All set and ready to go!

Monday, February 26, 2007 | | 7 comments |

Ang pakiramdam ko, kahapon, araw ng Linggo, ay talagang kakaiba. Ito na yata ang pinakamahabang araw sa aking buhay.

Umaga. Maaga akong gumising upang paghandaan ang pagpunta ko sa bahay nina Grace. Ewan ko ba. Excited siguro ako. Pero siyempre, ayokong ipahalata kina mama at papa. Usually kasi kapag araw ng Linggo, eh, mga 11 am na akong nagigising. Pero kahapon, 7:30 am pa lang, gising na ako! Pero hindi muna ako lumabas agad ng kuwarto, Naglinis muna ako ng kuwarto ko at nag-ayos ng mga kalat sa kagabing paglalaro ko ng DOTA. Anyway, ayun na nga, mga 8:30 am ako natapos.

Gutom na ako sa kakalinis ng kuwarto kaya bumaba na din ako. Gulat ang sinalubong sa akin ni mama ng makita ko siya sa may kusina at inihahanda na ang almusal namin. Isang late na almusal kapag weekend ang meron sa bahay. Si mama ang nagluto dahil day-off ni manang kasi. Eh si mama naman medyo tanghali na din nagising. Siguro alas-otso na siyang nagising. Hahaha, daig ko siya!

After ng breakfast na fried rice, hotdog, egg at tapa along with coffee at morning chat with my parents, na isa na namang kakaiba sa araw na iyon, umakyat ulit ako sa kuwarto at hinanda ko na ang aking susuotin. Ayoko yatang mapahiya kay Grace no? Sabi daw kasi nila, basta sa parents, first impression lasts! So, gusto ko, medyo good boy ang dating! Hehehe...

Isang rugged jeans, white shirt na panloob at polo shirt na may stripes na print at medyo madaming kulay. Ayos! Kailangan ko kasi ng patong na damit dahil sa built ng katawan ko na payat pero hindi naman payat, mukhang payat lang, basta ang hirap iexplain! Hahaha. Guwapong-guwapo na ang outfit! So, outfit, check!

Shoes naman at socks, short socks, ok, ang hirap idescribe nung shoes ko! Top-sider ba ang tawag dun sa low-cut na sapatos? Yung parang Marithé François Girbaud na sapatos. Yun, parang ganun yung sapatos ko! Basta, shoes and socks, check! Now, pabango! Nakakuha ako ng tip na dapat isprayan ng pabango ang damit bago isuot hindi kapag naisuot na. So, ayun yung ginawa ko. Hehehe. Ang bango ng polo shirt ko! Smell, check! Ano pa ba? A ok. Belt, tribal accessories, white beads necklace, at gel para sa buhok ko. Ok, lahat check!

Ayos ba ang get-up? Kasi iyan ang sinuot ko kahapon sa pagpunta kina Grace eh. Ask muna ako ng opinion bago ko ituloy yung kuwento ko. Kasi mahaba-haba din ito eh. Thanks po!

Ang Grace may tampo yata...

Friday, February 23, 2007 | | 11 comments |

Isang linggo na ang nakakaraan mula nung huli kaming nagkita ni Grace dahil sa aming post-Valentine date. At mga ilang araw na din ang nagdaan, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko.

Nung nakaraang Martes, nagkita ulit kami ni Grace. Gaya ng nakagawian namin, namasyal kami ng kaunti at kumain kami sa labas. Pagkatapos nun, habang naglalakad sa mall, huminto ako. Huminto din siya. Tanong ko sa kanya, "Kailangan ba talagang magpunta ako sa inyo?"

Hindi siya kumibo at binitiwan niya ang aking kamay ng padabog. Sana iyon lang ang ginawa niya. iniwan niya ako sa gitna ng mall. Malamang iyon na nga iyon. Galit na nga siguro si Grace sa akin.

Bakit ba kasi ako naduduwag? Bakit ba kasi ako kinakabahan? Makikipagkita lang naman ako sa mga magulang ni Grace at sa mga kapatid niya. Wala naman sigurong dapat ipag-alala di ba?

