Meet the new girl!

Thursday, September 20, 2007 | | 4 comments |

Bago po muna ang lahat, nais ko pong magpaumanhin sa mga patuloy na nagpupunta dito dahil sa wala pa ding update. Tatapusin ko lang po ang ilang mga bagay dito sa opisina at marahil ay makakapag-update na din ako sa wakas, kahit mga 2-3 times a week, tulad nung dati. Pero sa ngayon po, ito na muna ang aking update.
_______________

It was my second time in the Manila International Book Fair nung ma-meet ko si new girl. Hindi ko na muna siya papangalanan, siguro sa susunod na lang na entry! Hehehe! Saturday noon, galing ako sa bahay namin at papunta na sa Book Fair. Nakasakay ako ng bus papuntang World Trade Center sa Pasay ng may isang babae ang sumakay sa may Gil Puyat Avenue nung huminto ang bus sa isang kanto.

Ugali ko kasi minsan ang tumingin sa mga taong sumasakay sa bus. Hindi ko alam kung habit na iyon o sadyang praning lang ako sa mga taong sumasakay kung anong mga hitsura meron sila.

Ito na nga, nung umakyat yung babaeng tinutukoy ko kanina, hindi ako nakatingin. Palibhasa nakaupo ako dalawang upuan malapit sa driver ng bus kaya narinig kong sinabi nung babae sa may kundoktor na ibaba daw siya sa may World Trade. Ting! Biglang tingin ko kaagad sa kanya dahil pareho kami ng patutunguhan. Medyo natulala pa nga ako nung tumingin ako sa kanya. Kasi ang cute niya. Hehehe.

"Ma, para," sabi ko nung sinabi na ng kundoktor na World Trade na. Pinauna ko ng pababain yung babaeng sumakay kanina. Kunwaring stalker ang dating ko sa pagsunod ko sa kanya. Ang hindi niya alam, sa Book Fair din ako pupunta.

Hanggang sa huminto ang babae at nagsalita, "sinusundan mo ba ako?" Sa akin siya nakatingin. "Mas maganda pala siya kung galit. Paano kung naging kami nito, eh di dapat lagi siyang galit para makita ko lagi ang ganda niya," sabi ko sa sarili ko. "Ha, hindi no! Dito din ako pupunta eh, sa Book Fair!" sabi ko.

"Kanina ka pa kasi sunod ng sunod, eh! Sa bus pa lang kaya..." Napansin niya kaya ako kanina.
"Hindi, a, dito talaga ako pupunta, second time ko na nga dito eh, may bibilhin kasi akong libro para sa pamangkin ko!" Ang sungit niya ha para sa isang babaeng naliligaw at nagtatanong ng direksiyon sa isang kundoktor ng bus!
"Ganun ba? Pasensiya ka na ha! May phobia kasi ako sa mga taong sunod ng sunod sa akin." Sabay hampas sa balikat ko na feeling close na agad. Okay lang, cutesy naman siya eh, tsaka nakangiti naman nung hinampas niya ako.

Bilang pambawi ko sa kanyang paghihinala sa akin, binili ko na lamang siya ng tiket. Dalawang tiket ang aking binili, isa sa akin, isa sa kanya, Twenty pesos lang naman lahat iyon eh. Ano ba naman ang twenty pesos kung habang buhay ko naman siya makakasama. Hehehe. Yihee! :P

(Itutuloy...)

Isang bagong panimula... na naman!

Saturday, September 08, 2007 | | 7 comments |

Setyembre na pala. Nalalapit na ang pagdiriwang ng aking unang taon sa pagba-blog. October 23, 2006 ang aking kauna-unahang entry. Nakailang palit na din ng template kung inyong natatandaan pa. At sa bawat palit ko ng template ng aking blog, may mga pangyayari sa aking buhay na kailangan ng isang bagong simula.

Welcome muna sa aking bagong blog template. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw gumana nung Balikan ang Nakaraan section at yung Artsibo. Wala talaga akong alam sa pag-aayos ng mga kung anu-anong bagay. Buhay ko nga hindi ko maayos eh, template pa kaya. Toothpick ng ina iyan. Kung gusto ninyong balikan ang mga past entries ko, medyo madami din iyon, i-click lamang ang older posts sa ibabang-ibaba. Kahit na anong gawin ko kasi, hindi lumalabas yung mga dati kong posts unless sa older posts nga sa ibaba.

Pagpasensyahan na ang mga nakalagay dito na mga kung anu-anong mga advertisement. Subok lang naman po iyan. Di ba nga, bagong simula. Hehehe! Ito na iyon. Marami-rami na rin kasi ang mga nabasa kong blog na may ganito. Na-curious lang. Huwag na lamang pong pansinin.

Actually, ang bagong panimula sa aking buhay ay isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. I'm over with Grace and Jeremiah aka Maiah. Basta! Merong someone na naman na involve. Maganda siya, cutesy, medyo maliit lang sa akin at higit sa lahat... maikli lang ang buhok! Hehehe. Fetish ko yata iyon, eh.

Maybe this is the reason why I changed my template. Maybe, just maybe. I don't know. Heto na naman. Basta. Hindi ko ma-explain. Pero bibigyan ko kayo ng hint! Nakilala ko siya nung nakaraan International Book Fair sa may World Trade Center noong nagpunta ako dun last week! Basta. Nakailang basta na ba ako?

Haaay... ;P