Pasan ko ang Daigdig — Sharon Cuneta

Tuesday, January 30, 2007 | | 2 comments |

Nakapanghihina talaga kapag nararamdaman mong parang pasan mo ang daigdig.

Sunod-sunod ang pinagagawa sa amin ng mga hinayupak. Mababaliw na yata ako. Parang kailangan kong uminom ng aspirin at alaxan. May written defense kami kay Miss Tapia tungkol sa walang kamatayang Law of Obligation and Contract. May "case" research naman kami kay Atty. No Case. At siyempre hindi pahuhuli ang thesis namin kay Prof. Fussy. Tapos biglang sinipag si Prof. Juan Tamad at pinapasulat kami ng at least 20 pages report tungkol sa budgetary process. Yung bata lang naming prof na mukhang "anghel" ang "medyo" nagpahinga sa amin. Pero binigyan pa rin kami ng ilang homework these past few days. Tsk... tsk... pano na lang kami ni Grace? Huhuhu... Anyway, busy rin naman siya sa thesis nila. So okay na rin na hindi ko siya naiistorbo diba? Kapag nakaluwag ako bukas (chances are slim) baka magpaalam akong sunduin siya from school. May tinext kasi siya sa akin na parang may sumusunod daw sa kanya. Hala! Hindi kaya ako yun? Hahaha! Ang stalker talaga galit sa kapwa stalker, haha!

R-18

Wednesday, January 24, 2007 | | 8 comments |

Warning: R-18 po ang mga sumusunod na pangyayari! Hahahaha. Sa mga bukas po ang isip, go on, sa mga sarado po ang pang-unawa at pati third eye, umalis na lang dito! Hehehe. Hindi naman ito masyadong bastos! Hihihi.

Alas-otso pasado na ng gisingin ako ni Mama at sabihing aalis na daw sila ni Papa. Palibhasa wala akong pasok kaya ayun, medyo tanghali na akong gumising. Bumangon na daw ako at isara ko yung gate kasi wala ng tao sa bahay kundi ako na lang. Maya-maya pa narinig ko ng kumabig ang gate at umandar na ang kotseng sinasakyan nila. Ilang minuto pa at bumangon na rin ako.

Sa wakas! Ang matagal ko ng pinakahihintay na pagkakataon! (evil laughs) Hahahaha! Maisasakatuparan ko na din ang dating-dati ko pa gustong mangyari. Ang sabi ko, "Ano kaya ang pakiramdam ng lumakad ng hubo't hubad sa loob bahay?" Hahaha. Miski kayo naiintriga ano? So, I unleashed the curious cat in me at sinubukan ko ang maitim na balak.

Dali-dali akong bumangon sa aking kama at sabik na gawin ang aking balak! Kinakabahan talaga ako habang ginagawa ko ito! Kasi first time kong gagawin ito ulit after so many years. Dati kasi ginagawa ko din ito, nung wala pa akong kamulatan sa mundo. Pero, simula nung nagkaisip na ako, hindi ko na yata kaya itong gawin. Dati daw kasi, kuwento ni Mama, tumatakbo pa ako sa buong bahay pagkatapos maligo. Nagpapahabol talaga ako sa kanya dahil ayaw ko daw magpapunas ng katawan.

Eh matagal na iyon! Gusto ko ulit na maranasan ang mga bagay na ginagawa ko dati. Hahaha. Sabi nga di ba "We can only be young once, but we can always become immature!" Hahahaha. O, di ba? May pinaghugutan ang aking masama at maitim na balak.

Music. Siyempre hindi pwedeng mawala ang background music habang unti-unti kong hinuhubaran ang aking sarili. Tatlo... dalawa... isa! Tenen! Ayan na! Para akong miyembro ng Alpha Phi Omega na sumalang sa initiation rites nila at tuluyan ko ng tinakbo ang buong kabahayan. Siyempre hindi ako lumabas ng bahay no, hanggang sa loob lang. Naisip ko kasi oras na lumabas ako, may tendency na akong maging exhibitionist! Hahahaha. Kaya limited lang sa bahay.