Ano bang dapat kong gawin?

Tinext ko si Grace ngayon lang... ang sabi ko... "Sige, sa Linggo, punta ako dyan sa inyo!" Ang matipid na sagot... "Ü" Anong ibig sabihin noon?

A Post-Valentine Entry

Monday, February 19, 2007 | | 12 comments |

Hindi kami sumabay ni Grace sa mga lovers (daw, ows!) na nag-celebrate ng Valentines' Day sa mismong Araw ng mga Puso. Ikinataon naming February 16, Friday, ang aming date para iwas na din sa traffic, siksikan at intriga mula sa mga taong walang magawa kundi ang tsumismis.

Lately, kasi, feeling ko may mga taong pinag-uusapan ako sa loob ng aming campus o sa loob ng aming room. Aning-aning na yata ako sa almost-forbidden love namin ni Grace. Kasi hindi pa naman opisyal na kami, at wala pang exchange of I love yous na nagaganap between us. Feelingan nga daw sabi nung isa kong classmate ang tamang word para dun! Narinig kong binanggit niya yung salitang iyon — feelingan, nagpapakiramdaman daw sa isa't-isa! Yun naman talaga ang status ko kay Grace eh, dahil wala pang formality ang relasyon namin.

So, ayun na nga. After class, punta na kami ng mall. Dun na lang daw para tipid na, exercise pa habang naglalakad kami sa loob ng mall. Ayaw ko pa nga sana pero, si Grace ang unang humawak ng aking mga kamay. Yihee! HHWWASZ (holding hands while walking and sipping Zagu!) ang trip nitong si Grace ha!? Hahaha!

After strolling the mall, kumain kami sa nearest fastfood na pwede naming kainan. Dahil Friday iyon at madami ding mga tao, punta kami sa kaunting tao lang ang kumakain. Trip ko yatang mag-El Polo Loco that time, and I craved for their chicken, kaya dun kami nagpunta.

Umorder ako ng food namin. And then, ewan ko ba kung ano ang meron sa sulok at favorite place iyon ni Grace. It must have been the view. Usual talk. How's school? How's work? Are you fine? And then suddenly, sa gitna ng aming mahaba-habang pag-uusap at palitan ng mga kuwento at tawanan, nasambit ko sa kanya: How about us?

Tahimik. Why am I so stupid? Why did I spoil the laughter and the good conversation? Stupid. Stupid talaga! And then she replied. "Punta ka sa amin, i-meet mo parents ko para makilala ka nila ng husto!"

Feeling ko, ako si Ben Stiller ng Meet the Parents! Siyempre kinabahan ako bigla. Start na yata ng panliligaw ko! Hindi kay Grace, ang babaeng na-meet ko sa dancefloor ng Tia Maria's... kundi sa parents niya!

Toothpick's Q&A portion: the 50th post!

Monday, February 12, 2007 | | 10 comments |

Isang linggo na din nung ako ay huling nagpost ng aking entry. At sabi ko nga dun, dedicated ko ang aking 50th post sa mga taong matiyagang nagbabasa sa aking blog. Salamat po sa inyong walang sawang nagbabasa ng aking buhay. Salamat sa blogger.com at sa mga bloggers na napapadpad dito sa aking munting mundo sa malawak na web! Naks naman!

Anyway, update po muna tayo! Natapos na din po ang research at defense ko nung nakaraang linggo. Feeling ko sobrang nanghina talaga ako ng sobra. Pero naramdaman ko iyon after na nung defense. Parang nahigop na ata nung manyakis kong propesor ang lahat ng aking enerhiya. Kasi malakas naman ako bago mag-defense. Pero napansin daw ng classmate ko na mahina na ako bago mag-uwian. Parang ang bigat-bigat daw ng aking balikat! Eh kasi naman, sa akin ninyo ipinasan lahat ang mga mabibigat na tungkulin — research, encoding, printing, takbo sa xerox — toothpick ng inang iyan, eh research ko na ito eh! Wala na silang halos nagawa!

