Bahala kayo sa buhay nyo! Bwiset!

Tuesday, October 31, 2006 | | 20 comments |

Naalala ko lang. Mga bwakanang ina kayo.

Maikwento ko lang. Toothpick! Muntik ko nang makalimutan. Nung nagkayayaan kami nina Alex, Rico at Bong na mag-inuman, napag-usapan nga pala namin yun nangyari kina Jimi at Gwen. Ayon sa aming pag-uusap, natuklasan ko, palibhasa hindi pa ako ganun "kalasing" nung mga oras na iyon hindi katulad nila na lango na ang pag-iisip at lunod na sa masamang ispiritu ng alak, na HINDI PALA BUNTIS SI GWEN!

Niloko lang ni Gwen si Jimi para hindi na ito mapakawalan. Oo may nangyari na nga "raw" sa kanilang dalawa. WOW! Kainggit naman tong si Jimi, kala mo eh babading-bading, biruin mo ang lakas pala ng appeal. Ayun, kinuwento pa ni Jimi kung pano "raw" nangyari. Toothpick ng ina yan! Kung sasabihin ko pa ang mga detalye e malamang alam nyo na iyon.

Ayun na nga. Sa gitna ng pag-uusap namin, nasabi kong "ANO? PULSE ALARM?". Sandaling katahimikan. Tapos bigla na lamang silang nagtawanan. Ilang sandali pa, narealize ko yung "pulse alarm" na sinabi ko ang pinagtatawanan nila. Nainis talaga ako! Muntik ko ng basagin yung bote ng beer sa mga ulo nila hanggang sa makita ko itong duguan! Toothpick nang inang yan, oo! Mabuti na lang at marunong akong magtimpi at umintindi. Lasing sila at ako ay hindi. Kaya ang ginawa ko para man lang makaganti sa kanilang tatlo, e, sinukahan ko sila! Alam ko yun at hindi nila alam dahil mga pikit na ang mga mata nung ginawa ko iyon! Mabait pa ako nyan!

Eh ano ngayon kung nasabi ko yung pulse alarm. Eh ano ngayon kung bumaluktot ang dila ko. Eh ano ngayon kung nasabi kong "pulse alarm" imbes na "false alarm". Lahat ng tao nagkakamali. Mga buwakanang ina nyo! Si Jimi nga nagkamali nung sunggaban niya agad si Gwen at nabuntis niya pero "pulse alarm" naman pala. Bwahahahaha! Buti nga sa inyo! Bwiset!

Bagyo at Demonyo

Monday, October 30, 2006 | | 6 comments |

May bagyo raw. Kaya pala kaninang madaling-araw eh ang lakas ng hangin. Nagising ako kanina kasi umiingit yung bintana sa kwarto ko kasi medyo nakabukas. Tumingin ako sa alarm clock. 3am. Ewan ko, pero bigla kong naalala yung movie na "The Exorcism of Emily Rose." Sabi dun, malakas daw ang "powers" ng mga demonyo kapag ganung oras. Haha! Eh di naman ako makakatulog nun kanina kung di ko isasara ng maayos. Isinara ko. Ayun. Tumigil. The hell with the demons.

Yun lang, naistorbo na ang tulog ko. Biglang nawala yung antok ko. Naalala ko pa si Nikki. Toothpick ng inang yan, bakit ko nga ba naalala yung babaeng yun? Ano bang meron yung babaeng yun eh parang bitch yun. Kung sabagay, match sila ng asshole nyang boyfriend ngayon. Parehong magaling sa pangangarengkeng at pangangaril. Magsama silang dalawa!

Bumaba ako ng around 4am. Nakakauhaw din pala kapag may naiisip kang nakakainis. Kukuha na ko ng tubig sa ref ng bigla kong naalala yung palabas kagabi. The top 10 most scary Filipino movies. Napanood ko nung bata pa ko yung Shake Rattle and Roll. May isang movie dun tungkol sa ref na parang "possessed." Nasa top 3 siya. Napatingin ako sa ref. Eh ang dilim. Creepy. Di na ko uminom. Hahaha!

Mga Babae Talaga!

Saturday, October 28, 2006 | | 1 comments |

Sakit ng ulo ko!