Anyway, ang sarap ng pakiramdam na maging batang muli. Ang sarap ng aking pakiramdam nung ako ay tumakbo sa buong kabahayan. Ang sarap. Nawala ang lahat ng aking pagod — sa school, stress sa thesis, professor pressure, lahat-lahat na! Para akong nakahinga ng maluwag. Tumatakbo ako habang sumisigaw! Ang sarap talaga ng pakiramdam. Buti na lang nung bumalik sina Mama dahil may nakalimutan daw siya, eh, natapos na ako sa aking ginawa. Nakalimutan ko nga palang isara yung gate! Bwakanang inang iyan, OO!

Kayo, nasubukan na rin ba ninyong tumakbo sa loob ng bahay ng hubo't hubad? Try ninyo! Ang sarap talaga ng pakiramdam!

Vote for me, please! Hehehe

Monday, January 22, 2007 | | 6 comments |

Ngayon ko lang nakita ito at para sa akin ay isang napakagandang pangyayari ito sa aking buhay (or at least sa aking blog life).

Matagal-tagal na din akong nagbablog ngunit ang mapabilang sa shortlisted ng mga nominado sa Filipino Blog of the Week ni Composed Gentleman ay isa pong napakalaking karangalan sa akin.

Kakapalan ko na po ang aking pagmumukha. Hehehe. Humihingi po ako sa inyo ng suporta upang ako po ay tanghaling Filipino Blog of the Week. Hihihi...

Para po makaboto, pumunta lamang po sa blogsite ni Composed Gentleman dito o sa link na nasa ibaba:

http://salaswildthoughts.blogspot.com/


At sa gilid po o sidebar ng kanyang blogsite ay mayroong mini poll kung saan nakalista ang mga nominado sa linggong ito para nga po sa Filipino Blog of the Week. Just check on toothpickdiaries at click ang vote! Salamat pong muli sa inyong suporta at pagsubaybay sa akin. Maraming maraming salamat po!

Busyness

Sunday, January 21, 2007 | | 1 comments |

Parang nakasinghot na naman ng rugby si Miss Tapia sa klase kanina. Kung anu-ano na naman ang mga pinagagawa. Parang nababaliw. Kakatakot. She's going to fail three students daw this sem. Toothpick ng ina, sino kaya yun? Masisira tuktok mo yun kapag nalaman mong bagsak ka kung kailang gagraduate ka na. Buti ako medyo "average" ang score ko sa mga tests niya. Sa hirap ba naman ng mga bwakanang test niya, malamang nga may bumagsak, lalo na't sumasabay din ang thesis at iba pang research. Sana naman intindihin din ng mga professor na tulad ni Tapia na tao lang kami at nahihirapan din. Hindi kami computer na save lang ng save ng data. Paano na lang ang social life namin diba? Palibhasa kasi eh matandang dalaga, kaya pati kami eh idadamay sa emptiness na nararanasan niya. Gusto rin kaming magdusa.

Iniisip ko tuloy na baka maging wrong timing ang plano kong panliligaw kay Grace kasi alam kong busy rin yun. Tingnan mo, after ng resto sa Tita niya, nagpart-time agad siya sa store sa mall, to think na graduating student din siya. Superwoman talaga. Atta girl. Ngayon, papaano kung sakaling simulan ko na manligaw tapos biglang naging mas lalong busy siya? Maisingit niya kaya sa utak niya ang pag-iisip sa akin? Ayaw ko rin namang magpadelay pa. Marami nang umiyak dahil "nagpapatumpik-tumpik sa pag-ibig... it's now or never.

Cornicles

Friday, January 19, 2007 | | 8 comments |

Medyo nadulas ako kagabi habang kausap ko si Grace sa telepono. Muntik ko nang mabanggit na nandun ako sa mall last time. Nagkukwentuhan kasi kami tungkol sa kung ano ang maganda sa paningin ko at paningin niya. In the middle of conversation, bigla kong nabanggit na mas maganda nga siya kapag walang make-up. Tinanong niya ko bigla na "Bakit, nakita mo na ba ko'ng walang make-up?" I was about to tell her "oo, kahapon," buti na lang biglang sumigaw si Mama (pinapagalitan yung aso namin dahil tahol ng tahol), so na-interrupt ang utak ko at biglang napaisip ako na hindi nga pala alam ni Grace na nandun ako sa mall. Sabi ko na lang sa kanya "Wala lang. Naiimagine ko lang..." Whew. Muntik na.