Sabado, nagtext si Grace! Yihee! Pasyal daw kami sa SM Mall of Asia. Sabi ko sa sarili ko, "Ok, pasyal, teka... di ba may Lovapalooza dun?! Gusto ba niya ng kiss? Sana sinabi na lang niya sa akin ng ma-kiss ko siya!" Reply ako sa kanya, "sorry ha, di pa ako rekober sa pagod ko kahapon sa defense e. im sick. eto nga inom ako gamot. punta kn lng here, kaw n lng pasyal d2! Ü" Text naman siya agad "ay ganun... sayang, sige i understand, pagaling kn lng, ok?! mwaaah Ü" Hindi ko na siya nareplayan dahil nakatulog na ako nun after kong mabasa yung text niya! Yihee!

Eto na ang pinakaaabangang Q&A Portion. Sa isang linggong pag-absent sa blog world, ako po ay nakakalap na 12 intriguing questions as of today, February 12, 2007 at 2:33 PM! At dahil 12 lang iyan, dadagdagan ko pa ang mga tanong at susubukan kong paabutin ng 40! Yung iba siguro eh kukuha na lang ako sa mga madalas na itanong sa Forbidden Questions segment ni DJ Mo! Sana po ay magustuhan ninyo ang aking mga sagot:

Round 1: PERSONALITY

Anie: Ano ba talaga ang real name mo?
Toothpick: Jake po! Just call me Jake!

Sherma: Bakit ka naging toothpick-lover? Kasing payat ka rin ba ng toothpick?
Jake: Masarap po kasing magtanggal ng tinga matapos kumain. Naging habit ko na po ito mula nung bata pa ako! Hindi naman siguro ako kasing payat ng toothpick! Malaki lang siguro yung built ng buto ko at medyo wala akong kalaman-laman kaya mukhang payat. I repeat, mukhang payat! Hehehehe.

Dos Ocampo: Anong qualities ng Toothpick ang meron si Toothpick?
Jake: Maputi at mahaba at nakakatusok! Hahahaha!

Basey: Kung ihahambing ka sa isang toothpick anong klaseng toothpick ka at bakit sa palagay mo ay mawiwili ako syo?
Jake: Ang hirap naman ng tanong mo! Teka... mayroon bang iba pang klase ng toothpick? Baka kahoy o plastic? Siyempre kahoy kung iyon ang nais mong malaman! Isa akong toothpick na taga-tanggal ng tinga ng buhay. You know what, this is what I am blogging about... I am toothpick, yet, yung iba nakikita nila ang sarili nila sa akin! Samantalang hindi naman sila ako! You know what I mean? No offense meant ha? I guess everyone has a toothpick inside of us! At iyong qualities kong iyon ang dapat mong kawilihan. Hehehehe.

Phone-in question: Paano ka ba magalit?
Jake: Hahahaha. Minsan kung ano yung hawak ko, maibabato ko sa iyo kapag sobrang galit o inis na ako sa sitwasyon o sa iyo!

PIQ: Sinong kinasusuklaman mong tao?
Jake: Uhm... si Effy! Hahahaha. Huwag kayong maingay sa kanya ha!

Round 2: NAUGHTY

Billycoy: Anong favorite position mo?
Jake: Hahahaha. Sa kumpanya ba ito o sa sex. Maganda daw doggy-style. Kasi it makes the female orifice tighter. So kahit hindi na virgin, it makes her a virgin! Hahahaha (feeling expert here)! So, I guess yun yung favorite position ko. Next question.

Aryo: Who makes your dreams wet?
Jake: Nyak! Hehehe. Ang alam ko kasi kapag nagwe-wet dreams ang isang lalaki, hindi siya nagma-mass starvation (excuse me for the word)! Sorry, malakas ang imagination ko, kaya hindi po ako nagwe-wet dreams! Hehehehe.

