Now, who's the winner?

Tuesday, May 29, 2007 | | 11 comments |

It's been two weeks since nung last entry ko. First day ko sa work noon, nung huli din kaming mag-usap ni Grace sa cellphone. Ang sabi niya, "we need to talk". So, excited naman akong pumunta sa meeting place na binigay niya — sa may Baywalk!

Fast forward muna tayo for a hint! I hate Marjorie Barretto!

Now, going back. You know why I hate Marjorie these days, it's because Dennis Padilla and I have the same situation. The girl or woman that we love so much, dumped us! Yes, you heard it right! Grace dumped me two weeks ago! Kulang ba? YES, GRACE DUMPED ME TWO WEEKS AGO!

Marjorie said to Dennis that she needed some space, so do Grace to me. It's weird! Hindi ko na nga dapat isusulat ang mga pangyayari, eh. Nawalan na din ako ng ganang magsulat. Suddenly my urge to blog disappeared. That explains my two weeks hiatus. Pero the Marjorie-Dennis I-needed-some-space situation got me really affected! And so goes my "a new adventure awaits" title... Hahaha (sarcasm).

I don't get it, really! Toothpick ng ina! Why did she dumped me like that? What are the things that I have done wrong? Was it I, who done things so fast? Or was it she, who took things so slowly? How can a person with so much love to give does not received any love in return?

It takes two to tango daw in a relationship. But if one of the dancers is not dancing with the beat, then there will be no tango at all! I heard, watched and read so much nice love stories pa naman over the radio, television and internet, and I was hoping for the same end-up story. People around me and you as well, my dear readers, told me to hold on, keep on believing, have faith in love... but how can I go on now, if the only hope I'm holding, no maybe grasping, suddenly slipped away?

I'm sad and depressed. I'm hurting. I can't pretend anymore to everybody. Everytime I go to work and they, my officemates, will always ask me if I'm okay, I always tell them I'm fine along with a smile. Yes, maybe it sounded so feminine to the both you and me. Nasusuka na nga ako sa mga pinaggagagawa ko eh. Pero, babae lang ba ang laging naloloko? Lalaki lang ba ang laging nanloloko? Maybe this is one reality of life. Hindi pala lahat ng babae naloloko. May mga lalaki ding naloloko. I felt that I'm was betrayed, neglected and unloved!

With this kind of situation, who's now the winner, or should I say... who's the weaner?

The week that was

Saturday, May 12, 2007 | | 7 comments |

Sa mga mambabasa po, salamat sa patuloy ninyong pagdalaw. Pasensiya na po kung hindi ako makakapag-bloghop sa inyo masyado kasi busy na po sa work. Sorry. Iba pala kasi ang pakiramdam ng may trabaho. Pasensiya na po talaga. Sa mga nagtatanong po kung saan ko nakuha ang aking template, galing po iyan sa finalsense! Salamat pong muli sa pagbisita!
_______________

Nagsimula na nga akong magtrabaho dito sa opisinang pinapasukan ko ngayon bilang isang legal analyst o iyong taga-analyse ng mga legal documents at contracts noong Lunes, ika-7 ng Mayo. Maaga akong dumating para sa orientation ko ng mga gagawin at contract signing na din sa may HRD ng kumpanya. Maaga pa sa oras ang dating ko. Sabi daw kasi ni Mama, magpa-impress daw ako sa pamamagitan ng pagpasok ng maaga. Si Mama talaga, very supportive sa akin. Kahit na minsan eh, hindi ko nagugustuhan ang kanyang pag-uugali, ok naman din siya paminsan-minsan.

So, habang naghihintay ako sa may lobby, napansin ko ang magandang receptionist ng kumpanya. Maganda siya, oo, pero hindi ko binaling ang aking tingin sa kanya. Mahaba kasi ang buhok nung receptionist, eh mas naa-attract pa naman ako sa mga maiikli ang buhok katulad ni Grace. Yihee! And besides, nararamdaman ko na nalalapit na ang araw na sasagutin na din ako ni Grace. Ang tagal ko na kayang naghihintay ng kanyang sagot.

Tinext ko si Grace habang naghihintay na lumipas ang oras at habang naghihintay sa HRD Manager na kakausap sa akin. Sabi ko, "D2 na ako sa office, ano na gawa mo?" Hehehe. Siyempre may halong kilig iyon! Hahaha. Ngunit walang sagot. Natutulog pa siguro.

Mataas ang mga gusali sa Makati. Ang mga tao, laging nagmamadali. Stressful ang work dito sa tingin ko. Kasi, sa kahit saang sulok ng Makati ka tumingin, busyng-busy ang mga tao. Buti na lang, medyo malayo ang opisina namin sa mismong Makati District Area. Naiiwas ko ang aking sarili sa stress na maaaring idulot sa akin ng Makati. Tila lumiliit na ang aking mundo!

Kakaiba ang feeling sa trabaho! Umpisa pa lang ng araw, madami na agad trabaho! Pag-aralan ko daw ang makapal na manual para sa mga terms at processes kung paano ang mag-analyze ng mga documents at contracts. Ganun? Tapos daw mamaya, iyong program naman daw nila sa computer ang pag-aaralan ko. For transmittal daw yata para sa US-based clientele namin. Kamot na lang sa ulo ang naisagot ko. Ok po! Bait-baitan! Malalaman ko naman daw lahat ng iyon, unti-unti lang ang pagtuturo. Toothpick ng ina! Pero kalmado dapat. Tandaan: first impressions last!

