Happy New Year Wish!

Sunday, December 31, 2006 | | 6 comments |

Happy New Year!

Ang totoo nyan ay sinubukan ko lang kung gagana na itong Internet dito sa bahay. Pagkatapos kasi ng pasko parang sinapian ng engkanto ang PC namin dahil sa kung anu-anong lumalabas sa monitor. Hindi naman ako exorcist para palayasin ang mga lintik na virus at spam na nambubwiset sa PC ko. Kinailangan ko pang tumawag ng mga ghostbusters para puksain ang mga dyablo. Anghel yata sila dahil nang bulatlatin nila yung computer ko kahapon eh biglang nawala rin yung mga devils. Kaya lang parang naging devil na rin ang mga anghel kasi biglang siningil ako ng mala-demonyong service fee. Sana kunin agad sila ni Lord bago pa sila tuluyang maging devils.

5 hours na lang at magbabagong taon na. Katatapos ko lang gumawa ng fruit salad. Si Mama nakagawa na ng menudo. Nanghihinayang siya dahil hindi natuloy na maging “katulong” yung anak ni Aling Leti(remember sa post ko na balak kunin nina Mama at Papa bilang maid yung magandang anak ni Aling Leti? Hindi natuloy yun.). Mahirap daw mag-intindi sa bahay ng nag-iisa. Si Papa nasa kwarto pa. Natutulog. Gisingin ko na lang daw kapag malapit nang magbagong-taon. Di ko alam kung paano nakakatulog yun samantalang ang lakas ng mga paputok dito sa kabilang bahay. Speaking of paputok, bumili rin ako ng paputok. Five-stars at Lolo Thunder. Meron na kami ritong Fountain at kwitis. Mahilig akong magpaputok. Pero safe naman lagi kasi gumagamit ako ng burning stick kapag sisindihan ang paputok. Di ko alam pero sarap ng feeling kapag nakakapagpaputok ako. Si Bong at Rico ay mahilig din sa paputok, samantalang si Alex ay takot. Ibang “paputok” daw ang gusto niyang paputukin. Ano kaya yun?

Hindi pa rin natutuloy yung date naming ni Grace. May trabaho raw kasi siya. Isa pa, tumutuloy siya sa Tita niya ngayon at hindi pwedeng pagabi. Sayang nga eh. Pero sabi naman niya baka malibre siya after New Year. Sana nga. Nananabik akong makita si Grace. Corny na kung corny pero madalas ko siyang naiisip. Nagpapantasya na nga ako sa kanya eh. Minsan romantic… minsan erotic. Hahahaha! Puro Grace na nga laman ng inbox ko sa cellphone. Naro-wrong send nga ako ng messages. Naibibigay ko kay Grace yung iba. Baka isipin ni Grace siya lagi iniisip ko. Kahit totoo, syempre mawawala naman yung pride ko nun hehe. Pero seriously, isa lang wish ko this new year. Isa lang.

To be her boyfriend.

Paskong 2006

Monday, December 25, 2006 | | 5 comments |

MERRY CHRISTMAS!!!!

Medyo okay naman ang aking pasko ngayon. May nakakainis ding parte pero natural na talaga sa buhay yun. Sige ikwento ko ngayon. Actually, dipa tapos ang celebration namin ng Christmas. Napaakyat lang ako rito sa kwarto at gusto ko lang ishare ito.

Noong December 23, akala ko mayayaya ko na si Grace for a date somewhere in Makati. Tuwang-tuwa ako kasi first time kong nagyaya ng isang date sa isang babae. Sabihin nyo nang neophyte ako sa ganitong bagay, pero iyun ang totoo. In fact, binasa ko pa uli yung isang libro tungkol sa dating that afternoon. Ayaw kong magkaroon ng bad impression si Grace. Idealistic ba? First time eh.