Mauwy: Ilan taon ka na when you had your 1st kiss???
Jake: Never. Virgin pa po ako sa mga bagay na ganyan. Sayang nung Sabado sana yung first kiss ko kaso I'm sick and tired due to defense eh. Ok ba?

PIQ: How old were you when you lost your virginity
Jake: Hahahaha. Virgin pa po ako!

PIQ: Have you ever been offered money by a gay dude? How much?
Jake: Yup! And the experience was so scary! He was like so fit pa naman. And then gay pala siya. I was malling lang naman that day. And then napagod ako kaya umistambay lang ako sa may atrium (ung bakal na pabilog kung saan pwedeng dumungaw sa ibaba) ng mall. And then maya-maya may lumapit sa akin. P1500 daw! Sabi ko, "lumayas ka sa harapan ko o ilalaglag kita kita mula dito sa 4th floor!" Ayun! Hahahaha.

PIQ: Have you ever had a fistfight with someone?
Jake: Kala ko naughty? Anyway, oo naman. Nung bata pa ako. I guess everybody naman experienced that. Specially nung bully days ko.

PIQ: Have you tried flirting?
Jake: Flirting na ba yung i-brush ko yung buhok ko gamit ang aking mga daliri sa kamay?

PIQ: Have you ever pleasured yourself with somebody else and not Grace?
Jake: Ano ba yun? Grace deserves a respect! I can pleasure myself kahit walang iniisip. Try ninyo, masaya yun!

PIQ: Do you have porno dvds in your room? What title? Do you have favorites?
Jake: Hmmm... Meron yata! Favorite ko kasi yung Barely Legal Series. May kuwento (ano daw?), may laman (ows?) at punung-puno ng aral! Hahahaha. Ang dami naman yatang naughty questions.

PIQ: Is there a Toothpick sex scandal or nude pictures of yourself?
Jake: Nude pictures, meron! Nung baby pa ako! Sex scandal... I think so! Hahaha!

PIQ: When was the last time you read porno magazines?
Jake: I'm not into porno mags. That does not arouse me at all. Penetration scenes are better! Joke.

PIQ: Ok last naughty question, how big is your "wang"?
Jake: Whew (perspires)! It's hot in here. I really don't know! I'll check on that later!

Round 3: STUFF QUESTIONS

David Edward: What if your bestfriend tells you that "he" loves you? And then your girlfriend cheated on you? How will you handle the situation? Both of them are important person to you aside from your parents.
Jake: Whoa! What a question! I really don't know how to handle "brokeback mountain-ish situation"! I am not into it! But hey, don't get me wrong, hindi ako homophobic ha! Regarding my girlfriend, I guess kakausapin ko siya at itatanong kung ano ang nangyari or may pagkukulang ba ako hanggang sa marinig ko sa kanya ang "It's not you, it's me!" na mga kataga! Yun. Kapag narinig ko na iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Uhm, hypothetical question ba ito?

Wilfredo Pascual: Ano ang pinakamasakit na narinig mo mula sa mga magulang mo?
Jake: Yung tawagin kang walang kwenta at walang silbi. So far, yun pa lang naman ang naririnig ko mula sa kanila.

Anonymous: Ano ang tatlong katanungan mo sa buhay na hanggang ngayon hindi mo pa rin masagot?
Jake: Una, kelan ba ako magkaka-girlfriend? Ikalawa, paano ba ang umibig? Ikatlo, masarap ba talaga kapag may minamahal, yung kayo na talaga ha, as in mag-on?

Anonymous: Kunwari hawak ko ang magic salamin ni boy abunda (nyahahaha) sino ang makikita mo at ano ang sasabihin mo sakanya?
Jake: (Si toothpick ang nakaharap sa salamin) sasabihin ko sa kanya, magpakabuti ka lang at ipagpatuloy mo ang iyong mga ginagawa sa buhay kung hindi bwakanang ina ka, iuumpog kita sa salamin na nasa harap mo upang matauhan ka na!

PIQ: Kung magiging hayop ka sa second life mo, ano ba ang gusto mong maging? Bakit?
Jake: Ibon. Para malayang makalipad.

