Oras na!

Tuesday, April 17, 2007 | | 8 comments |

Sa pagpapatuloy...

Hindi maipinta ang mga mukha nina Mama at Papa noong mga oras na ipinapakilala ko sa kanila si Grace. Siguro shocked lang, kasi ang alam nila, ang nililigawan ko ay ang anak ng kompanyero ni Papa na nagtatrabaho sa isang TV Station. Hindi din naman nila ako masisi sa ginawa ko dahil sa una kong nakilala si Grace kaysa sa babaeng iyon.

Kumain kami sa labas after the graduation ceremony. Doon sa hapag ng kilalang restaurant na ang specialty ay kare-kare kinilatis nina Mama at Papa si Grace. Kasama namin sa mahabang mesa ang mga kaibigan kong sina Alex, Bong at Rico. Nilibre din sila nina Mama at Papa dahil siguro sa tuwa dahil sa wakas ay naka-graduate na ang kanilang unico hijo.

Interview portion ang dating ng mesa habang hinintay ang pagseserve ng aming mga inorder. Madami-dami ding mga natanong si Mama kay Grace at sa tatlo ko pang kaibigan. Pero mas madami yata siyang natanong kay Grace. You know, those female bondings. Ang Papa ko naman ang kausap ay yung tatlong ungas! Hinayaan ko sila Mama at Grace na mag-bonding. Ako naman sumalo sa usapan ng mga lalaki. Paminsan-minsan tinatanong ako ni Mama. At sa tingin ko naman ay okay silang dalawa.
____________________

Isang linggo na ang nakalipas. Natapos na ang Holy Week. Back to reality na naman. Tapos na ang schoolworks, assignments, theses (kasi plural!), requirements atbp. Oras na upang harapin ang mundo, ang tunay na mundo! Ang mundo ng job hunting!

Easter Sunday nung bumili ako ng dyaryo upang tumingin ng trabaho na babagay sa natapos kong course. Buti na lang at medyo sinipag ako nung Mahal na Araw at inasikaso ko ang aking resume. Kaya anytime, pwede na akong mag-apply gaya nga nito.

Nakakita ako ng mangilan-ngilang trabaho. Halos lahat ay sa Makati at Ortigas ang lugar. Nung linggong ding iyon, sinubukan kong maghanap ng trabaho. Kaya ako ay nakapag-absent tuloy sa pagboblog ay dahil sa ginawa ko nung linggong iyon. DAY 1:

  1. Unang destinasyon, Ortigas! Maganda ang Ortigas. Madami ding nagtataasang mga gusali. Madaming pasikot-sikot. At higit sa lahat, mainit! Medyo naligaw nga ako doon eh! Ang hirap hanapin ng Emerald Ave. From Megamall, nilakad ko ang mahabang daan patungo sa building na pupuntahan ko. Isang firm na puro mga dokumentos na ayaw namang ipasabi kung ano yun, ang una kong pinuntahan. Ang sabi sa akin ng receptionist, nagpro-process daw sila ng mga research papers and legal documents. So, sa palagay ko, legal analyst yung inaaplayan ko sa kanila. Wala kasing nakalagay sa ads nila eh. Malamang ganun na nga iyon.
  2. Ikalawa destinasyon, sa Ortigas pa din! Discovery Suites yata yung pangalan ng building na iyon. Maganda ang lobby. Malakas ang aircon. Pero call center pala yung work! Eh ayaw ko pa naman ng call center (senner) work kasi sayang naman yung mga napag-aralan ko di ba? So, ipinagpaliban ko ang lugar na iyon.
  3. Ikatlong destinasyon, Podium, sa Ortigas pa din! Nagutom ako kaya naghanap ako ng pagkain sa Podium! Ito pala ang famous Podium! Famous nga ba? Toothpick ng ina! Ang mamahal ng mga bilihin! Kaya punta na lang ako ng Megamall. So, balik na lang ulit ako ng Megamall.
  4. Ikaapat na destinasyon, Megamall. Naalala kong kumain na dahil ako ay gutom na talaga. So kumain ako sa El Pollo Loco habang nagrereminisce ng aming mga ginawa ni Grace sa isang branch ng El Pollo Loco.
  5. Ikalimang destinasyon, MRT papuntang Makati at Makati. Medyo naligaw pa ako ng kaunti dito kasi hindi ko alam yung Legazpi Village na nasa likod pala ng Greenbelt! Lakad, lakad, lakad! Hanap, hanap, hanap. Tanong, tanong, tanong! Iyan ang aking mga ginawa sa pagpunta ko sa aking paghahanap ng isang building sa Makati! Toothpick ng ina! Orientation kuno. Sales naman pala ang kinahahantungan ng trabahong iyon! I hate saleswork, by the way! Ayoko yung maglalakad ka pa sa ilalim ng mainit na araw tapos pagod, hirap, pawis upang mag-alok lang ng isang produkto! So, all in all, parang walang nangyari sa job hunting ko ng DAY 1!
Day 2, Wednesday. Destination: Ortigas pa din! Na-trauma ako sa pagod ko nung Lunes kaya Wednesday na ako sumabak ulit sa job hunting. San Miguel Ave. malapit. Isang building kung saan may puti yatang facade at mataas. Sa loob ng gusaling iyon ako nagpunta. Sa pag-aakalang ito na ang dreamjob ko, tumuloy ako sa itaas. Nagulat ako dahil parang spa ang floor na iyon! Sabi ko, "Uh-oh!" Pakiramdam ko, sales na naman ito. Kaya umatras na agad ako.