Eto ang nakakabadtrip. Sinabihan ako ni Papa na ako raw ang proxy niya sa isang debut celebration ng isang kompanyero niya. Toothpick ng ina! Very important raw yun at hindi pwedeng hindi umatend. Nasabihan na raw niya yung kompanyero niya last week na hindi siya makakaatend pero may proxy na aatend para sa kanya, at ako yun! He could have informed about that last week pero wala siyang sinabi. Sinabi ko na may "appointment" ako, sabi niya hindi raw pwede at partner daw sa law firm nila yun at hindi pwedeng hiyain yun. The bottom line is, wala akong nagawa kung hindi pumayag. So, kinansel ko yung date namin. Sinabi ko kay Grace na "emergency" lang kaya't hindi ako makakaatend. Okay lang sabi ni Grace, pero alam kong I disappointed her. Para tuloy nagsisi ako kung bakit ko pa sinunod si Papa. Tinext ko ng tinext si Grace (feeling guilty) para di naman ako mabadshot totally. Good thing, nagkaron din ng totoong "emergency" sa kanila, yung pamangkin raw niya nagyayang lumabas sila, at nakalimutan niya na yung date na yun yung araw na napromise niya. Hay... nakaligtas ako. Pasalamat daw ako, sabi niya. Hahaha! Sabi ko, bawi na lang ako. Puyatin ko na lang uli siya, hehe.

Nagkaron din kami kanina ng mini Christmas party dito sa block namin. Nakakatuwa rin yung mga bata na sumasayaw ng "boom tarat-tarat." Tapos manghihingi ng mga bata ng mga regalo at kahit ano na ipagawa mo ay gagawin. Haha. Naaalala ko yung bata pa 'ko. Hindi naman ako lumalabas nun dahil nga hindi ugali ng parents ko na "mamasko," siyempre baka makasira ng image nila, ano pa nga ba. Kuntento na ko sa mga laruan na binibili nina Papa at Mama, saka yung mga padala sa kin ni Tita (from the United States) na Sega. Pero di pa rin mawala sa isipan yung pagnanais ko na makalabas at maranasang "mamasko." Ngayon ko naiisip, bakit ba iisipin ng mga parents ko yung kahihiyan kung masaya naman ang nag-iisa nilang anak di ba? Ako, kung magkakaanak ako, tatanggalin ko lahat ng inhibisyon ko sa sarili ko para sa kaligayahan ng anak ko. Kahit magkandagago ako or mukhang epal, kung masaya naman ang anak ko, why not. Hay... eto na naman, nararamdaman ko na naman ang mga "kulang" sa ginawang pagpapalaki ng parents ko sa akin. Di bale, babawi ako sa magiging anak ko.

Kahit naubos yung budget ko - yung naipon ko from my allowance - masaya na rin. Tatlo (pa lang) ang inaanak ko, mga bata pa, buti at hindi mahirap regaluhan. Ibinili ko lang ng mga laruan at damit. Si Mama at Papa ang daming inaanak, kung pagsasamahin siguro mga nasa 60! As in super dami. Puro mga sa amigo't amiga at kumpanyero't kumpanyero nila yung mga inaanak nila. Hindi ko alam kung magkano ang nagastos nila sa pagbibigay ng regalo, pero sigurado akong malaki yun. Kay Mama na lang, isipin mo na lang ang utak nun, ang iisipin nun ay ang "iisipin ng iba." Tingnan mo na lang yung ginawa niya dun sa charity niya, pati yung oxygen shirt ko na bago pa at hindi ko pa naisusuot ay ipamimigay dun sa Bicol, para raw maimpress si Colonel. Nakakainis din pero palagay ko naman ay masisiyahan ang mga bata sa mga mamahaling regalo nina Mama at Papa.

Tumawag din sa phone si Grace para batiin ako. Grabe, nakakapagpasigla talaga ng araw. Ano raw ang handa namin. Sabi ko may spaghetti, pansit, buko pandan, barbeque, fruitcake, ham, keso de bola, lumpia, menudo at sandwich. Binola ko nga eh, sabi ko "okay lang kahit wala kaming handa, basta tawagan mo lang ako." Hahaha! Binata na ko hahaha! Di raw siya makapaniwalang hindi pa raw ako nagkakaGF, kasi raw ang galing ko raw mambola, haha! Sasamahan daw niya mga pamangkin niya mamasko. Tawagan ko raw uli siya sa gabi at willing daw siyang mapuyat ngayon. Yehey! Haha!

Napuno ang inbox ko kanina. I received a lot of texts from classmates and friends. Binati rin ako ng mga barkada kanina. Sina Alex, Bong, Rico, Jimi, Gwen etc..etc... niyayaya nga nila akong gumimik ngayong gabi, sabi ko na lang before New Year para mas masaya at gusto ko munang spend ang day na to with my family. Gusto ko lang na sama-sama kami ngayong pasko. May bisita pa sina Mama sa baba at ang iingay nila ngayon (adik sa videoke si Papa). Ako, mahilig sa music pero hindi yata ako nabiyayaan ng ganda ng boses, hehe.