Round 4: FAST TALK DAW

Black or White? Colored

Color of love? Red and blue

ABS-CBN or GMA? CABLE

Long and hard or short and soft? Long and hard

Sunny side up or scramble? Sunny side up

Plain or fried rice? Both

Banana ketchup or tomato ketchup? Mang Tomas

Curly up or straight down? What do you mean...

Short-hair or long-hair? Short hair

Dog or cat? Doggy style, ay ano ba ito? Pet ba ito?

Windows Vista or Mac OS X? Ngek.

Meow or roar? Siyempre roar!

Laptop or Desktop? Desktop

Noodles at Coffee or Canto't bj? Pancit Canto't buko juice

Bookworm or Bookish? Pareho lang yun di ba?

Up here or down there? Down there then up here then down there then up here...

Lapirot-pihit or pumping scene? Pumping scene (if you know what I mean...)

Whew! Thank you po!

Getting ready for the defense!

Monday, February 05, 2007 | | 12 comments |

Dearest fellow bloggers, students, workers and technicians (huh?)! Pansamantala po muna akong magha-hibernate sa mundo ng pagba-blog kasi po ako po naghahanda na para sa aking defense. Mga 10 days or so lang naman po ito. So, please bear with me...

Pero siyempre hindi ko po kayo iiwanan ng gagawin dito sa aking blog. Sa ngayon po, ako nasa ika-49th post na ng aking blog entries. At naisip ko na idedicate ang aking 50th post sa aking mga mambabasa. Ito po ang aking naisip na paraan upang lalo ninyo pa akong makilala ng husto.

Kung alam ninyo yung 40 forbidden questions sa radio show ni DJ Mo sa Magic 89.9, well, parang ganito rin po iyon! Ang pinagkaiba lang kayo po ang magbibigay ng mga questions sa akin.

Ito po ang importante sa lahat! Kailangan one unique question for each reader lamang po! Hehehe. Demanding ba? Hahaha. At the end of 10 days eh, iipunin ko ang mga nakalap na mga tanong at pagsusumikapan kong sagutin ang mga napili kong mga tanong sa abot ng aking makakaya. Hahaha!

So, ganito po ang format (may format pa?). Siyempre dapat po may format para organize ang lahat! Hehehe!

Buksan ang Comment Box, mag-comment o magbigay ng isang maikling mensahe, at isulat ang nais na katanungan o nais na itanong sa akin.

Ganun lamang pong kasimple! Simple question, naughty question, love question, family question, kahit anong questions pa yan, walang kiyeme kong sasagutin. Hahahaha! Tandaan po na isang unique question lamang po bawat reader. Pero pwede ang may follow-up question, pero siyempre po, dapat related! Hehehe! Demanding na ako niyan? Sa ngayon, back to research po muna ako at aayusin ko na itong defense namin. Pagbutihan ang ihahandang tanong!

You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her

Saturday, February 03, 2007 | | 7 comments |

Wow ha! In fairness, maganda yung anak ng kompanyero ni Papa. Kahapon nagpunta sa bahay namin with a cameraman. Ang totoo, nagulat ako nang pauwi pa lang ako sa bahay namin. Kasi nakaparada yung van ng QTV sa tapat ng bahay namin at mangilan-ngilan ding mga Uzi (usisero't usisera) ang pumapaligid-ligid sa bahay. So akala ko kung ano na ang nangyari. Kung anu-ano ang nasa isip ko bago ako pumasok ng bahay. Kala ko ninakawan kami at nilimas mga gamit at nandun QTV to cover the news. Kala ko may ginawang kabalastugan si Papa at nadawit sa government scam at nandun QTV to cover the news. And of all the bad things I could possibly think of, ang malalang pumasok sa kukote ko eh baka namurder sina Papa at Mama. Yun pala, itong anak pala ng kompanyero ni Papa ang dumating.

