa daddy mo, at hindi mo rin ikinatutuwa iyon. At ngayon nga nakaisip na ako ng paraan.

Grace, kung nababasa mo lang itong blog entry ko, kumapit ka lang. Pagsubok lamang ito at malalagpasan din natin ang mga ito. Siya nga pala... para sa iyo ang kantang ito:

This is it!

Monday, March 05, 2007 | | 7 comments |

Before anything else, io-organize ko na muna ang aking skeds. Over the past two weeks, isa or dalawang beses lang ako nakapag-post. Hindi pa nga tapos yung post ko tungkol sa pagdalaw ko sa bahay nina Grace eh. Kasi, nalalapit na po ang graduation. Ilang araw na lang ang bibilangin at sa wakas ay ga-graduate na ako ng college! Yehey! Siguro, gagayahin ko na lang yung iba pang mga blogger na katulad ko, na kung mag-update ay MWF. Susubukan kong mag-update every Mondays, Wednesdays at Fridays. Ito kasi ang aking natuklasan sa pagreresearch ng mga oras ng updates ng karamihan sa mga bloggers!

Usually, mga 5 pm ako nagpo-post. Kung talagang kayo ay magaling magbasa, dapat alam ninyong karamihan sa mga post ko dito ay around 5 pm ko napo-post. Iyan ay sa kadahilanang ako po ay nagpo-post kada uwian lang.

May mga pagkakataong sa umaga ako nagpo-post, malamang nasa bahay pa ako nun o nasa may internet shop malapit sa amin. Kapag tanghali naman, hindi ako naglulunch break, diretso ako sa paborito kong internet cafe malayo lang ng konti sa university na pinapasukan ko. Anyway, marahil ganyan na ang magiging schedule ko. And now, back to my meet the parents adventure. Kasi madami ng nangyari after nung pagdalaw na iyon, at ayokong mahuli ng kuwento. Tandang-tanda ko pa naman ang bawat detalye kaya wala namang dapat ipag-alala.
_____________

Sa pagpapatuloy...

Sinalubong ako ni Grace at ng "mga miyembro ng kanyang pamilya". Siyempre, medyo nahiya ako nung bumaba ako ng taxi, dahil parang balikbayan akong dumating at manunuluyan sa kanilang bahay. Ang nanay ni Grace, mukha namang masaya. Pero ang tatay... hmmm... no comment muna tayo dyan... mamaya na lang siguro...

Tinulungan ako ng bunsong kapatid ni Grace sa mga dala-dala ko. "Kuya" pa nga ang tawag niya sa akin. Ibinigay ko na lang yung chocolate sans rival na dala ko. Iniabot ko na din yung herb na regalo ko sa mommy ni Grace at yung tanduay at magnolia chocolait, kay Grace ko na lang iniabot (masungit yata yung daddy niya eh!). Para naman sa kanila talaga iyon eh.

Gabi na ng makarating ako sa bahay nila Grace. Time for dinner na talaga. 7:00 pm ako dumating sa kanila, at tamang-tama naman na nakahanda na ang hapunan. Siyempre hindi ko pinahalata na gutom na ako sa biyahe. Ang sarap pa naman nung hinanda ng mommy ni Grace — tinolang manok. Hmmm... kahit isang linggo na halos ang nakakaraan, naamoy ko pa din ang bango at nalalasahan ko pa din ang tinolang manok ni mommy... ni Grace. Tumulong naman daw siya (Grace) sa pagluluto at almost 85% naman daw ang ginawa niya. So, kung susumahin, si Grace talaga ang nagluto nito. Wow! Gusto ko na talagang kumain!

Ganito ang set-up sa hapag: daddy at mommy ni Grace sa magkabilang kabisera, ako sa kanang bahagi ng mesa, sa kanan ng daddy ni Grace, si Grace naman sa kaliwa, magkatapat kami. Yung dalawang kapatid niyang mas bata, katabi namin pareho. Wala yung panganay, nasa work pa at hindi pa umuuwi. Overtime daw sabi ni Grace. Buti naman 'no, baka isa pa iyon sa magpapakaba sa akin.

