MERRY CHRISTMAS!!!!
Medyo okay naman ang aking pasko ngayon. May nakakainis ding parte pero natural na talaga sa buhay yun. Sige ikwento ko ngayon. Actually, dipa tapos ang celebration namin ng Christmas. Napaakyat lang ako rito sa kwarto at gusto ko lang ishare ito.
Noong December 23, akala ko mayayaya ko na si Grace for a date somewhere in Makati. Tuwang-tuwa ako kasi first time kong nagyaya ng isang date sa isang babae. Sabihin nyo nang neophyte ako sa ganitong bagay, pero iyun ang totoo. In fact, binasa ko pa uli yung isang libro tungkol sa dating that afternoon. Ayaw kong magkaroon ng bad impression si Grace. Idealistic ba? First time eh.
Eto ang nakakabadtrip. Sinabihan ako ni Papa na ako raw ang proxy niya sa isang debut celebration ng isang kompanyero niya. Toothpick ng ina! Very important raw yun at hindi pwedeng hindi umatend. Nasabihan na raw niya yung kompanyero niya last week na hindi siya makakaatend pero may proxy na aatend para sa kanya, at ako yun! He could have informed about that last week pero wala siyang sinabi. Sinabi ko na may "appointment" ako, sabi niya hindi raw pwede at partner daw sa law firm nila yun at hindi pwedeng hiyain yun. The bottom line is, wala akong nagawa kung hindi pumayag. So, kinansel ko yung date namin. Sinabi ko kay Grace na "emergency" lang kaya't hindi ako makakaatend. Okay lang sabi ni Grace, pero alam kong I disappointed her. Para tuloy nagsisi ako kung bakit ko pa sinunod si Papa. Tinext ko ng tinext si Grace (feeling guilty) para di naman ako mabadshot totally. Good thing, nagkaron din ng totoong "emergency" sa kanila, yung pamangkin raw niya nagyayang lumabas sila, at nakalimutan niya na yung date na yun yung araw na napromise niya. Hay... nakaligtas ako. Pasalamat daw ako, sabi niya. Hahaha! Sabi ko, bawi na lang ako. Puyatin ko na lang uli siya, hehe.
Nagkaron din kami kanina ng mini Christmas party dito sa block namin. Nakakatuwa rin yung mga bata na sumasayaw ng "boom tarat-tarat." Tapos manghihingi ng mga bata ng mga regalo at kahit ano na ipagawa mo ay gagawin. Haha. Naaalala ko yung bata pa 'ko. Hindi naman ako lumalabas nun dahil nga hindi ugali ng parents ko na "mamasko," siyempre baka makasira ng image nila, ano pa nga ba. Kuntento na ko sa mga laruan na binibili nina Papa at Mama, saka yung mga padala sa kin ni Tita (from the United States) na Sega. Pero di pa rin mawala sa isipan yung pagnanais ko na makalabas at maranasang "mamasko." Ngayon ko naiisip, bakit ba iisipin ng mga parents ko yung kahihiyan kung masaya naman ang nag-iisa nilang anak di ba? Ako, kung magkakaanak ako, tatanggalin ko lahat ng inhibisyon ko sa sarili ko para sa kaligayahan ng anak ko. Kahit magkandagago ako or mukhang epal, kung masaya naman ang anak ko, why not. Hay... eto na naman, nararamdaman ko na naman ang mga "kulang" sa ginawang pagpapalaki ng parents ko sa akin. Di bale, babawi ako sa magiging anak ko.
Kahit naubos yung budget ko - yung naipon ko from my allowance - masaya na rin. Tatlo (pa lang) ang inaanak ko, mga bata pa, buti at hindi mahirap regaluhan. Ibinili ko lang ng mga laruan at damit. Si Mama at Papa ang daming inaanak, kung pagsasamahin siguro mga nasa 60! As in super dami. Puro mga sa amigo't amiga at kumpanyero't kumpanyero nila yung mga inaanak nila. Hindi ko alam kung magkano ang nagastos nila sa pagbibigay ng regalo, pero sigurado akong malaki yun. Kay Mama na lang, isipin mo na lang ang utak nun, ang iisipin nun ay ang "iisipin ng iba." Tingnan mo na lang yung ginawa niya dun sa charity niya, pati yung oxygen shirt ko na bago pa at hindi ko pa naisusuot ay ipamimigay dun sa Bicol, para raw maimpress si Colonel. Nakakainis din pero palagay ko naman ay masisiyahan ang mga bata sa mga mamahaling regalo nina Mama at Papa.
Tumawag din sa phone si Grace para batiin ako. Grabe, nakakapagpasigla talaga ng araw. Ano raw ang handa namin. Sabi ko may spaghetti, pansit, buko pandan, barbeque, fruitcake, ham, keso de bola, lumpia, menudo at sandwich. Binola ko nga eh, sabi ko "okay lang kahit wala kaming handa, basta tawagan mo lang ako." Hahaha! Binata na ko hahaha! Di raw siya makapaniwalang hindi pa raw ako nagkakaGF, kasi raw ang galing ko raw mambola, haha! Sasamahan daw niya mga pamangkin niya mamasko. Tawagan ko raw uli siya sa gabi at willing daw siyang mapuyat ngayon. Yehey! Haha!
Napuno ang inbox ko kanina. I received a lot of texts from classmates and friends. Binati rin ako ng mga barkada kanina. Sina Alex, Bong, Rico, Jimi, Gwen etc..etc... niyayaya nga nila akong gumimik ngayong gabi, sabi ko na lang before New Year para mas masaya at gusto ko munang spend ang day na to with my family. Gusto ko lang na sama-sama kami ngayong pasko. May bisita pa sina Mama sa baba at ang iingay nila ngayon (adik sa videoke si Papa). Ako, mahilig sa music pero hindi yata ako nabiyayaan ng ganda ng boses, hehe.
Oh pano, baba muna ako at makikikanta na rin kahit sintunado. Merry Christmas sa inyong lahat, lalong lalo na sa mga bumabasa nito. Salamat sa pagshare niyo ng thoughts. Maligayang Pasko!!!