Eto kasing mga barkada kong sabik sa alak eh nagyayang uminom, October Fest kasi. Ayoko sanang sumama pero dahil badtrip ako kay Papa, sumama na ako. Umaga na akong nakauwi. Sa sobrang dami kong nainom, nagsuka ako sa harapan ng bahay namin. Tapos, sakto! Nung nagsusuka ako, bumukas ang pinto at nakita ako ni Papa na nagsusuka. What a scene! Nasermonan tuloy ako. Hindi na lang ako kumibo. Masama na talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ko na alam kung ano’ng isasagot. Nakatulog na nga yata ako habang nagsesermon siya dahil hindi ko na maalala ang karamihan sa sinabi nya.

Sabi ni Alex kagabi, itinanong daw ni Nikki kung may girlfriend daw ako. At bakit naman kaya niya itinatanong? Siguro nahuli na nya na nambababae ang boyfriend nya. Sinabi ko naman kasi sa kanya. Ayaw nya lang maniwala. Sinisiraan ko lang daw ang lalaking yon para ako ang sagutin nya. Pucha! Napagbintangan pa ko! My toothpick! For sure, nabuking niya na ang pambababae ng boyfriend nya at nagsisisi siya sa ginawa nya sa akin.

Gusto ko ngang batukan tong si Alex dahil sinabi nyang wala akong girlfriend! Baka isipin nyang Nikki na yan na patay na patay pa rin ako sa kanya. Yun ang akala nya! Hindi na ako magpapakagago sa kanya.

Niyaya namin si Jimi pero hindi sumama. Nag-asawa na nga siya! Kaya naman apat lang kami nila Alex, Rico at Bong na uminom. Himala nga kasi sumama si Rico. Yun pala, magkaaway sila ni Rizza. The heck, nagseselos daw kay Gwen. Nabanggit kasi niya na nag-asawa na si Gwen. Yun naman pala eh. So why would she get jealous to somebody who's just gotten married? Mga babae talaga! Ang hirap intindihin!

Sinong nagsabing may holiday?

Friday, October 27, 2006 | | 1 comments |

"jimi & gwen jst got married in cvil lst wik. buntis na c gwen. liv in cla ngyn.dunno evrythng.bblitaan na lng dw tyo ni jimi kpg get2geder ng brkda.”

I received this message yesterday from my best friend Bob. Knowing Jimi, medyo na-shocked ako. Parang "hah, si Jimi!!" na lang yung naging reaction ko. Hindi ko lang kasi ineexpect na ang isang 'traditional' na taong tulad ni Jimi eh makakagawa ng bagay na, well, not traditional, ika nga. Pero kung sabagay, hindi na naman untraditional sa ngayon ang pagpapakasal dahil may nabuntisan o nabuntis. Uso na rin. Di ko lang akalaing sasabay siya sa agos.

The Jimi we know is a silent type of guy who confessed to loving books more than girls. Hindi naman totally nerdy pero malapit na rin. I mean we don’t usually hear him talking about girls. Kapag nagtatalo na nga kami kung sino ang mas sexy kina Anne Curtis and Angel Locsin, tatahimik lang siya, ngingisi sa isang tabi na parang nakakaloko. Minsan naiisip namin na SM (simpleng manyakis) lang siya...sa loob ang kulo, kung baga. Minsan nga binibiro namin na bading siya. But in the back of my mind (pati ng iba siguro), I seriously consider the idea that he’s really a closet queen. Kaya nang sinabi niya nung first year pa lang kami na “crush” niya si Gwen, medyo talagang nagduda ako. Barkada rin kasi namin si Gwen. And of all the girls Jimi could have liked, we just wondered why it had to be her. Kasi naman, magkaiba sila. Parang north and south pole. As in. Kung tahimik tong si Jimi, chikadora tong si Gwen; kung maayos tong si Jimi, balahura tong si Gwen. Paborito ni Jimi puro ballad o RNB, si Gwen puro rock. Wala silang dalawa sa hulog. Totoo nga siguro ang “opposites attract.”

Walang ligawang naganap, as far as we know. My toothpick, hindi ko nga nakikitang magkasama silang dalawa, yung tipong silang dalawa lang talaga. Ni hindi ko natatandaan na nagbigay ng sulat ‘tong Jimi kay Gwen KAHIT minsan. So papanong mabubuntis si Gwen? Weird...and fishy.

Nga pala, etong nakakatawa. Sinabihan kami ni Papa na labas daw kami sa holiday, October 24. Kain daw kami sa labas. Eh di siyempre tuwang-tuwa ang ako dahil after ten years makakasama ko rin ang Tatay ko or buong pamilya ko. Kailan ba kami huling lumabas? Di pa naman siguro ako ulyanin dahil 20 pa lang ako. Di ko lang matandaan dahil siguro talagang sobrang tagal na.