Next destination, Stock Exchange Building. Ito siguro ang version ng Philippines ng Twin Towers ng New York mas maliit nga lang. Hahaha! Ang nakalagay sa ads, isang publishing firm na gumagawa ng magazine, so, nagpunta ako. Gusto ko pa namang makapagtrabaho sa isang magazine o kahit na anong company na ako ay malayang makapagsusulat. Pero bakit ako bigla na namang kinabahan sa nakita ko! Orientation. Parang isang prayer meeting ang naabutan ko. Toothpick ng ina! Sales na naman! Pagbebentahin kami ng isang hindi naman kilalang magazine pero out na daw ito sa market dati pa! Haayy... kailan kaya ako makakahanap ng matinong trabaho!

Itutuloy...

Graduate na ako sa wakas at may isa pang bagay!

Wednesday, April 04, 2007 | | 12 comments |

Bago po ang lahat, naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw dahil excited na akong maka-graduate! Hahaha! Kaya hindi gaanong nakapag-entry. Hehehe. Anyway, holy week na. So, baka hiatus na naman ako. "Abstinence" sa... computer! Hahaha.

Noon ngang nakaraang Lunes, dalawang bagay na matagal ko ng hinihintay ang natupad.

Una, sa wakas, naka-graduate na din ako! Ehem. Matapos ang ilang taong pag-aaral, sa wakas, ay tuluyan ko ng matatakasan ang mga pasaway na professors ko sa aking mga subjects, lalung-lalo na si Miss Tapia at si Atty. No Case. Wala ng pahirap, wala ng requirements, wala ng mga makukulit na mga classmates, at wala na ding baon! Iyon nga lang ang nakakalungkot dun. Wala ng baon. Huhuhu.

Anyway, masarap pala ang maka-graduate ka sa college. Iba ito nung naka-graduate ako nung elementary at high school. Basta iba. Higit sa lahat, mas mahaba ang speech ng guest speaker. Antok ang inabot namin sa 45 minutes yatang speech na iyon about his achievements. Hahaha. Ano naman kaya ang gagawin namin sa achievements niya? Mas kakaiba at mas exciting siguro kasi yung mga classmates ko ang iingay nung akyatan na ng stage. Parang excited talaga silang kunin ang kanilang diploma-diplomahan, hahaha, joke. Pero hindi nga, excited talaga silang kunin yung mga diploma nila. Ako siyempre, excited din! Pero hindi ko pinahalata. Hehehe.

So, nakapila kami sa may gilid ng stage. Isa-isang tinatawag ang aming mga pangalan. Bawat tawag ng pangalan ng aking mga classmates, napapangiti ako, excited lang talaga. Hahaha. Ang sabi, "ako na, ako na...". Pero ang akala ko mapapangiti ako, hindi ko alam, nangilid yata ang aking mga mata sa luha. Kinapos pa ako ng hininga ng kakamayan ko na ang guest speaker namin. Nakangiti ako pero naluluha. Basta, naiyak ako. Sigurado ako naiyak ako. Kasi sa wakas, nakagraduate na ako. Mula sa pwesto namin sa stage, pumunta ako sa gitna, tinaas ko yung diploma ko at hinanap ko sina Papa at Mama. Baka sakali kasing naging proud sila sa akin. Hindi naman nila ako binigo. Si Mama, nakayakap kay Papa at naiiyak. Si Papa, proud father ang dating. Para silang mga politiko. Pero ayos lang, ang importante, totoo iyong naging reaksiyon nila. Natural lang iyon dahil naka-graduate na ako.

