A chili story
Monday, March 26, 2007 | | 8 comments |"Manang, I crave for siomai!" Iyan ang lambing ko kahapon kay Manang, ang aming dakilang tagapagluto. Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain ng siomai, eh. Yun bang homemade. Yung luto mismo ni Manang. So, ang sabi ko sa kanya, baka pwede ba siyang (si Manang) magluto ng siomai para sa akin!
Dahil ako ay isang dakilang unico hijo, hehehe, spoil ako kay Manang. Nung gabi ding iyon, nag-ulam kami sa bahay ng siomai na may kasama pang beef wanton noodles. Ching cha wei ni feng chila sing fao ma. Kung ano man yun, feeling Chinese kasi kami kahapon! Hahaha!
Pero madaming luha, hapdi at pasakit ang aking dinanas bago ako makakain ng pinakaaasam-asam na siomai! Naging maayos naman kasi ang preparasyon ni Manang ng siomai. Maliban sa isang kakulangang ingredient sa kusina.
"Wala na palang chili sauce at toasted garlic," sabi ni Manang.
"Ganun? Paano ba ang gagawin?" tanong ko.
"Ako na lang baka magkamali ka pa. Ipag-chop mo na lang ako ng siling labuyo. Alisan mo muna ng buto ha bago mo i-chop!" sabi ni Manang.
So, ganun na nga ang ginawa ko. Hiniwa ko ang pulang siling labuyo sa gitna, inalisan ng mga buto, isa-isa, at saka chinop. Sa gitna ng aking pagchochop, may langaw na aali-aligid sa aking mukha. Hinawi ko. Ngunit sa aking paghawi, natamaan ko ang ilalim ng aking mata. Heto na naman at aali-aligid ang langaw. Malapit siya sa aking ilong. Hinawi ko ulit yung langaw. Tapos nangati yung gilid at paligid ng aking ilong.
Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng hapdi sa aking mukha. Makati, kaya lalo ko itong kinamot. Toothpick ng ina! Ang hapdi sa mukha! Tumingin agad ako sa salamin upang tingnan ang aking mukha. Mapula ang ilalim ng aking mata at gilid ng aking ilong! Toothpick ng inang iyan! Aaaahh... ang hapdi!
Dali-dali akong pumasok ng CR! Naghilamos. ngunit ayaw pa ding mawala nung kati at hapdi sa mukha ko. Tumapat ako sa electric fan upang kahit papaano ay mawala ang hapdi. Si Manang, tinatawanan na lang ako. First time ko kayang mag-chop ng pulang siling labuyo! Bwakanang ina!
Habang nakatapat sa electric fan, naramdaman ko na lang na tumulo ang aking luha. Mga tatlong patak din iyon. Nagpasirko sirko muna siya sa aking mukha bago tuluyang bumagsak! Joke. Hahaha. Maya-maya pa, basa na ang aking ilong. Sipon siguro in an instant! Kusa na lang nalalaglag ang aking mga luha at sipon! Mabuti na lang at after a few minutes, nawala din ang sakit sa aking mukha.
Ipinagpatuloy ko ang aking paghihiwa ng siling labuyo. Walang takot na hinarap muli ang mapanghamong task ni Manang sa akin! Malapit na akong matapos ng bigla kong naramdamang umihi. Maya-maya pa, para akong bulate, hindi na ako mapakali... sa hapdi ng nararamdaman ko.