Sa bawat tanong, sa akin ng daddy ni Grace, parang akong nasa interrogation room. Yun bang dark room na may swinging spotlight sa itaas habang nakatali sa silya yung mga tinatanong. Ganun ang pakiramdam. Sukat ba namang magtanong ng:

  1. Ano ang tanging ulam na nabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas?
  2. So, political science ka pala, may balak ka bang mag-abogado?
  3. Saan naman kayo nagkakilala ng aking anak na ito?
  4. May balak ka bang ligawan ang aking anak?
  5. May balak ba kayong magpakasal?
Na sa tingin ko naman ay nasagot kong mabuti ng:
  1. Hmmm... tinolang manok po! Di ba ito yung ulam na pinag-awayan ng mga prayle sa nobela po ni Rizal. (Tumango yung daddy ni Grace. Ang galing ko kaya!) "Paborito nyo po ito no?" tanong ko. "Oo naman!" sagot niya. Hanyo't pag-aaralan ko itong lutuin!
  2. Opo! Pol-Sci po ako! Abogado po kasi yung papa ko. Titingnan ko po kung pwede akong maging abogado! Tango na naman siya. Nakita ko yung mommy ni Grace na naka-smile pa din.
  3. Ang bilin sa akin ni Grace, huwag ko daw sasabihin na nagkita kami sa isang bar (bakit kaya?), so ang sinagot ko, sa mall po na pinagtatrabahuan niya! Ang Grace parang sinasabing, "Magaling, magaling, magaling..."
  4. Kaya nga po ako nandito upang umakyat ng ligaw sa inyo at sa inyo rin pong anak! (Hehehe)
  5. Darating din naman po tayo diyan kung talagang kami, bakit po hindi (na may halong tuwa at ngiti sa aking mga labi)?
Ang huling tanong at sagot na iyon ang tila nagpaguho ng aking mundo...

"Talaga? Iglesia ni Cristo ka ba, iho?"

"Catholic po", mahinang sagot ko.

Tahimik.

Afternoon Madness

Thursday, March 01, 2007 | | 8 comments |

Sa pagpapatuloy...

Tunay ngang walang pagsidlan ang aking pananabik na makapunta sa bahay nina Grace. Tanghalian pa lang parang gusto ko ng gumabi! Dinner kasi yung hinanda ng pamilya ni Grace sa pagsalubong "daw" sa akin. Sinabi na din pala ni Grace sa mga magulang niya na ako, ang kanilang future son-in-law, hehehe, ay darating upang umakyat ng ligaw! Baduy nung term! Hahaha.

Nakapagpaalam na ako kina mama at papa kagabi. Sinabi ko sa kanila na may lakad ako. Pabiro ba namang sinabi ni papa na, "Manliligaw ka 'no?" Ang sabi ko, "Opo, bukas ng gabi!", sabay tawa ng "hahaha" — bagay na hindi masyadong pinaniwalaan ni papa kasi tumawa din siya. "Naku binata na ang anak ko! May mamanuganin na ba ako?" Si mama naman tahimik, pakiramdam ko may gustong sabihin, masaya siguro siya sa akin. Shadap nga kayo! Feeling ninyo naman siguro yung nirereto ninyong anak ng kumpanyero ninyo yung aakyatan ko ng ligaw 'no! Toothpick ng ina! Ayoko ngang mag-comment tungkol sa kanya!

Ang sabi ni papa gamitin ko na daw yung sasakyan. Ayoko nga, masyadong presko iyon! Magtataxi na lang ako papunta kina Grace. Kasi baka sa mga magulang ni Grace, first impressions last!

After lunch, umakyat na ulit ako sa aking kuwarto. Internet konti, surfing konti, hindi na ako naglaro ng DOTA kasi baka malibang ako, email ng konti and porn ng konti! Hahaha! Konti lang naman! Hehehe. Tapos natulog ako. Lagpas na ng 3:00 pm ng ako ay magising. Naligo, nagbihis, inayos ang sarili at yung get-up na hinanda ko nung umaga ang siyang aking isinuot. Nagbawas lang ako ng kaunting tribal accessories sa aking mga wrists dahil baka maging overcrowded ako sa dekorasyon sa katawan. Ayokong pagtinginan ako ng tao mamaya sa mall na parang kahit wala akong sinasabi eh nais kong ipangalandakan ang "Hey! Look at me! I'm a punk walking here in the mall!" get-up ko! Hahaha! With a gel-ed hair, wrists accessories, bead necklace, shoes at mabangong amoy, yes, I am all set and ready to go!

Nagpaalam na ako kina mama at papa. Sa tingin ko masaya naman sila sa aking pag-alis. Gee, thanks, mom, thanks dad! I needed that! Toothpick ng ina! Hindi ba nila alam na kinakabahan na ako!