Eto. Ang akala ko hindi papasok si Papa nung 24. Nagulat ako dahil nung gumising ako that day (9am) wala na sa bahay si Papa. Etong masaklap: wala rin si Mama. Nung tinanong ko yung naglalabada sa ‘min, umalis daw. Wala nga akong naabutang almusal eh. Okay lang, syempre iniisip ko na baka bumili ng maluluto or something. Wala ring pasok si Mama nun. Nagbukas na lang ako ng de-lata. Tanghali na hindi pa rin dumating. Tinext ko si Papa, walang reply. Nabwiset ako. Pagkakain ko, diretso ako ng kwarto. Nag-internet. Nagpatugtog. Natulog. Nagising ako ng 5pm wala pa rin ang dalawa. Nagsisimula na kong makakita ng mga demons sa paligid, nababadtrip na ‘ko. Gusto ko nang umalis that time, kaya lang baka naman pag-alis ko eh dumating sila. Ako pa ang lilitaw na ‘spoiler’ ng ocassion. Kontra-bida pa ko nyan. Tumawag na ko sa cellphone ni Papa. Walang ring. Naka-off. Di ko naman alam kung nasan si Mama. Bihirang gumamit ng cellphone yun. It was already 8pm and I was out and out pissed. Lalabas pala sa holiday hah...badtrip!

Dumating si Mama ng 8:30pm. Si Papa around 9:30. Walang binanggit na “eating out.” Ang saya. Toothpick ng ina ka, ang saya, diba?

My first entry...welcome to the world of rant!

Monday, October 23, 2006 | | 1 comments |

Everybody seems to be blogging nowadays. What's with these blogs? Before, they were just called diaries jotted down in some notebooks and hidden inside your cabinet or closet. Now, with the advent of internet and all these jazz, they were now encoded in every servers around the world, loitering around and waiting for the command of people whose identities are unknown. This is quite interesting. People can curse, swear, rant, babble, freak out, admire, loath, discuss things and tell their stories over the computer without others telling them to shut up. Astig, 'di ba? I figured I want some pieces of those actions, so I signed up. It's sembreak — no classes — masarap magsulat dahil walang magawa.

Okay, kanina nag-enroll uli ako for the last semester of my college, hopefully, maging huli na 'to. Hindi sa ayaw ko nang mag-aral. Heck, kung pwede nga lang mag-aral uli ako after kong makagraduate. I'm taking up Political Science, but I don't like it. I'm not into governance and all the craps related to it. Ang problema, eto ang gusto nina Papa para sa kanilang unico hijo. Yep, yep, you see, I'm the only son. The apple of their eyes. The carrier of their genes. And why Political Science? Abogado si Papa. And so, I should, sabi niya, follow in his footsteps and be a lawyer like him. Simpleng rason, 'di ba? Haha! Don't I have a say on this? Wala. I didn't rebel and have no plans to do so. Nag-iisa na nga akong anak eh, aangal pa ko. Kawawa naman parents ko. Nga pala, small-time lawyer lang si Papa, pero maraming raket. Lahat naman yata ng mga abogado maraming raket eh.

Tapos na kong magpavalidate ng enrollment card nang yayain ako ng mga barkada ko'ng lumabas. Unwind daw. Relaxation. Saan? sa isip ko. Eh wala naman kaming ginawa these days at puro tulog na nga ang ginawa namin after naming mag-edit sa papel dun sa thesis namin. Pero kung sabagay, kakabagot din talaga sa bahay. Kung may girlfriend lang ako...kaso wala. Yung mga barkada ko wala ring syota at present. Puro crushes. Puro tingin. Siguro kailangang hiwalayan ko na sila, bad influence with bad luck, haha.

I went home at 8pm. Ang aga. For other people my age, uwi 'to ng isang matino. Siguro nga matino ako. Matino kapag kaharap ko parents ko, hahaha. There are so many things hovering in my mind. Most of them negative things na talaga namang kapag nalaman ng ilan na pumapasok sa isip ko ay ipapagpray-over agad nila ako, hahaha. Luckily, hindi sila tumatagal. They just cross my mind. Hindi yung tipong hinaharbor ko sa isip ko. Siguro, that's one of many reasons why I created this blog. That is, to either entertain and like these thoughts...or ignore and hate them.