Oras na!

Tuesday, April 17, 2007 | | 8 comments |

Sa pagpapatuloy...

Hindi maipinta ang mga mukha nina Mama at Papa noong mga oras na ipinapakilala ko sa kanila si Grace. Siguro shocked lang, kasi ang alam nila, ang nililigawan ko ay ang anak ng kompanyero ni Papa na nagtatrabaho sa isang TV Station. Hindi din naman nila ako masisi sa ginawa ko dahil sa una kong nakilala si Grace kaysa sa babaeng iyon.

Kumain kami sa labas after the graduation ceremony. Doon sa hapag ng kilalang restaurant na ang specialty ay kare-kare kinilatis nina Mama at Papa si Grace. Kasama namin sa mahabang mesa ang mga kaibigan kong sina Alex, Bong at Rico. Nilibre din sila nina Mama at Papa dahil siguro sa tuwa dahil sa wakas ay naka-graduate na ang kanilang unico hijo.

Interview portion ang dating ng mesa habang hinintay ang pagseserve ng aming mga inorder. Madami-dami ding mga natanong si Mama kay Grace at sa tatlo ko pang kaibigan. Pero mas madami yata siyang natanong kay Grace. You know, those female bondings. Ang Papa ko naman ang kausap ay yung tatlong ungas! Hinayaan ko sila Mama at Grace na mag-bonding. Ako naman sumalo sa usapan ng mga lalaki. Paminsan-minsan tinatanong ako ni Mama. At sa tingin ko naman ay okay silang dalawa.
____________________

Isang linggo na ang nakalipas. Natapos na ang Holy Week. Back to reality na naman. Tapos na ang schoolworks, assignments, theses (kasi plural!), requirements atbp. Oras na upang harapin ang mundo, ang tunay na mundo! Ang mundo ng job hunting!

Easter Sunday nung bumili ako ng dyaryo upang tumingin ng trabaho na babagay sa natapos kong course. Buti na lang at medyo sinipag ako nung Mahal na Araw at inasikaso ko ang aking resume. Kaya anytime, pwede na akong mag-apply gaya nga nito.

Nakakita ako ng mangilan-ngilang trabaho. Halos lahat ay sa Makati at Ortigas ang lugar. Nung linggong ding iyon, sinubukan kong maghanap ng trabaho. Kaya ako ay nakapag-absent tuloy sa pagboblog ay dahil sa ginawa ko nung linggong iyon. DAY 1:

  1. Unang destinasyon, Ortigas! Maganda ang Ortigas. Madami ding nagtataasang mga gusali. Madaming pasikot-sikot. At higit sa lahat, mainit! Medyo naligaw nga ako doon eh! Ang hirap hanapin ng Emerald Ave. From Megamall, nilakad ko ang mahabang daan patungo sa building na pupuntahan ko. Isang firm na puro mga dokumentos na ayaw namang ipasabi kung ano yun, ang una kong pinuntahan. Ang sabi sa akin ng receptionist, nagpro-process daw sila ng mga research papers and legal documents. So, sa palagay ko, legal analyst yung inaaplayan ko sa kanila. Wala kasing nakalagay sa ads nila eh. Malamang ganun na nga iyon.
  2. Ikalawa destinasyon, sa Ortigas pa din! Discovery Suites yata yung pangalan ng building na iyon. Maganda ang lobby. Malakas ang aircon. Pero call center pala yung work! Eh ayaw ko pa naman ng call center (senner) work kasi sayang naman yung mga napag-aralan ko di ba? So, ipinagpaliban ko ang lugar na iyon.
  3. Ikatlong destinasyon, Podium, sa Ortigas pa din! Nagutom ako kaya naghanap ako ng pagkain sa Podium! Ito pala ang famous Podium! Famous nga ba? Toothpick ng ina! Ang mamahal ng mga bilihin! Kaya punta na lang ako ng Megamall. So, balik na lang ulit ako ng Megamall.
  4. Ikaapat na destinasyon, Megamall. Naalala kong kumain na dahil ako ay gutom na talaga. So kumain ako sa El Pollo Loco habang nagrereminisce ng aming mga ginawa ni Grace sa isang branch ng El Pollo Loco.
  5. Ikalimang destinasyon, MRT papuntang Makati at Makati. Medyo naligaw pa ako ng kaunti dito kasi hindi ko alam yung Legazpi Village na nasa likod pala ng Greenbelt! Lakad, lakad, lakad! Hanap, hanap, hanap. Tanong, tanong, tanong! Iyan ang aking mga ginawa sa pagpunta ko sa aking paghahanap ng isang building sa Makati! Toothpick ng ina! Orientation kuno. Sales naman pala ang kinahahantungan ng trabahong iyon! I hate saleswork, by the way! Ayoko yung maglalakad ka pa sa ilalim ng mainit na araw tapos pagod, hirap, pawis upang mag-alok lang ng isang produkto! So, all in all, parang walang nangyari sa job hunting ko ng DAY 1!
Day 2, Wednesday. Destination: Ortigas pa din! Na-trauma ako sa pagod ko nung Lunes kaya Wednesday na ako sumabak ulit sa job hunting. San Miguel Ave. malapit. Isang building kung saan may puti yatang facade at mataas. Sa loob ng gusaling iyon ako nagpunta. Sa pag-aakalang ito na ang dreamjob ko, tumuloy ako sa itaas. Nagulat ako dahil parang spa ang floor na iyon! Sabi ko, "Uh-oh!" Pakiramdam ko, sales na naman ito. Kaya umatras na agad ako.