Time - 4:45 pm. I headed straight sa favorite mall namin ni Grace. Bumili ako ng siyempre panregalo sa mga magulang niya. Sa mommy ni Grace, dahil mahilig daw itong mag-gardening, buhay na halaman, ayaw daw kasi ng mommy niya yung bouquet of flowers wala daw buhay. Emo daw yun kapag nakakakita ng bouquet of flowers. So bumili ako ng herb na plant, dagdag na lang sa koleksyon niya ng mga halaman. Sa daddy naman ni Grace, favorite daw nun ay tanduay at magnolia chocolait! Ngek! Ano yun kaya yun! Sabi ko kay Grace sa mga bilin niya, tinext kasi ako ni Grace ng mga dapat bilhin para naman daw maimpress yung mga magulang niya! Hahaha. Thanks, Grace! At para naman sa kanyang tatlo pang mga kapatid, apat kasi sila eh, isang masarap na chocolate sans rival!

Ngayon ang problema ko, papaano ko ngayon dadalhin ang mga ito sa kanila. Pambihira! Bwakanang ina! Wala pa namang taxi na makita sa paligid nung mga oras na iyon!

All set and ready to go!

Monday, February 26, 2007 | | 7 comments |

Ang pakiramdam ko, kahapon, araw ng Linggo, ay talagang kakaiba. Ito na yata ang pinakamahabang araw sa aking buhay.

Umaga. Maaga akong gumising upang paghandaan ang pagpunta ko sa bahay nina Grace. Ewan ko ba. Excited siguro ako. Pero siyempre, ayokong ipahalata kina mama at papa. Usually kasi kapag araw ng Linggo, eh, mga 11 am na akong nagigising. Pero kahapon, 7:30 am pa lang, gising na ako! Pero hindi muna ako lumabas agad ng kuwarto, Naglinis muna ako ng kuwarto ko at nag-ayos ng mga kalat sa kagabing paglalaro ko ng DOTA. Anyway, ayun na nga, mga 8:30 am ako natapos.

Gutom na ako sa kakalinis ng kuwarto kaya bumaba na din ako. Gulat ang sinalubong sa akin ni mama ng makita ko siya sa may kusina at inihahanda na ang almusal namin. Isang late na almusal kapag weekend ang meron sa bahay. Si mama ang nagluto dahil day-off ni manang kasi. Eh si mama naman medyo tanghali na din nagising. Siguro alas-otso na siyang nagising. Hahaha, daig ko siya!

After ng breakfast na fried rice, hotdog, egg at tapa along with coffee at morning chat with my parents, na isa na namang kakaiba sa araw na iyon, umakyat ulit ako sa kuwarto at hinanda ko na ang aking susuotin. Ayoko yatang mapahiya kay Grace no? Sabi daw kasi nila, basta sa parents, first impression lasts! So, gusto ko, medyo good boy ang dating! Hehehe...

Isang rugged jeans, white shirt na panloob at polo shirt na may stripes na print at medyo madaming kulay. Ayos! Kailangan ko kasi ng patong na damit dahil sa built ng katawan ko na payat pero hindi naman payat, mukhang payat lang, basta ang hirap iexplain! Hahaha. Guwapong-guwapo na ang outfit! So, outfit, check!

Shoes naman at socks, short socks, ok, ang hirap idescribe nung shoes ko! Top-sider ba ang tawag dun sa low-cut na sapatos? Yung parang Marithé François Girbaud na sapatos. Yun, parang ganun yung sapatos ko! Basta, shoes and socks, check! Now, pabango! Nakakuha ako ng tip na dapat isprayan ng pabango ang damit bago isuot hindi kapag naisuot na. So, ayun yung ginawa ko. Hehehe. Ang bango ng polo shirt ko! Smell, check! Ano pa ba? A ok. Belt, tribal accessories, white beads necklace, at gel para sa buhok ko. Ok, lahat check!

Ayos ba ang get-up? Kasi iyan ang sinuot ko kahapon sa pagpunta kina Grace eh. Ask muna ako ng opinion bago ko ituloy yung kuwento ko. Kasi mahaba-haba din ito eh. Thanks po!

Ang Grace may tampo yata...

Friday, February 23, 2007 | | 11 comments |

Isang linggo na ang nakakaraan mula nung huli kaming nagkita ni Grace dahil sa aming post-Valentine date. At mga ilang araw na din ang nagdaan, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko.

Nung nakaraang Martes, nagkita ulit kami ni Grace. Gaya ng nakagawian namin, namasyal kami ng kaunti at kumain kami sa labas. Pagkatapos nun, habang naglalakad sa mall, huminto ako. Huminto din siya. Tanong ko sa kanya, "Kailangan ba talagang magpunta ako sa inyo?"

