Kilig moments without the spark
Tuesday, July 10, 2007 | | 9 comments |Gaya nga ng sinabi ko nung nakaraang post ko, to keep myself from depression, I engaged myself to small talks and conversations. At isa nga sa hindi ko malilimutang small talks na sinalihan ko ay ang pakikipag-usap ko kay Jeremiah.
Si Jeremiah, ma-describe ko lang, ay ang dati kong schoolmate nung, if I am not mistaken, high school. I remembered her boyish attitude, pig-tailed hair, not-so thick eyebrows, at athletic built! Who cannot forget also her baseball cap! Hindi pwedeng mawala yung baseball cap saan man siya magpunta. Kaya nga napagkakamalan siyang one of the boys eh!
Ang alam ko, pasaway itong si Jeremiah. Teka baka kayo nalilito, si Jeremiah po ay isang babae. Mabalik tayo. Ang tanda ko, minsan ng napatawag ang kanyang mga magulang sa principal's office. Ang tsismis noon sa school namin, vandalism daw, ewan ko nga lang kung totoo iyon. Makulit, maangas, palaban. Iyan ang nakilala kong Jeremiah nung early years ko ng high school.
After graduation nung high school, hindi ko na siya nakita. At ito ngang four years after, nagkita kaming muli somewhere in Makati, karga-karga ang kanyang camera. Isa na siyang photographer, pero ayon sa kanya, hindi pa naman professional. Parang apprentice pa lang daw siya sa isang photographer based in Singapore. Yup. Kagagaling lang niya ng Singapore.
Kaya daw siya nandito ay dahil si Jeremiah or Maiah, is looking for subjects daw that will fit her ideas. She's into "body sculpture and body as a temple" kind of thing daw. Lately lang daw siya nahilig sa mga katawan ng tao. At ang mga hinahanap niya ay yaong mga taong well-sculpted ang physique. Ang sabi pa nga, baka daw pwede ba akong mag-post sa kanya as her subject. Siyempre, sabi ko... nyek!
Ano naman ang makukuuha niya sa akin as her subject? Tapos sabi niya, nude photography pa daw ang gagawin niya, pero in silhouette. Hindi naman daw makikilalang ako iyon. "Nakikita mo ba ako? Ang payat ko kaya?" sabi ko sa kanya.
Pero ang malalim niyang tugon, "It's not what you are naman ang kukunan ko, eh, it's the beauty of being you!" Wala akong nasabi. Weakness ko na yata ang babaeng may lalim ang personality. Naisip ko lang, ibang-iba na talaga itong si Maiah. Malalim. Kakaibang mag-isip. Bukod sa nawala na ang boyish image niya, gumanda pa ang personality, pati ang hitsura. Kinabahan ako. Sabi ko sa sarili ko, parang naramdaman ko na ito dati. Nagkaroon ng mga parang deja vus sa isip ko. Mga flashes of events, mga maaaring mangyari kung sakaling tanggapin ko ang alok niyang magpakuha ako ng larawan sa kanya. May mangyayari kayang kakaiba? Hmm...
Malakas pa naman ang imaginations ko ngayon, dahil hindi ko ito masyadong nagagamit sa sobrang depression. Pero ngayon, parang unti-unti ng bumabalik at gumagana ang aking mga imaginations. Toothpick ng ina! Aaminin ko, medyo nangiti ako nung sinabi niya iyon, dahil nga sa wild na ang utak ko. Iyon siguro yung sinasabi kong may something. Pero parang walang spark pa rin. Kinilig siguro ako, pero mahaba pa din ang buhok niya!