Etong problema ko. Hindi ko alam kung paano manligaw ng pormal. Gusto ko kasing malaman ni Grace na talagang gusto ko siya, at gusto kong siyang maging girlfriend. Hindi kasi ako komportable kapag nag-uusap kami sa phone at maririnig ko ang mga katagang "siyempre you are my friend" o "a friend like you" o "friend tayo, diba?" o "sweet buddy". Okay, sige kaibigan ko rin siya, pero I want to be more than her friend. Paano ba? Pero imposible namang di niya mahalata sa kilos at pananalita ko. Paano bang estilo gagawin ko?

Grace, I really don't know how to say this, but I really like you. Pwede ba kitang ligawan?

Uggh! Toothpick ng ina! Ang mais naman.

You Complete Me — Jerry Maguire

Thursday, January 18, 2007 | | 8 comments |

Yesterday, mga umaga, dumaan ako dun sa store sa Robinson Place kung saan nagwowork si Grace as part-time accounting clerk bago ako dumiretso ng school. Kakabukas lang ng mall kaya wala pang masyadong tao. Nag-aayos pa lang yung mga saleslady sa store, at hindi ko makita si Grace. Nagtext ako sa kanya at tinanong kung nasan siya, pero di ko sinabi na nasa Mall ako. Sabi niya papasok pa lang ng mall. TInanghali raw ng gising. Siyempre napatingin agad ako sa paligid, tapos nagtago ako sa gilid-gilid. Wala lang, ayaw ko lang makita niya ako, baka kasi makaistorbo ako eh. Ayun na nga, biglang nakita ko nagmamadaling pumasok sa store, hingal na hingal. Medyo gulo pa yung buhok at walang kolorete sa mukha. Hay, parang gusto ko siyang yakapin at bigyan ng tubig. Parang mas lalong maganda si Grace kapag walang make-up at parang bagong gising. Nakakatuwa. Pinanood ko lang kung pano maging busy, sulat dito, sulat dun; compute dito, compute doon. Cute niya kapag kumukunot ang noo. Ang sipag ni Grace, working student sa umaga then aral sa hapon at gabi. Hay... binigyan ko siya ng isa pang nakatutunaw na tingin (hehehe) then umalis na rin ako, dahil may klase pa ko kay Atty. No Case. Ang sarap ng feeling. Nakumpleto ang araw ko.

A Date With Love?!? Part 3

Wednesday, January 17, 2007 | | 4 comments |

Pasensya na po sa mga nagbabasa kung ninais kong gawing by-parts ang aking "date" entry kasi po isa ito sa mga new year's resolution ko, ang iwasang magsulat ng napakahabang blog entry. Hehehehe. Kasi po kapag napakwento ako eh talagang tuluy-tuloy. Baka madaling araw na eh hindi pa po kayo tapos sa kakabasa. Hehehe. Salamat pong muli sa mga taong nais malaman ang aking mga kuwento.

Sa pagpapatuloy...

I got a crave for pizza and spaghetti kaya tinanong ko si Grace kung ok lang ba kung sa Sbarro kami kumain. Ang sabi niya, "Wow! Sbarro, ang yaman! Ok sige. Sagot mo naman di ba?" "OO, naman!" sabi ko. Kaya doon sa Sbarro na kami kumain. Ako na daw ang umorder kaya ang inorder ko eh yung supreme pizza with extra cheese and toppings, dalawang spaghetti at large iced tea. Hindi ko na sasabihin pa kung magkano kasi medyo mahal. Pero okay lang. Hehehe.

"Pero parang kulang ang meal na iyon. Kulang nung sinabi ni Alex na chicken. Anyway", sabi ko sa sarili, "mamaya na lang pagkatapos naming kumain eh dadaan na lang kami sa KFC" – bagay na hindi na namin nagawa dahil sa sobrang kabusugan.

Grace got the table at the corner. Ako naman binitbit ang dami ng order namin papunta sa malayong sulok na iyon. Sinusubukan ba ako ni Grace? Hahaha. Hindi kaya ako susuko!