Hindi siya kumibo at binitiwan niya ang aking kamay ng padabog. Sana iyon lang ang ginawa niya. iniwan niya ako sa gitna ng mall. Malamang iyon na nga iyon. Galit na nga siguro si Grace sa akin.

Bakit ba kasi ako naduduwag? Bakit ba kasi ako kinakabahan? Makikipagkita lang naman ako sa mga magulang ni Grace at sa mga kapatid niya. Wala naman sigurong dapat ipag-alala di ba?

Ano bang dapat kong gawin?

Tinext ko si Grace ngayon lang... ang sabi ko... "Sige, sa Linggo, punta ako dyan sa inyo!" Ang matipid na sagot... "Ü" Anong ibig sabihin noon?

A Post-Valentine Entry

Monday, February 19, 2007 | | 12 comments |

Hindi kami sumabay ni Grace sa mga lovers (daw, ows!) na nag-celebrate ng Valentines' Day sa mismong Araw ng mga Puso. Ikinataon naming February 16, Friday, ang aming date para iwas na din sa traffic, siksikan at intriga mula sa mga taong walang magawa kundi ang tsumismis.

Lately, kasi, feeling ko may mga taong pinag-uusapan ako sa loob ng aming campus o sa loob ng aming room. Aning-aning na yata ako sa almost-forbidden love namin ni Grace. Kasi hindi pa naman opisyal na kami, at wala pang exchange of I love yous na nagaganap between us. Feelingan nga daw sabi nung isa kong classmate ang tamang word para dun! Narinig kong binanggit niya yung salitang iyon — feelingan, nagpapakiramdaman daw sa isa't-isa! Yun naman talaga ang status ko kay Grace eh, dahil wala pang formality ang relasyon namin.

So, ayun na nga. After class, punta na kami ng mall. Dun na lang daw para tipid na, exercise pa habang naglalakad kami sa loob ng mall. Ayaw ko pa nga sana pero, si Grace ang unang humawak ng aking mga kamay. Yihee! HHWWASZ (holding hands while walking and sipping Zagu!) ang trip nitong si Grace ha!? Hahaha!

After strolling the mall, kumain kami sa nearest fastfood na pwede naming kainan. Dahil Friday iyon at madami ding mga tao, punta kami sa kaunting tao lang ang kumakain. Trip ko yatang mag-El Polo Loco that time, and I craved for their chicken, kaya dun kami nagpunta.

Umorder ako ng food namin. And then, ewan ko ba kung ano ang meron sa sulok at favorite place iyon ni Grace. It must have been the view. Usual talk. How's school? How's work? Are you fine? And then suddenly, sa gitna ng aming mahaba-habang pag-uusap at palitan ng mga kuwento at tawanan, nasambit ko sa kanya: How about us?

Tahimik. Why am I so stupid? Why did I spoil the laughter and the good conversation? Stupid. Stupid talaga! And then she replied. "Punta ka sa amin, i-meet mo parents ko para makilala ka nila ng husto!"

Feeling ko, ako si Ben Stiller ng Meet the Parents! Siyempre kinabahan ako bigla. Start na yata ng panliligaw ko! Hindi kay Grace, ang babaeng na-meet ko sa dancefloor ng Tia Maria's... kundi sa parents niya!

Toothpick's Q&A portion: the 50th post!

Monday, February 12, 2007 | | 10 comments |

Isang linggo na din nung ako ay huling nagpost ng aking entry. At sabi ko nga dun, dedicated ko ang aking 50th post sa mga taong matiyagang nagbabasa sa aking blog. Salamat po sa inyong walang sawang nagbabasa ng aking buhay. Salamat sa blogger.com at sa mga bloggers na napapadpad dito sa aking munting mundo sa malawak na web! Naks naman!

Anyway, update po muna tayo! Natapos na din po ang research at defense ko nung nakaraang linggo. Feeling ko sobrang nanghina talaga ako ng sobra. Pero naramdaman ko iyon after na nung defense. Parang nahigop na ata nung manyakis kong propesor ang lahat ng aking enerhiya. Kasi malakas naman ako bago mag-defense. Pero napansin daw ng classmate ko na mahina na ako bago mag-uwian. Parang ang bigat-bigat daw ng aking balikat! Eh kasi naman, sa akin ninyo ipinasan lahat ang mga mabibigat na tungkulin — research, encoding, printing, takbo sa xerox — toothpick ng inang iyan, eh research ko na ito eh! Wala na silang halos nagawa!