After the long agonizing graduation ceremony, hinintay ako nina Mama at Papa sa may labasan ng venue ng graduation namin. Ganun pa din sila nung inabutan ko, magkayakap pa din. Si Mama, hinalikan pa ako sa pisngi. Eh, nakita kaya ng mga classmates ko. Naghiyawan pa sila. Hahaha. Mama's boy daw! Bwiset! Toothpick ng ina kayo! Graduate na tayo ganyan pa kayo!

Nandun din sa labas ang barkada kong mga tungaw — si Alex, si Bong at si Rico! Suporta daw nila sa akin dahil sa wakas ay nakagraduate na ako. Palibhasa sila kulang pa ng isang taon, maliban kay Alex na isang summer na lang daw at gagraduate na siya. Hahaha. Si Bob din, ang bestfriend kong bihirang magparamdam, tumawag naman para i-congratulate ako. Baka daw sa bahay na lang siya dumaan. Magpapa-inom siguro! Hahaha. Ang gulo nila, panira kaya sila ng moment. Kung kailan ko ineenjoy ang moment namin nina Mama at Papa saka silang manggugulo. Hahaha. Update: Pero Miyerkules na, wala pa din ang Bob, hindi pa din nagpaparamdam hanggang ngayon.

Ikalawa. Sa labas ding iyon, hinihintay ako ni Grace. Hindi iyon surprise dahil tinext ko siyang um-attend ng graduation ko, katulad nung ginawa ng mga tungaw kong kaibigan. Kahit late na siyang dumating, ok lang. Ang nabigla ay sina Mama at Papa.

A chili story

Monday, March 26, 2007 | | 8 comments |

"Manang, I crave for siomai!" Iyan ang lambing ko kahapon kay Manang, ang aming dakilang tagapagluto. Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain ng siomai, eh. Yun bang homemade. Yung luto mismo ni Manang. So, ang sabi ko sa kanya, baka pwede ba siyang (si Manang) magluto ng siomai para sa akin!

Dahil ako ay isang dakilang unico hijo, hehehe, spoil ako kay Manang. Nung gabi ding iyon, nag-ulam kami sa bahay ng siomai na may kasama pang beef wanton noodles. Ching cha wei ni feng chila sing fao ma. Kung ano man yun, feeling Chinese kasi kami kahapon! Hahaha!

Pero madaming luha, hapdi at pasakit ang aking dinanas bago ako makakain ng pinakaaasam-asam na siomai! Naging maayos naman kasi ang preparasyon ni Manang ng siomai. Maliban sa isang kakulangang ingredient sa kusina.

"Wala na palang chili sauce at toasted garlic," sabi ni Manang.
"Ganun? Paano ba ang gagawin?" tanong ko.
"Ako na lang baka magkamali ka pa. Ipag-chop mo na lang ako ng siling labuyo. Alisan mo muna ng buto ha bago mo i-chop!" sabi ni Manang.

So, ganun na nga ang ginawa ko. Hiniwa ko ang pulang siling labuyo sa gitna, inalisan ng mga buto, isa-isa, at saka chinop. Sa gitna ng aking pagchochop, may langaw na aali-aligid sa aking mukha. Hinawi ko. Ngunit sa aking paghawi, natamaan ko ang ilalim ng aking mata. Heto na naman at aali-aligid ang langaw. Malapit siya sa aking ilong. Hinawi ko ulit yung langaw. Tapos nangati yung gilid at paligid ng aking ilong.

Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng hapdi sa aking mukha. Makati, kaya lalo ko itong kinamot. Toothpick ng ina! Ang hapdi sa mukha! Tumingin agad ako sa salamin upang tingnan ang aking mukha. Mapula ang ilalim ng aking mata at gilid ng aking ilong! Toothpick ng inang iyan! Aaaahh... ang hapdi!

Dali-dali akong pumasok ng CR! Naghilamos. ngunit ayaw pa ding mawala nung kati at hapdi sa mukha ko. Tumapat ako sa electric fan upang kahit papaano ay mawala ang hapdi. Si Manang, tinatawanan na lang ako. First time ko kayang mag-chop ng pulang siling labuyo! Bwakanang ina!

Habang nakatapat sa electric fan, naramdaman ko na lang na tumulo ang aking luha. Mga tatlong patak din iyon. Nagpasirko sirko muna siya sa aking mukha bago tuluyang bumagsak! Joke. Hahaha. Maya-maya pa, basa na ang aking ilong. Sipon siguro in an instant! Kusa na lang nalalaglag ang aking mga luha at sipon! Mabuti na lang at after a few minutes, nawala din ang sakit sa aking mukha.

Ipinagpatuloy ko ang aking paghihiwa ng siling labuyo. Walang takot na hinarap muli ang mapanghamong task ni Manang sa akin! Malapit na akong matapos ng bigla kong naramdamang umihi. Maya-maya pa, para akong bulate, hindi na ako mapakali... sa hapdi ng nararamdaman ko.