Oh pano, baba muna ako at makikikanta na rin kahit sintunado. Merry Christmas sa inyong lahat, lalong lalo na sa mga bumabasa nito. Salamat sa pagshare niyo ng thoughts. Maligayang Pasko!!!

Can this be love?

Wednesday, December 20, 2006 | | 20 comments |

I had a long, pleasurable conversation with Grace (2) over the phone last Sunday. 7 hours, from 8pm to 3am. It was the longest over-the-phone conversation I have ever had with somebody and it felt really good. It made up for the upsetting experience I had had early morning of that day when Internet connection was bringing out all the devil in me. She just saved my day, you can say.

We talked about a lot of stuff, from trivial things like what she wants to become five years from now, to weighty subjects like how she once tried to do a one-night stand with a stranger when she was depressed with her ex-boyfriend. She was brutally honest. The next thing I knew, I was already indulging myself in digging deep into her personal life. What's your favorite dish? Who's your first love? How do you fantasize about your crush? Where's the ticklish part of your body? Why did you take up management? How do you want to die? Why do you hate your father? And what do you have against lawyers?

When I reluctantly told her that I'm gonna take up law, there was a long pause. She said, "Really? I should stop talking to you then, hahaha!" I gamely laughed, too. I asked her why, what's her problem with lawyers. "My father was a lawyer." Silence. In a second, I wish I hadn't told her I would take up law. I don't like law anyway. I will just be abiding by my father's desire to amass power. But Grace was too bubbly, that one who chats with her could easily lay cards on the table. She then asked me politely to change the topic. We went on again talking about almost everything. I got the lawyer thing off my mind for a while and instead revel on how she easily cracked jokes, and how she could manage to pull off a good laugh after a heavy subject. My toothpick! She's smart. She's engaging. She's ravishingly sexy inside and out. At 3am I didn't want to hang up the phone, pero nahiya na ko sa kanya, and I didn't want to give her a bad impression. Before putting down the phone, I teased her, "Pinupuyat ba kita? Kaw kasi eh, ang sarap mong kausap..." She blew me off with a reply I would never forget: "Nakakaenjoy ka namang kausap. Okay lang kahit madalas mo kong puyatin." Good morning. A girl has made my heart melt again.

But I didn't know why, when I closed my eyes that early morning to sleep, the image of Nikki smiling at me suddenly popped up in my mind...

Party girl meets Pol-Sci Student

Friday, December 15, 2006 | | 15 comments |

Ang hirap iexplain ng mga pangyayari. Magaang ang pakiramdam ko ng mga sandaling kausap si Grace 2 — ang babae sa dancefloor. Madami-dami na din ang mga napag-usapan namin ng biglang sumingit ang isa sa mga so-called classmates ko na isang hindi mahalagang karakter ng aking buhay. Kung tutuusin, wala siyang nagawang buti sa akin kaya hindi ko na siya babanggitin pa. Ang sigaw na lang niya sa akin mula sa kinauupuan niya ay, "Oy! Malapit na tayong umuwi! Akin ng share mo sa food and drinks!" Toothpick ng ina ka! Panira ka ng moment!

"Kunin mo muna kay Rico!" sabi ko. "Babayaran ko na lamang siya mamaya!" Ang mamayang iyon ay anytime beyond that hour! Later, bago mag-uwian, binayaran ko si Rico ng P200 para sa dalawang SanMig Light dalawang slices ng pizza at pika-pika! Yun lang ang nakonsumo kaya yun lang binayaran ko no! Manigas sila kung saan nila kukunin ang pampuno sa almost P6000 na bill namin.

Mabalik tayo kay Grace 2! Naaaliw ako sa kanya. Dahil ipinagkakatiwala niya sa akin ang kanyang istorya ng buhay. Isa siyang management student. Graduating na din katulad ko. Working student. Siya ang nagpapaaral sa sarili. Pangalawa sa mga magkakapatid. Four daw silang magkakapatid sabi niya. Living with parents pa din. Liberated, matapang, pakawala kung minsan pero malalim. Umiinom, pero occasional lang. Never nag-yosi! Clean living kung baga. Katulad ko! Yihee!

In return, sabi ko sa kanya, Pol-Sci student naman ako. Graduating din. Unico hijo! Sa puntong ito napa-wow siya! Sabi ko, "Bakit?". Sabi niya, "Ang talino mo pala! Pol-Sci pa kinuha mo! Tapos unico hijo ka pa!" Ehem! Yun lang.