Sabado, nagtext si Grace! Yihee! Pasyal daw kami sa SM Mall of Asia. Sabi ko sa sarili ko, "Ok, pasyal, teka... di ba may Lovapalooza dun?! Gusto ba niya ng kiss? Sana sinabi na lang niya sa akin ng ma-kiss ko siya!" Reply ako sa kanya, "sorry ha, di pa ako rekober sa pagod ko kahapon sa defense e. im sick. eto nga inom ako gamot. punta kn lng here, kaw n lng pasyal d2! Ü" Text naman siya agad "ay ganun... sayang, sige i understand, pagaling kn lng, ok?! mwaaah Ü" Hindi ko na siya nareplayan dahil nakatulog na ako nun after kong mabasa yung text niya! Yihee!

Eto na ang pinakaaabangang Q&A Portion. Sa isang linggong pag-absent sa blog world, ako po ay nakakalap na 12 intriguing questions as of today, February 12, 2007 at 2:33 PM! At dahil 12 lang iyan, dadagdagan ko pa ang mga tanong at susubukan kong paabutin ng 40! Yung iba siguro eh kukuha na lang ako sa mga madalas na itanong sa Forbidden Questions segment ni DJ Mo! Sana po ay magustuhan ninyo ang aking mga sagot:

Round 1: PERSONALITY

Anie: Ano ba talaga ang real name mo?
Toothpick: Jake po! Just call me Jake!

Sherma: Bakit ka naging toothpick-lover? Kasing payat ka rin ba ng toothpick?
Jake: Masarap po kasing magtanggal ng tinga matapos kumain. Naging habit ko na po ito mula nung bata pa ako! Hindi naman siguro ako kasing payat ng toothpick! Malaki lang siguro yung built ng buto ko at medyo wala akong kalaman-laman kaya mukhang payat. I repeat, mukhang payat! Hehehehe.

Dos Ocampo: Anong qualities ng Toothpick ang meron si Toothpick?
Jake: Maputi at mahaba at nakakatusok! Hahahaha!

Basey: Kung ihahambing ka sa isang toothpick anong klaseng toothpick ka at bakit sa palagay mo ay mawiwili ako syo?
Jake: Ang hirap naman ng tanong mo! Teka... mayroon bang iba pang klase ng toothpick? Baka kahoy o plastic? Siyempre kahoy kung iyon ang nais mong malaman! Isa akong toothpick na taga-tanggal ng tinga ng buhay. You know what, this is what I am blogging about... I am toothpick, yet, yung iba nakikita nila ang sarili nila sa akin! Samantalang hindi naman sila ako! You know what I mean? No offense meant ha? I guess everyone has a toothpick inside of us! At iyong qualities kong iyon ang dapat mong kawilihan. Hehehehe.

Phone-in question: Paano ka ba magalit?
Jake: Hahahaha. Minsan kung ano yung hawak ko, maibabato ko sa iyo kapag sobrang galit o inis na ako sa sitwasyon o sa iyo!

PIQ: Sinong kinasusuklaman mong tao?
Jake: Uhm... si Effy! Hahahaha. Huwag kayong maingay sa kanya ha!

Round 2: NAUGHTY

Billycoy: Anong favorite position mo?
Jake: Hahahaha. Sa kumpanya ba ito o sa sex. Maganda daw doggy-style. Kasi it makes the female orifice tighter. So kahit hindi na virgin, it makes her a virgin! Hahahaha (feeling expert here)! So, I guess yun yung favorite position ko. Next question.

Aryo: Who makes your dreams wet?
Jake: Nyak! Hehehe. Ang alam ko kasi kapag nagwe-wet dreams ang isang lalaki, hindi siya nagma-mass starvation (excuse me for the word)! Sorry, malakas ang imagination ko, kaya hindi po ako nagwe-wet dreams! Hehehehe.

Mauwy: Ilan taon ka na when you had your 1st kiss???
Jake: Never. Virgin pa po ako sa mga bagay na ganyan. Sayang nung Sabado sana yung first kiss ko kaso I'm sick and tired due to defense eh. Ok ba?

PIQ: How old were you when you lost your virginity
Jake: Hahahaha. Virgin pa po ako!

