Still picking up the pieces of me
Friday, June 29, 2007 | | 3 comments |Mahigit isang buwan na pala ang nakakaraan, and I am still picking up the shattered pieces of me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Hindi ko alam kung kailan ko mabubuong muli ang aking sarili. Basag at durog. Iyan ang description ko sa aking sarili sa ngayon.
Ngunit unti-unti ko ng natatanggap. Unti-unti ko na ding pinapatawad ang aking sarili. Matagal ko ng napatawad ang mga taong nagkasala sa akin. Alam na nila siguro kung sino sila. At sana'y mapatawad ninyo rin ako sa aking mga pagkukulang. I'm sorry.
Hindi ko maitago kay Mama ang aking kalungkutan. Tama nga siguro ang kasabihang, "Mother knows best." Alam niya may malaki akong problemang kinakaharap sa ngayon. Dama niya ito sa araw-araw naming pagkikita. Alam ko, kahit hindi ko sabihin, alam niya ang sitwasyon ko sa ngayon.
Ayokong mag-open-up sa kanya o sa kahit kaninong nilalang. Kahit na din kay Papa. Ayoko, kasi ako ang may gawa ng problemang ito sa sarili ko, kaya ako din ang tatapos. Kaya I am trying to pick up the shattered pieces of me little by little each day.
Para magawa ko iyon, I started to treat myself. I go to bars, alone. I watch movies, alone. I even go to the mall and buy some stuffs, alone. Somehow, I am happy with that. Somehow I am getting over with kung ano man ang nangyari sa akin.
One day, while drinking at starbucks, I saw a familiar face. "Is that my schoolmate from high school, Jeremiah?" Sounds like a boy's name, right? But she's a she! Yep. Jeremiah (?). "I know her," sabi ko. Until she approached me.
"Is this seat taken," sabi niya.
"No, go ahead," sabi ko. "You look familiar to me." Hindi ko alam I am one of those guys na pala na nagbibitaw ng mga ganung pick-up lines! Hahaha!
"Alam mo, ikaw din," sabi ni (allegedly) Jeremiah.
"Wait, ikaw ba si Jeremy (her nickname)," tanong ko kunwari with a smile.
"Sabi ko na eh, Jake? Ikaw nga ba si Jake?" tanong niya.
"Yup! Jeremy right?" tanong ko ulit.
"Ano ka ba, dating nickname ko pa iyon. Mukhang boyish ang dating. Pangalan ko nga boyish na, eh. Maiah na lang para at least feminine ang dating (sana I spelled Maiah correctly!)," kulit niya.
"A ok," star struck ako sa kanya talaga kaya medyo speechless.
To keep myself from depression, I engaged myself to small talks and conversations like this one. Pero this one is really different, may something na hindi ko maipaliwanag. Siguro star struck nga lang talaga ako kay Maiah! Nangingiti pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang aming usapan. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag. Di ba sabi ko, I am trying to pick up the shattered pieces of me. Hanggang ngayon hindi pa rin siya buo. Pero I am trying to focus my attention on what had happened. Ayokong mag-isip. Ayoko ding umasa. May isa nga lang na problema sa tagpong iyon sa starbucks. Ang kanyang buhok — mahaba ito! (Explanation: 4th paragraph!)