And then we eat. Chit-chat. Eat and chit-chat. Ang dami na namin napag-usapan — academics, her family, her job, my schooling and then suddenly, "Kumusta naman ang papa mong lawyer?" Aaaahh... I hate that topic! Pero kaya ko pa namang i-handle. Okay naman siya pati mama ko. At ikinuwento ko nga ang halos lahat. Na si mama ay ganyan at si papa ay ganito, ayun, kinagat naman siguro niya. Of all things and people pa kasi bakit sila pa?

In the middle of our conversations, bigla akong tumigil. Kumuha ako ng tissue at sinabing, "sandali lang, may sauce ka...". Hindi ko alam kung bakit, pero pumayag si Grace na punasan ko yung sauce niya sa bibig. Haaayy... bakit bigla akong ninerbiyos nung mga sandaling pinupunasan ko ang kanyang bibig. Hindi ko maipaliwanag ang mga pangyayari. Basta ang alam ko, nagtago ako ng tissue ng Sbarro at nilagyan ko ito ng date... January 13, 2007! (Hindi po ito yung tissue na may spaghetti sauce ha!)

Gabi na nung natapos kami sa aming kuwentuhan. Busog na busog na kami, sa aming kinain at sa mga impormasyong dapat malaman namin sa isa't isa. Malapit na yatang magsara ang mall. Buti na lang at dala ko ang kotse. Maingat akong magmaneho kaya wala naman dapat ipag-alala si Grace tungkol dito. Hinatid ko siya hanggang sa kanila.

Malalim na ang gabi nung ibinaba ko siya sa tapat ng gate nila. Tahimik at malamig. Konting-konting usap pa at nagpaalamanan na kami. Tanong ko sa kanya, "Ulitin natin ito?", na sinagot naman niya ng "Sure, why not?"

Ang tagpong kala ko sa pelikula lang nangyayari ay hindi ko inasahang dumating. Paalis na ako ng hinabol niya ako at niyakap ng mahigpit habang nakasandal ang kanyang mukha sa aking likuran sabay sambit ng "Salamat..."

(Wakas)

Ganito ba talaga ang mga babae?

Tuesday, January 16, 2007 | | 3 comments |

Nung sinabi ni Grace na gusto nyang manood ng Blood Diamond, siyempre natuwa ako. Kasi gustong-gusto ko talagang panoorin ito. Matagal-tagal na kasi akong hindi nakakapanood ng foreign action-adventure movie eh. Ages na yata nung huli akong nakapanood.

Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit nung mga oras na nandoon na kami sa sinehan ay biglang nagbago ang isip niya. Biglang "she's not into adventure, thriller, drama movie daw kahit na si Leonardo DiCaprio pa ang bida" kind of thing ang lumabas na mga salita mula sa kanya! Ang bilis namang magpalit ng gusto itong si Grace.

Baka mamaya nyan, kapag naging kami na (*cross fingers*) eh, madali siyang magsawa sa akin at palitan na lang niya ako bigla. Anyway, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang naman kami ng aming relasyon (kung iyon nga ang maitatawag mo dun!). So far, okay pa naman kahit medyo sablay ang first date.

Pagkatapos naming manood ng pelikula, niyaya ko siyang kumain. Kahit na sinabihan na ako ni Alex to remember three things not to eat on your first date, which are:

1) chicken — dahil alangan namang magkamay para hawakan ang manok o gumamit ng spoon at fork at makipagbuno sa manok;
2) spaghetti — dahil messy ang red sauce sa bibig at turn off iyon sa ka-date o sa iyo kapag nakita kang ang baboy mong kumain; at
3) pizza - dahil messy din at mamantika kapag hinahawakan ang pizza at turn off din daw kapag hinabol mo pa ang cheese ng iyong mga daliri and don't forget the smell of onion in your mouth after you have eaten the pizza

...eh yun pa din ang inorder namin! Walang kiyeme. Walang inhibitions. Walang pakialamanan. Di ba dapat sa relasyon wala dapat tinatago? Ayoko kasi ng "always best foot forward" tulad ng iba. Hindi ako ganun. Magkaalamanan na. Kung ayaw niya sa akin, eh di ayaw ko rin sa kanya. Period! Ayoko pang mapakanta ng "Di Bale Na Lang"!

(itutuloy...)