PIQ: Have you ever been offered money by a gay dude? How much?
Jake: Yup! And the experience was so scary! He was like so fit pa naman. And then gay pala siya. I was malling lang naman that day. And then napagod ako kaya umistambay lang ako sa may atrium (ung bakal na pabilog kung saan pwedeng dumungaw sa ibaba) ng mall. And then maya-maya may lumapit sa akin. P1500 daw! Sabi ko, "lumayas ka sa harapan ko o ilalaglag kita kita mula dito sa 4th floor!" Ayun! Hahahaha.

PIQ: Have you ever had a fistfight with someone?
Jake: Kala ko naughty? Anyway, oo naman. Nung bata pa ako. I guess everybody naman experienced that. Specially nung bully days ko.

PIQ: Have you tried flirting?
Jake: Flirting na ba yung i-brush ko yung buhok ko gamit ang aking mga daliri sa kamay?

PIQ: Have you ever pleasured yourself with somebody else and not Grace?
Jake: Ano ba yun? Grace deserves a respect! I can pleasure myself kahit walang iniisip. Try ninyo, masaya yun!

PIQ: Do you have porno dvds in your room? What title? Do you have favorites?
Jake: Hmmm... Meron yata! Favorite ko kasi yung Barely Legal Series. May kuwento (ano daw?), may laman (ows?) at punung-puno ng aral! Hahahaha. Ang dami naman yatang naughty questions.

PIQ: Is there a Toothpick sex scandal or nude pictures of yourself?
Jake: Nude pictures, meron! Nung baby pa ako! Sex scandal... I think so! Hahaha!

PIQ: When was the last time you read porno magazines?
Jake: I'm not into porno mags. That does not arouse me at all. Penetration scenes are better! Joke.

PIQ: Ok last naughty question, how big is your "wang"?
Jake: Whew (perspires)! It's hot in here. I really don't know! I'll check on that later!

Round 3: STUFF QUESTIONS

David Edward: What if your bestfriend tells you that "he" loves you? And then your girlfriend cheated on you? How will you handle the situation? Both of them are important person to you aside from your parents.
Jake: Whoa! What a question! I really don't know how to handle "brokeback mountain-ish situation"! I am not into it! But hey, don't get me wrong, hindi ako homophobic ha! Regarding my girlfriend, I guess kakausapin ko siya at itatanong kung ano ang nangyari or may pagkukulang ba ako hanggang sa marinig ko sa kanya ang "It's not you, it's me!" na mga kataga! Yun. Kapag narinig ko na iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Uhm, hypothetical question ba ito?

Wilfredo Pascual: Ano ang pinakamasakit na narinig mo mula sa mga magulang mo?
Jake: Yung tawagin kang walang kwenta at walang silbi. So far, yun pa lang naman ang naririnig ko mula sa kanila.

Anonymous: Ano ang tatlong katanungan mo sa buhay na hanggang ngayon hindi mo pa rin masagot?
Jake: Una, kelan ba ako magkaka-girlfriend? Ikalawa, paano ba ang umibig? Ikatlo, masarap ba talaga kapag may minamahal, yung kayo na talaga ha, as in mag-on?

Anonymous: Kunwari hawak ko ang magic salamin ni boy abunda (nyahahaha) sino ang makikita mo at ano ang sasabihin mo sakanya?
Jake: (Si toothpick ang nakaharap sa salamin) sasabihin ko sa kanya, magpakabuti ka lang at ipagpatuloy mo ang iyong mga ginagawa sa buhay kung hindi bwakanang ina ka, iuumpog kita sa salamin na nasa harap mo upang matauhan ka na!

PIQ: Kung magiging hayop ka sa second life mo, ano ba ang gusto mong maging? Bakit?
Jake: Ibon. Para malayang makalipad.

Round 4: FAST TALK DAW

Black or White? Colored

Color of love? Red and blue

ABS-CBN or GMA? CABLE

Long and hard or short and soft? Long and hard

Sunny side up or scramble? Sunny side up

Plain or fried rice? Both

Banana ketchup or tomato ketchup? Mang Tomas

Curly up or straight down? What do you mean...

Short-hair or long-hair? Short hair

Dog or cat? Doggy style, ay ano ba ito? Pet ba ito?

Windows Vista or Mac OS X? Ngek.

Meow or roar? Siyempre roar!

Laptop or Desktop? Desktop

Noodles at Coffee or Canto't bj? Pancit Canto't buko juice

Bookworm or Bookish? Pareho lang yun di ba?

Up here or down there? Down there then up here then down there then up here...

Lapirot-pihit or pumping scene? Pumping scene (if you know what I mean...)

Whew! Thank you po!