Next destination, Stock Exchange Building. Ito siguro ang version ng Philippines ng Twin Towers ng New York mas maliit nga lang. Hahaha! Ang nakalagay sa ads, isang publishing firm na gumagawa ng magazine, so, nagpunta ako. Gusto ko pa namang makapagtrabaho sa isang magazine o kahit na anong company na ako ay malayang makapagsusulat. Pero bakit ako bigla na namang kinabahan sa nakita ko! Orientation. Parang isang prayer meeting ang naabutan ko. Toothpick ng ina! Sales na naman! Pagbebentahin kami ng isang hindi naman kilalang magazine pero out na daw ito sa market dati pa! Haayy... kailan kaya ako makakahanap ng matinong trabaho!

Itutuloy...

Graduate na ako sa wakas at may isa pang bagay!

Wednesday, April 04, 2007 | | 12 comments |

Bago po ang lahat, naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil excited na akong maka-graduate! Hahaha! Kaya hindi gaanong nakapag-entry. Hehehe. Anyway, holy week na. So, baka hiatus na naman ako. "Abstinence" sa... computer! Hahaha.

Noon ngang nakaraang Lunes, dalawang bagay na matagal ko ng hinihintay ang natupad.

Una, sa wakas, naka-graduate na din ako! Ehem. Matapos ang ilang taong pag-aaral, sa wakas, ay tuluyan ko ng matatakasan ang mga pasaway na professors ko sa aking mga subjects, lalung-lalo na si Miss Tapia at si Atty. No Case. Wala ng pahirap, wala ng requirements, wala ng mga makukulit na mga classmates, at wala na ding baon! Iyon nga lang ang nakakalungkot dun. Wala ng baon. Huhuhu.

Anyway, masarap pala ang maka-graduate ka sa college. Iba ito nung naka-graduate ako nung elementary at high school. Basta iba. Higit sa lahat, mas mahaba ang speech ng guest speaker. Antok ang inabot namin sa 45 minutes yatang speech na iyon about his achievements. Hahaha. Ano naman kaya ang gagawin namin sa achievements niya? Mas kakaiba at mas exciting siguro kasi yung mga classmates ko ang iingay nung akyatan na ng stage. Parang excited talaga silang kunin ang kanilang diploma-diplomahan, hahaha, joke. Pero hindi nga, excited talaga silang kunin yung mga diploma nila. Ako siyempre, excited din! Pero hindi ko pinahalata. Hehehe.

So, nakapila kami sa may gilid ng stage. Isa-isang tinatawag ang aming mga pangalan. Bawat tawag ng pangalan ng aking mga classmates, napapangiti ako, excited lang talaga. Hahaha. Ang sabi, "ako na, ako na...". Pero ang akala ko mapapangiti ako, hindi ko alam, nangilid yata ang aking mga mata sa luha. Kinapos pa ako ng hininga ng kakamayan ko na ang guest speaker namin. Nakangiti ako pero naluluha. Basta, naiyak ako. Sigurado ako naiyak ako. Kasi sa wakas, nakagraduate na ako. Mula sa pwesto namin sa stage, pumunta ako sa gitna, tinaas ko yung diploma ko at hinanap ko sina Papa at Mama. Baka sakali kasing naging proud sila sa akin. Hindi naman nila ako binigo. Si Mama, nakayakap kay Papa at naiiyak. Si Papa, proud father ang dating. Para silang mga politiko. Pero ayos lang, ang importante, totoo iyong naging reaksiyon nila. Natural lang iyon dahil naka-graduate na ako.

After the long agonizing graduation ceremony, hinintay ako nina Mama at Papa sa may labasan ng venue ng graduation namin. Ganun pa din sila nung inabutan ko, magkayakap pa din. Si Mama, hinalikan pa ako sa pisngi. Eh, nakita kaya ng mga classmates ko. Naghiyawan pa sila. Hahaha. Mama's boy daw! Bwiset! Toothpick ng ina kayo! Graduate na tayo ganyan pa kayo!

Nandun din sa labas ang barkada kong mga tungaw — si Alex, si Bong at si Rico! Suporta daw nila sa akin dahil sa wakas ay nakagraduate na ako. Palibhasa sila kulang pa ng isang taon, maliban kay Alex na isang summer na lang daw at gagraduate na siya. Hahaha. Si Bob din, ang bestfriend kong bihirang magparamdam, tumawag naman para i-congratulate ako. Baka daw sa bahay na lang siya dumaan. Magpapa-inom siguro! Hahaha. Ang gulo nila, panira kaya sila ng moment. Kung kailan ko ineenjoy ang moment namin nina Mama at Papa saka silang manggugulo. Hahaha. Update: Pero Miyerkules na, wala pa din ang Bob, hindi pa din nagpaparamdam hanggang ngayon.

Ikalawa. Sa labas ding iyon, hinihintay ako ni Grace. Hindi iyon surprise dahil tinext ko siyang um-attend ng graduation ko, katulad nung ginawa ng mga tungaw kong kaibigan. Kahit late na siyang dumating, ok lang. Ang nabigla ay sina Mama at Papa.