Wala naman akong masyadong naikuwento sa kanya dahil hindi naman interesting ang buhay ko. Kung pwede ko nga lang sabihin na basahin mo na lang ang blog ko, sinabi ko na sa kanya kanina pa! Kaso, malalaman niyang binabanggit ko ang pangalan niya dito. Kung paano ko siya na-meet. At kung ano ang buhay ko bago ko pa siya ma-meet. Ayoko, kasi baka ma-turn off siya sa akin — kung paano ko sinukahan si Rico, Alex at Bong, kung paano ako maglabas ng angas sa tuwing binabanggit ko ang salitang TOOTHPICK NG INA, OO at Bwakanang ina!, at kung paano ko tingnan si Janine, at iba pa — ayokong malaman iyon ni Grace 2.

Sooner or later, sasabihin ko din naman sa kanya. Pero ngayon, hindi na muna. Hahayaan ko munang makilala ako ni Grace 2 at talagang makita niya ng harapan ang tunay na ako at kung ano talaga ako. Hindi yung binabasa niya lang sa isang blog. Malay ba niya kung ano talaga ang tunay kong saloobin kung babasahin niya lang ang bawat salitang makikita niya dito. Di ba "the eyes are the windows to the soul"? Mas maganda kung harapan niyang madidiskubre ang tunay na ako.

Ooops! Nag-text na sa akin si Grace 2! Kung anuman iyon... secret! Hanggang dito na lang muna! (Opo! nakuha ko din yung number niya!)

(Wakas ng Reunion series ko. Whew!)

Amazing Grace

Thursday, December 14, 2006 | | 4 comments |

Limang araw na ang nagdaan mula nung makasayaw ko si Grace 2 sa dancefloor ng Tia Maria's. Dapat nakalimutan ko na siya dahil matagal-tagal na din ang pangyayaring iyon. Kung tutuusin, hindi ko siya dapat iniintindi sa mga panahong ito dahil nga sa meron akong kailangang tapusin na mga babasahing libro tungkol sa law at mga researches mula sa mga klase ni manyakis professor Atty. No Case at Miss Tapia. Pero blanko ang utak ko. Walang pumapasok na mga salita sa bawat pahina ng binabasa kong Law Book.

Nandito pa din ang pakiramdam. Sa bawat pagtulala ko sa dingding ng aking kuwarto, naaalala ko pa din si Grace 2 at ang aming pagsasayaw ng gabing iyon. Nagulat ako nung una, dahil siya pa ang nag-initiate ng pagpapakilala sa akin. Tandang-tanda ko pa yung mga sinabi niyang "Hi, I'm Grace!" sa akin. Siguro torpe lang ako kaya hindi ako yung unang nagpakilala.

Kasunod nun, siyempre, nagpakilala din ako. "(Medyo shock!) Ah, ok! I'm _____ (toothpick)!" sabi ko. Ang maikling pagpapakilalang iyon ay sinabayan ng pagtapos ng masaya ngunit maingay na musika. Ang lahat ay nagkalat at nagsibalikan na sa kani-kanilang mga upuan. Pero ako sa may counter nagpunta, hindi sa mga so-called classmates ko nung elementary. Niyaya kasi ako ni Grace 2 na magpahinga muna sa may counter at samahan ko daw siya. Pansamantalang kinalimutan ko ang mga so-called classmates ko na sa mga oras na iyon ay parang naririnig kong naghuhumiyaw!

Ang party girl na parang walang pakialam sa mundo at talaga namang pakawala, na kanina ay parang lasing kung ako ay sayawan, ay isa palang malalim na tao. Independent siya sa kanyang pag-aaral pero nakatira pa din sa kanyang mga magulang. Nagpunta lang daw siya sa Tia Maria's to unwind. Para makahinga. Pagod na kasi siya bilang working student. And since saturday na ng madaling-araw at wala naman daw siyang pasok, minabuti niyang mag-unwind muna. Ito daw ang highest form of relaxation para sa kanya.

"Highest form? Bakit? Meron pa bang lower form dun?" sabi ko. Sa loob-loob ko, "Tanga mo naman... bakit yan pa ang naisip mong itanong?" Na sinagot naman niya ng "Kasi pwede naman akong matulog or magbasa ng novels ng Agatha Christie at Sidney Sheldon para ma-relax ako... pero mas gusto ko ang magsayaw kasi lahat ng parte ng katawan ko gumagalaw! Natatagtag. Nagpapakawala ng stress sa katawan. Kaya mas gusto kong sumayaw!"

