Isang work rant
Wednesday, August 22, 2007 | | 7 comments |Ibang-iba na talaga ang lagay ko sa buhay ngayon. Na-realize ko lang kasi, dati-rati, halos everyday ako kung gumawa ng blog entry. Ito yung time na sinisimulan ko ang blog na ito, ang toothpick diaries. Madami ng nangyari. Madami na din akong naging adventures sa buhay. I've been to my lowest and highest points of my life. Toothpick ng ina! Sa loob ng mahigit sampung buwan at mahigit pitumpung (70) blog entries, marahil, wala na akong maitatago pa.
Unang araw ng Agosto pa ako huling nag-post ng entry. Biruin ninyo iyon. Anong petsa na ba? August 22 na! This work schedule of mine is keeping me from blogging. Ang daming pwedeng isulat dahil napakadami ng nangyari. Ngunit heto ako ngayon at naghihimutok. Bwakanang ina. Gusto ko ang magsulat, gusto kong mag-blog. Pero this work of mine is keeping me from what I love most — writing!
I am thinking of shifting to another workplace. Siguro Ortigas. Or maybe not the workplace. Maybe the job itself. After months of being an analyst, after months of receiving paychecks (through atms, of course, hehehe) parang napapagod na akong magtrabaho.
I needed a break, no, not a vacation, but from this work. I'm tired and sick. Other words, I'm sick and tired of this work!
I'm in this Internet Cafe near Glorietta right now for a lunch out, to treat myself for nothing special. And I am thinking of not going back to the office. Malamig ang atmosphere doon. Pati mga tao yata naapektuhan na ng coldness ng opisina. Madami na din ang nagsisi-alisan. Last week, dalawa ang nag-resign. Ngayong week kaya, ilan? I was advised na maghanap muna ng ibang work na siguradong mapapasok ako before I left the office. Para daw ito hindi ako mabakante. Swerte nga ako kasi kung tutuusin, after my graduation, hindi ako gaanong naghintay ng matagal gaya ng ibang graduates, kasi nakahanap agad ako ng work. Thankful pa din ako.
Kaya lang, sa status ng opisina ngayon, at sa lagay ko ngayon sa office, parang ako din nahawa na ng cold treatment sa sarili ko, sa mga officemates ko, at pati na din sa work ko. Lahat apektado kapag ang kompanya ay walang magawa upang mapabango ang kanilang imahe sa mga empleyado nito. Kung baga daw sa panlasa, matabang!
Haaay... sana makahanap agad ako ng bagong trabaho. Sana, paglabas ko dito sa Internet Cafe may bagong work ng naghihintay sa akin. Sana, may makasalubong akong magandang balita. Sana. Sana. Sana.