Ang totoo, maganda siya. Tangkad pa, 5'6 to 5'7 yata. Matangos ang ilong. May pagkakahawig kay Bianca King na parang Heart Evangelista. Oh yeah, sexy pa. Pinakilala sa akin ni Papa that time. Nakakainis lang tong si Papa dahil kung anu-ano ang pinagsasabi. Kesyo, binata pa raw ako at walang GF. Kesyo matalino raw ako. Kesyo nung 10 yrs old daw ako eh niyaya raw akong gawing print ads model sa isang children garment. Natural mahiya ako. Ayun, konting kwentuhan lang. Okay naman siya, kaya lang parang siya yung tipo ng babaeng puro career ang inaatupag. Unang tingin ko pa lang para siyang megalomaniac na gustong iconquer ang mundo. Parang si Loren Legarda or Korina Sanchez na masyadong career-oriented. Mukha siyang matalino. Maikli lang naman kwentuhan dahil hindi naman talaga ako ang pakay nun kundi si Papa. Napansin ko lang sa kanya eh yung pangalan niya — NOVELLA. Parang ambantot, hahaha. Pinanganak daw kasi siya ng November, so yun, NOV. Tapos ung natitirang ELLA ay galing sa Lola niya. Ah okay. Hehehe. Mga isang oras yata yung interview nila. Niyaya pa ni Papa na kumain na sa amin, kaya lang wag na lang daw at may appointment pa raw siya. At 9pm may appointment pa? Atttagirl.

Well, Grace pa rin ako. Kahit lamang siya ng kaunti sa beauty and brain, mas pipiliin ko pa rin si Grace. Kapag si Grace kasi yung kausap ko o kasama, may "something," kung baga ay may friction. Diba? Iba talaga kapag "love." Good luck na lang sa career ni Novella. Good luck na lang sa plano nina Papa at kompanyero niya na maging balae. I won't put my love life on the line. I love Grace.

Baka raw maging magbalae sila

Thursday, February 01, 2007 | | 4 comments |

May ipapakilala raw si Papa sa 'kin na babae. Anak daw ng kumpañero niya. 23 years old. Maganda raw at matalino. Nagtatrabaho sa QTV as a segment researcher. May program daw kasi ang mga ito na ipoproduce sa channel 11 kung saan iinterbyuhin nila ang mga lawyer, at si Papa ang isa sa mga yun. I don't know, sabi niya it's some sort of an analysis about the advantages and disadvantages of private lawyers. Anyway, sabi ko sige lang, ipakilala lang sa akin. Nagbibiruan na raw sila ng kompanyero nila na baka maging magbalae sila. Hah? Then tinanong ako ni Papa kung may GF daw ako, sabi ko wala pa (pero magkakaron na...). Good daw. Matitipuhan ko raw yung anak ng kompañero niya. Kung siya nga raw ang binata pa eh, baka niligawan na raw niya yun. Hahaha, so ang ibig sabihin eh parang ibinibenta niya ako dun sa kompañero niya. Kung idedate ko raw pagkatapos na ipakilala niya eh siya raw bahala sa pera, sagot daw niya. Ihatid ko raw agad sa bahay. Wow, toothpick ng ina, advanced ang utak ni Papa. Di pa raw niya ko nakikitang may dinalang babae at pinakilala sa kanilang dalawa ni Mama. "Nung mga ganyang edad ako katulad sa'yo, nakakapitong syota na ko," sabi pa niya. Eh kala ko ba pangatlong GF niya si Mama noon? Ibig sabihin eh... tsk... tsk...

Ang mabuti pa siguro eh ipakilala ko sa kanya si Grace, dalhin ko na kaya sa bahay, ano? Kaya lang parang diyahe naman, eh di ko pa naman GF yun. Ni hindi pa nga ako nakakapagtapat. Kelangan this February eh makapagtapat na ko. At baka maunahan pa ko ng mga nag-iistalk sa kanya. Toothpick ng ina kasi tong thesis na to eh. Sige tama, baka sakaling makahabol kami sa Lovapalooza sa MOA (Mall of Asia, tange). Hehehe.