A Date With Love?!?

Monday, January 15, 2007 | | 5 comments |

Kakaiba ang naging dating ng date namin ni Grace noong Sabado.

I really, really, really want to watch Blood Diamond, pero sabi ni Grace, she's not into adventure, thriller, drama movie daw kahit na si Leonardo DiCaprio pa ang bida. Eversince daw nung mag-iba ng genre si Leonardo DiCaprio from sweet romantic drama actor sa Titanic to a bloody "dugyot" gang leader sa Gangs of New York (which was a very bloody and gore-y movie for her), eh, ayaw na daw niyang manood ng kahit na anong Leo-flicks.

Of course, hindi ko pinahalatang ayaw ko sa suggestion niyang huwag ng manood ng Blood Diamond. Pero ang pangyayaring iyon ang nagbigay sa akin ng matinding kaba sa dibdib. Kinabahan ako bigla. Nung tumingin ako sa mga movie posters na naka-display sa sinehan, hindi ko alam kung bakit dalawang posters lang ang nakikita ko – ang poster ng Blood Diamond at ang poster ng Kasal, Kasali, Kasalo!

Ang sabi ko sa sarili ko, "uh-oh, any movie, please, any movie, please... but that..." Ilang sandali pa, sinambit niya ang mga salitang, "Yung kay Judai na lang kaya..." Sa loob-loob ko, "Aaaahhh... Bakit yun pa? Anong kasalanan ko sa mundo? Bakeeet? Bakeeetttt...?" Hinga. Hinga. Hinga.

Ang sabi ko na lang sa kanya, "M-my next favorite movie... Why not?" Sino ba naman ako para tumanggi? Hehehe. May hinala akong si Grace ay isa sa mga legitimate members and co-founder ng JUDAISMO dito sa Pilipinas!

(itutuloy...)

Excited

Saturday, January 13, 2007 | | 1 comments |

Ilang oras na lang at magkikita na uli kami ni Grace. I am silly kung di ko aamining na-eexcite ako. A couple of hours ago, I thought I was going to blow another chance. Kasi mga 9am tumawag sa akin si Mama at sinabing gamitin ko yung kotse at sunduin ko sa seminar nila ng mga alas 4pm. Natural kinabahan ako dahil 5pm ang date naming ni Grace. Maaaring ma-late ako kung susunduin ko si Mama at bad impression yun kay Grace. Baka sabihin niya Mama’s boy ako. Dapat kasi ay naipagpaalam ko rin kay Mama yung kotse at hindi lang kay Papa. So maaning-aning ako kung papanong diskarte ang gagawin ko. Pwede kong i-excuse na “emergency lang” kaya ako malelate. But I have done it before. Buti na ang habang natuturete ako nung tanghali ay biglang tumawag si Mama at sinabing ‘wag ko na lang daw siyang sunduin dahil dadaan raw muna siya sa charity org nila. Saved by the bell ako. Now I can prepare for my date.

Siyempre ang una kong plano ay manood kami ng sine. Pangalawa ay kakain sa restaurant na nag-oofer ng candle-lighted dinner o kahit anong medyo cozy restaurant. Tapos balak kong maglakad-lakad kami sa PICC or kahit saang medyo greener ang park. Kung may oras pa eh pupunta kami ng Star City. Pero bahala na kung saan. Di ko rin kasi masasabi. Kasi mas maganda rin kung hahayaan na lang namin ang aming mga sarili sa “flow” di ba? Let what we feel guide us.

Okay, ligo na ko. Wish me the best.

No time for you guys!

Thursday, January 11, 2007 | | 3 comments |

Busy-busyhan ang mga bwakanang inang classmates ko sa aming nalalapit na deadline ng thesis. Ewan ko ba sa kanila, more than a month pa naman bago ang deadline pero hindi na sila magkamayaw sa kung anong gagawin nila sa thesis.

Wala akong time para makipagsabayan sa mga mood swings ninyo! May nagtanong nga sa akin if I care daw about our thesis. Ang sabi ko sa kanya, "Yah! Of course I care! BIGTIME! Kaya nga huwag ninyong masyadong madaliin yan dahil kapag pumalpak yang thesis natin at panget ang maging kalabasan, at mababa lang ang nakuha natin na grade, eh, humanda na kayo at magtago..."!