Mala-Kirara ang balat, at mala-Bakekang ang ilong

Tuesday, March 20, 2007 | | 3 comments |

Tinatanong ako ng mga tukmol (Alex, Rico at Bong... at pati na rin si Bespren Bob na matagal nang di nagpaparamdam) kung maganda raw ba si Grace. Tinanong pa ko ng mga kurimaw kung anong vital statistic. Maputi? Sexy? Jackpot daw ba? Mabait? Hindi pa kasi nila nakikita. Sabi ko masungit, pangit, dabyana, garabucho ang labi, mala-Kirara ang balat at Bakekang ang ilong. Hahaha. Ang kukulit eh. Parang natatakot tuloy akong ipakilala si Grace sa kanila at baka pagnasaan pa ng mga manyak. Kilala ko ang mga barubal at alam ko ang takbo ng utak ng mga yun. Anyway, sabi ko in due time ipapakilala ko rin sa kanila. Nagsuggest si Bong, pwede raw sa birthday niya sa April. Hmm. pwede rin. The problem is baka naman nandun rin si Nikki. Pero teka, bakit ko nga ba pinoproblema yun?Maganda nga yun para makita niya na hindi na ko baliw sa kanya gaya ng dati. Baka feeling pa rin siya na gusto ko pa siya.

Ini-evaluate pa ang mga papel ko for graduation. Good thing at wala naman palang babagsak kay Miss Tapia. Nananakot lang pala ang matandang dalaga. Hay sana tuluy-tuloy na 'to. I've had it with all these pol-sci subjects. I don't know what would become of me kapag nag-law na ko.

Nga pala, hindi ko pa naitatanong uli kay Grace kung bakit medyo "ilag" siya sa tatay niya. Lawyer din yun e. Nahihiya naman akong tanungin yung tungkol sa practice niya, baka sabihin feeling close ako at nagpapalakas. Pero biglang "lumiwanag" ang mukha niya nung sabihin kong lawyer din si Papa. Hmmm... good points ba yun, ha, good points? hehe.

Ayos na eh, kaso...

| | 3 comments |

It was a beautiful Saturday afternoon. As always, namasyal kami ni Grace somewhere in the Metro. Madami kaming pinuntahan. Nag-joy ride pa nga kami sa MRT eh. Ang sarap ng feeling na wala kang kailangang itago sa mundo.

So, from our favorite mall, sumakay kami ng MRT papuntang south. Ang trip namin ay ikutin ang buong MRT at LRT line. Hahaha. Nung nakarating na kami ng EDSA Station ng MRT, bumaba kami ng tren at umakyat papunta sa LRT EDSA Station. Mula doon, sumakay kami hanggang Monumento. Yun lang ang ginawa namin. Para kaming mga sabog at nakalanghap yata ng drugs sa kakatawa sa mga pinaggagagawa namin. Maganda ang view mula sa itaas ng tren. Maganda na pala ang LRT ngayon. Tama nga si dos ocampo sa mga pictures niya. Bago kasi yung nasakyan naming LRT eh. Sa gitna kami ng dugtungan ng tren malapit sa bintana lumugar para makakita kasi kami ng view.

Ang buong akala ko, ayos na ang araw ko. Masaya na eh. Pero may isang bwakanang inang bata sa harap namin na hindi ko talaga makakalimutan. Ang sabi niya, "Kuya, kamukha mo si Justin!" Ngiti lang. Sa loob-loob ko, sino ba yung toothpick ng inang Justing iyon at kamukha ko pa! Bwiset!

Sabi ni Grace na nanggagatong pa yata, "Uy, kamukha mo daw si Justin!"
"A ok. Talaga?" sabi ko. "Sino ba iyon? Di hamak na mas guwapo ako dun!"
Tinitigan akong mabuti ni Grace. "Ano? Baket?" sabi ko. Tahimik at parang nakita ko yata siyang ngumisi.
"Si Justin, yung nasa Full House! Yung koreanovela!" sabi ni Grace.
"Eh, hindi ko naman kilala yun, hindi naman ako nanonood sa mga koreanong iyan!" magkasalubong na ang mga kilay ko dito sa inis!
"O, naiinis ka na naman... para si Justin lang eh, nagkakaganyan ka na! Hahahaha!" sabay tawa ng malakas!
"Ewan ko sa iyo!" ako.
"Hahahahaha" tawa pa ni Grace!

Dagdag pa ni Grace, "Stubborn-ness cannot be spelled without 'U'! Hahahaha! 'U' complete stubborn-ness! Hahahaha!" Ewan! Kuliiiittt! Grrrr...