Nagdaan ang maghapon, ngunit wala pa ding text message o missed call man lamang mula kay Grace. Ano kayang problema nun? Tinawagan ko siya after work. Buti na lang at naka-long sleeve ako nung pumasok kaya pakiramdam ko, isa akong executive. Hehehe. Pero nabalewala ang aking pustura sa mga sumunod na pangyayari. Isang maikling pahayag ang nasa kabilang linya:

"Jake, we need to talk!"
"We're talking..."
"No, face to face..."
"Huh? Saan..."


Na-cut na ang linya. Hindi natapos ang pag-uusap na iyon. Tinext ko siya afterwards, kasi alam ko, hindi na niya sasagutin ang cellfone niya. Ano bang nangyari? Anong kasalanan ko? Wala naman akong ginagawa! May kinalaman kaya ito sa pagpunta namin sa birthday ni Bong na pinuntahan namin nung nagdaang Sabado? Grabeeee... Toothpick ng ina! Wala akong maisip na dahilan ng naging kasalanan o mga kasalanan ko!

Hindi ako mapakali at makapag-concentrate sa aking bagong trabaho ng mga sumunod na araw! Pero maayos ko namang nagawa ang ilang mga bagay sa opisina. Buti na lang wala pang masyadong trabaho at nasa training stage pa lang ako. Paano kung live na o actual na talaga akong nagtatrabaho? Bwakanang ina!

Ano ba talaga ang gusto ko?

Thursday, May 03, 2007 | | 4 comments |

Pasensya na po sa hindi agad pagpost ng entry... bad trip lang sa mga pangyayari! Tinanong kasi ako ni Papa kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko ngayong naka-graduate na ako. Ang sabi ko sa kanya, gusto kong makahanap agad ng trabaho para matuto akong makapagmanage ng sarili kong pera. Iba yata ang pakiramdam kapag sariling pera mo na ang hawak mo, di ba? Pero si Papa, ang gusto niya, mag-aral na agad ng abogasya sa darating na pasukan.

Buti pa si Mama, very supportive sa aking desisyong makapagtrabaho agad. Pinapahiram niya ako ng perang pang-aplay saanman ako makapunta — sa Ortigas, sa Makati, sa Mandaluyong, sa Parañaque, kahit pa sa Las Piñas, Marikina at Cavite — pinapahiram niya ako ng pera. Kapag sobrang layo nga, ang gusto niya yung kotse na gamitin ko instead of mag-commute ako, pero ako ang willing na mag-commute, para naman siyempre maranasan ko ang hirap ng iba na kagaya kong naghahanap ng trabaho. Yun bang init, pagod, sakit ng katawan, gutom, pawis at pagkauhaw! Mga ilang bagay lamang na naranasan ko sa dami na ng aking mga napuntahan.

Pero ito namang si Papa, ang gusto niya, mag-aral akong muli at ipagpatuloy ko ang pangarap niyang maging abugado din ang kanyang unico hijo! Sana, kung gusto pa niya ng isa pang abugado sa pamilya, nag-anak pa siya ng isa pa!

Ang sabi ko kay Papa, kung hindi man ako makahanap ng trabaho agad, gusto kong magsulat. Tahimik. Medyo nagsalubong ang mga kilay niya. "Gutom, anak! Gutom ang aabutin mo kapag nagsulat ka!" Iyan ang sinabi sa akin mismo ni Papa. Dalawa lang ang aking pagpipilian, ang makahanap agad ng trabaho o ang maging isang manunulat! Iyan talaga ang gusto ko!

Ilang araw pa ang lumipas, hindi kami nagkikibuan ni Papa. Hanggang ngayon, kapag nagkakasalubong kami, parang gusto niyang sabhihing, mag-abugasya na ako! Bwakanang ina! Bahala ka sa pangarap mo! Kung gusto niya ilalapit ko pa siya kay Pichay!

Nung isang linggo, natanggap ako sa isang kumpanya na inaplayan ko. Ito nga yung pagiging legal analyst! Dahil siguro sa background ko sa political science and documents, kaya ako natanggap! Puro legal papers, documents and contracts daw ang gawain na iha-handle ng isang legal analyst! Ang gandang pakinggan di ba? Jake Toothpick, Legal Analyst! Wow! Toothpick ng ina! Parang bigtime ang dating! Hahaha. At kahapon nga natapos ang pagkuha ko ng ilang mga requirements. Ang sabi sa akin, sa Monday na lang daw ako magsimula para sa eksakto sa araw. Kahit anong araw pa iyan, ang importante, may trabaho na ako.

May time pa akong makapagliwaliw. Nagtext nga pala si Bong, punta daw ako sa party niya sa Sabado. Isama ko daw si Grace ng makilala nila ng husto. Actually, nagkita na sila nung graduation party ko sa restaurant na kinainan namin, pero sila ni Mama ang madalas mag-usap. Ngayon, isama ko daw si Grace ng makita nila ng husto at makilatis na din. Ang sabi ko, sige. A new adventure awaits! Hahaha.