Hindi ko naman sila pinagbabantaan. Pero hindi naman lahat ng bagay eh nadadaan sa pagmamadali. May ilang mga bagay na nadadaan sa madaliang trabaho gaya ng quickie... quickie lunch (mga pack lunches), quickie drinks (tetra packs) at quickie naps (tulog talaga ito, huwag ng pag-isipan ng masama!).

Sinabi ko pa sa kanila, "mga 'quophale' (pronounce as kuu-pahl) kayo! ayusin natin ito talaga!"

I have no time for some childish tantrums and mood swings. Isa mga natutunan kong law sa science ay ang principle of superposition. Ito yung kapag ang isang malaking wave ay sinalubong ng isa pang malaking wave ay magreresulta into a much bigger wave! So, I guess, nonsense lang kapag sinalubungan ko pa sila ng aking mood swings sa mga pinaggagagawa nila. Hindi nila alam ang kaya kong gawin. Kaya kong bumasag ng bote ng beer sa ulo nila at itarak sa kanilang katawan. Morbid as it is, but that's the only way to get rid of them.

Ewan ko ba hindi ko rin maintindihan ang sarili ko lately. I have no time for anger, I have no time for stupidity, I have no time for senseless acts and thoughts. Sa sobrang "I have no time for stupidity" ko nga eh nasabihan ko in a very polite and calm way (na hindi ko alam kung saan nanggaling, basta na lang lumabas sa aking bibig) yung classmate ko tungkol sa ginawa niyang kagaguhan sa aming thesis ng "Can you spell 'stupidity'? It's Y-O-U!" Damn it! Stupid! Quophale ka!

Heto na... heto na... waaahhh!!!

Wednesday, January 10, 2007 | | 6 comments |

Lumalala na ang mood swing ng mga classmates ko. Parang Divisoria na ang loob ng klase, may kanya-kanyang trading at negotiation. Buti na lang at hindi pa ko masyadong binibigyan ng sakit ng ulo ng mga kasama ko sa thesis. Maliban lang sa ilang mga lates, medyo nakakatulong naman sila. Yung ibang mga grupo sa klase, parang walang coordination na nagaganap. Ilan na ang nalaman kong nagsolo either because they were evicted out by their groupmates or they got out themselves. Yung mga ka-groupmates ni Janine, naiinis na sa kanya kasi raw di sumusulpot sa mga meeting. Kawawang Janine. Tingnan ko kung pwede pa sya sa amin kung paalisin siya. Hay... ganito pala ang buhay ng graduating student.

Nakausap ko si Grace. Sabi niya baka raw malibre siya sa Saturday simula ng hapon, gusto nya raw panoorin ang Blood Diamond, ilibre ko raw siya. Abay siyempre, kahit ilang movie pa ang panoorin namin ay ako ang manlilibre basta ba kasama ko siya. Tuwang-tuwa ako. First time kong makikipagdate ng totoo sa isang babae at kailangan magkaroon ng magandang impression. Siguro naman eh medyo magaling na yung tigyawat ko sa noo sa Saturday para di naman dyahe. Pinisil ko na nga kanina eh. Hindi na rin ako mag-aahit. Kasi tingin ko mas gusto ni Grace ng mga medyo rugged and mature-looking, hehe. Titingnan ko pa kung magpapagupit ako kasi kakapagupit ko lang last two weeks. Gusto kaya ni Grace ng may patilya? Adik-adik style? O clean cut? Hay, na-eexcite ako, hehehe.

Untitled

Sunday, January 07, 2007 | | 0 comments |

Sa ngayon, kasama pa rin siguro ni Nikki ang asshole nyang boyfriend. Para siyang langaw, dikit ng dikit sa bulok na basura. Wala na kong masyadong balita sa kanya, sa totoo lang. Mga barkada ko lang yung nakakausap nun (dahil sa affinity sa gimikan). Ang huling pagkakaalam ko, nadrop niya ang isang major subject sa course niya. Siguradong di makakagraduate yun this March. Hindi naman niya kasing talino at kasing sipag si Grace. Eh toothpick ng ina, laging sumasama sa balasubas niyang boyfriend. Baka yung boyfriend niya eh nagtuturo ng ibang “subject,” ano kaya? Anyway, wala na kong pakialam kung ano mang kabalastugan ang gawin nila. Oo, minsan naiisip ko si Nikki. Siguro dahil sa panghihinayang. Hindi ko alam. Ayaw ko na ring alamin. Magugulo lang ang mundo ko. Lalo na’t ganitong nagiging abala na ko. Gusto ko nang matapos ang kurso ko ngayong taon. Sawang-sawa na ko sa mga pinag-aaralan ko.

Writing My (first) Love Story (conclusion)

| | 1 comments |

The next weekend, I was doing nothing in the house when I thought of texting her. I asked her what she’s doing and she told me that she was just in the house alone. At the spur of the moment, I decided to go to her place because I wanted to see her. On my way to her place, I bought her rocky road ice cream (I had done my research and my friend told me it was her favorite).

As I parked my car in front of their house, I saw her arguing with a guy in the porch. He must be the jerk, I thought. She saw me coming out of the car and she rushed to open the gate for me.

She greeted me “Hi Hon!” and gave me a smack. I was taken aback. The jerk was just as surprised as I was.

“_____ (Jerk), boyfriend ko, si ____ (Toothpick).” The jerk left without saying a word.

She apologized for stealing a kiss and dragging me to her mess. She then thanked me for saving her from the jerk. I gave her the ice cream and she was surprised that I picked her favorite. She said the jerk had been trying to get back with her but she didn't want to. She said she was delighted to see me park my car because the jerk didn't believe her story.

Ang swerte ko naman! Hindi pa man ako nanliligaw eh kami na.

I pushed through with my plan of courting her. I gave her my permission to “use” me as a front to her ex. She even introduced me to her friends as his new boyfriend.

I didn't know why the jerk would cheat on a girl like Nikki. Nikki was a really sweet and thoughful person. She was also very caring. I used to get hungry on my way to her place so she would buy me food before I arrived in her school and feed me while I am driving.

This front act made me love her more. I was one lucky guy.

I thought I was.

The jerk must have realized how stupid he was for cheating on her that he tried to win her back. (the same time I was pretending to be her boyfriend and courting her) She must have really loved him. Days went by and little by little, I was loosing her. I was in denial that Nikki was still in love with the jerk. He didn't deserve Nikki! I felt really depressed that I decided to hang out more with my friends and visit her less often.

Just when I thought I should give up, I saw the jerk with another girl in a bar where we and my friends hang out. I tried to tell her. But she got pissed and accused me of slandering the jerk to make her choose me over him. So that’s it! That was enough for me to realize that it is futile to continue courting her. She had already made her choice. And I was left with a broken heart.

So who is Nikki?

She is "my girl who never was..."

Writing My (First) Love Story (continuation)

Saturday, January 06, 2007 | | 4 comments |

I don’t know if it was guilt or attraction (or both) that made me asked my friend for her number. I had to apologize after what I just did to her. I should have kept my mouth shut. I should have just focused on driving. Besides, I was the one who persisted that she ride my car. I should have known that she might end up sobbing. What was I thinking? That was so stupid!

Although it was already late, I called up my friend to ask for her number. He went like “Akala ko ba hindi ka interesado sa kanya. Blah... Blah...” Explaining to him what happened was embarrassing but I need to get his number so I did. After getting the information I needed, I hanged up. I did not give him the chance to make me admit that I was indeed interested/attracted to Nikki.

The next day, I phoned her in the afternoon. Although I had wanted to call her earlier, I assumed that she was still sleeping. I thought 1 pm is a decent time to call her. So I dialled her number that afternoon and someone answered on the first ring. I asked to speak to her and then she told me it was her.

A few seconds of silence. I didn't know what to say even if I had practiced several times before I called.

Then, I blurted out, “Si _____ (Toothpick) to. Sorry sa nangyari kagabi. Pasensya ka na. Ayoko lang kasi ng nakakarinig ng babaeng umiiyak.”
The next thing I’ve heard is the sound of the hanged up phone. But that didn’t discouraged me. I called her again and again and again but she didn’t answer. I also tried calling her on her cellphone but again, no answer. I texted her but I didn’t get any reply. I tried to speak to her for a week but she didn’t gave me the chance to explain. I chastised myself for bothering to apologize after she had shown me all that stubbornness but I couldn't help myself. I still tried. For reasons I couldn't comprehend, I was caught in her trap.

The next weekend, (that was a Saturday) I came up this “brilliant” idea. I drove myself to her house. Thanks to my sharp memory, I was able to locate her house easily. I left roses for her on the gate with a card saying sorry.
That night, I was surprised to receive a call from her. How did she got my number? She apologized for being rude for the past couple of days. I told her that I completely understand. Then, I asked about her boyfriend and she said that they broke up. Buti naman (But, of course, I did not say that). I didn’t ask about it anymore but she told me the whole story. Good thing she decided to talk to me. I told her that this guy wasn't worthy of her tears and that she deserved someone better.

Eh ayaw ko na nga ng better eh. Siya na nga ang gusto ko eh.”

Nice try! I wish I knew how to comfort someone who had just broken up with her boyfriend. I swore I wanted to kill that stupid guy at that time because she'd been crying again over the phone. I didn’t know what to tell her. Dead air for a few seconds. Then she said goodbye, apologizing for crying because she remembered I hated hearing/seeing women cry. I wanted to prolong the conversation saying it was just okay but she already hanged up...

My (first) Love Story

Thursday, January 04, 2007 | | 2 comments |

Since many people wonder who Nikki is and how she came to be “my girl who never was,” I’ll tell it here.

My girl was introduced to me by a close friend in a birthday celebration of my godfather’s daughter. I didn’t know what’s her relationship to my godfather. Although she gave me that so-called “Close-up” smile when we were introduced, I did not fall for it. I thought, she looked like a manhater and she seemed to be very domineering. This girl would end up an old maid.
I had heard of her before. My friend actually tried to court her but decided not to. He told me that she was a sweet and thoughtful girl. My head said, this girl is a bruha in disguise who had this fondness to make men cry. But something that happened that night made me change my mind.
We shared the same table and I was sitting beside her. She was a good conversationalist but I warned myself not to get into the trap.
Later, she excused herself saying she’d go to the bathroom. She never returned. I thought she got bored with us, with me. Then, when I was about to leave the place, I saw her in a corner crying. I should be minding my own business but I was not able to fight the urge to approach her and give her my handkerchief. She reluctantly got my handkerchief and thanked me.
Out of nowhere, the question “Sino’ng kasabay mo umuwi?“ came out of my mouth. She said, “Wala. Magtataxi na lang ako pauwi.”
“Saan ka ba nakatira?”
“Sa _____. “
“Sabay ka na sa akin.” Ano’ng iniisip mo? Ang layo kaya non sa bahay mo! Out of the way.
“Huwag na. Nakakahiya naman.”
“Hindi. Ihahatid na kita. Okay lang naman eh. Gabi na saka wala kang kasama.” Why am I doing this? “O baka naman natatakot ka sa akin. Di naman ako masamang tao.”
What I said made her smile and it’s only then that I realize how beautiful her smile was . “Hindi naman sa ganon. Kaya lang nakakahiya naman sa’yo.”
“Okay lang yon. Basta magpapa-gas ka eh.”
“Ganon?! Sige, thank you na lang. Magta-taxi na lang ako.”
“Joke lang! Ito naman! Sige na. Sumabay ka na sa akin. Delikadong mag-taxi mag-isa ng ganitong oras.”
I didn’t leave her until she said yes. I don’t accept rejection.
While we were in the car, she was so quiet. Then she broke her silence. She apologized for bothering me. She said that her boyfriend was supposed to fetch her after the party but they had a fight that he didn’t show up. I kept my silence so she would continue to talk.
“Alam ko kasama nya yung bitch na ‘yon!” Then she started crying again.
I hate hearing women cry so I said. “Tumigil ka na nga ng kakaiyak diyan! Hindi dapat iniiyakan ang mga ganong tao. Pabayaan mo siya! Kung sinasaktan ka lang niya, I-break mo na.”
She look stunned. I saw it in her face that she wanted to get out of my car. But she didn’t because she knew it would do her no good. She never said a word to me again except the "turn-left, turn right" on the way to her home. You could imagine how guilty i felt that time...