Masaya ako sa sinabi niya. Nakangiti. Tumatango. Sumasang-ayon sa mga sinasabi niya. Tama man o mali. Masaya ako para sa akin at para na din sa kanya. Kahit parehong kaliwa ang aking mga paa, ako pa din ang mas pinili niyang kasayaw. Kahit madaming mga rich kid na nandoon at umaaligid din sa kanya kanina sa dancefloor, ako pa din ang mas pinili niyang samahan siya. Shet! Ang swerte ko! Naalala ko yung kanta ba yun ni Avril Lavigne... yung skater boi! Basta huwag ninyo na lang tanungin kung bakit!

Siya nga pala... pagkatapos ko dito, pupunta ako ng National Bookstore... bibili ng Sidney Sheldon at Agatha Christie kung ano man yun!

Reunion: the aftermath! Grace Anatomies

Wednesday, December 13, 2006 | | 7 comments |

Sa pagitan ng mga oras may masaya namang mga kaganapan!

Hindi ko akalaing magkakaganoon ang hitsura ni Grace. Late bloomer lang siguro siya. Maganda siya ngayon... at may boobs na! Nung elementary kasi kami, halos lahat ng mga kaklase kong babae eh developed na ang katawan. Siya lang talaga ang hindi. Ito marahil ang dahilan kaya ibang school ang pinasukan niya nung pagtungtong namin nung high school. Ayaw niyang makita namin siyang magdevelop ang kanyang katawan. Hinahanda niya siguro ang mga nagdaang taong iyon sa kanyang buhay para sa pagkakataong tulad nito!

Ngunit sana ganoon nga lang ang nangyari. Nakakalungkot isipin na pagkatapos ni Grace ng high school ay hanggang second year college lang ito nakaabot. Kinailangan niyang magpunta ng Japan para sa kanyang pamilya. Ni-recruit daw siya ng kapitbahay niyang bakla! At dahil sa nanggaling siya ng Japan... ano pa bang iisipin ko... Eh di animé! Ano ba yang mga iniisip ninyo! Bastos yan ano?

Anyway, marahil kaya natanggap agad siya sa Japan kasi sa kanyang hitsura at tangkad. Kapansin-pansin na ang ganda niya ngayon. Lalo pa siyang naging maganda sa maikli niyang buhok! Attracted na yata ako sa mga short-haired na mga babae. Hindi siya skinny, ayos lang. Matangkad, siguro halos kasing height ko na. Maputi at.... mahilig sa animé! Madumi na naman ang isip ninyo ha?

Matapos ang ilang pag-uusap, niyaya ako ni Rico sa dancefloor. Yuk! Siya pa yung nagyaya! Anyway, napapayag niya akong sumayaw sa dancefloor kung saan ang mga tao ay nagsasayaw o lumulundag lang sa saliw ng masaya pero maingay na tugtugin. Hinila ako ni Rico papunta sa may gitna. Pero maya-maya pa hindi ko na siya nakita!

Nakataas ang aking mga kamay at yumuyugyog ang aking katawan sa saliw ng masayang musika. Mabango pa naman ako sa mga oras na iyon, kaya ok lang na gawin ko iyon! Hihihi! Wala na nga si Rico. Hindi ko siya makita. Ang tanging nakikita ko lang (kahit madaming tao sa dancefloor) ay ang babaeng kanina pa nasa harap ko at sumasayaw!

"Hi, I'm Grace!", sabi niya. Huh? Isa pang Grace! Dalawang Grace sa isang gabi! Ang Grace na ito ay mas kakaiba, kaya tatawagin natin siyang Grace 2! Maganda siya, maputi, halos kasing tangkad ko at short-hair din ang buhok! Anong pinagkaiba nito kay Grace 1 na classmate ko nung elementary?

Ganito iyon! Sa saliw ng masaya ngunit maingay na tugtugin ng bandang nakasalang ng mga oras na iyon... isang background music ang aking narinig. Kakaiba di ba?

(Wakas... na kaya?)

Reunion: the aftermath! Part 2

Monday, December 11, 2006 | | 9 comments |

Pasensya na ulit at sadyang mahaba talaga.

(Sa pagpapatuloy...)

Mula sa baywalk ay nag-abang kami ng taxi na maghahatid sa amin sa Tia Maria's sa may Malate. Umupo ako sa may harapan ng taxi katabi ang driver. Si Rico ay nasa likod. Kasama namin sa taxi ang isa pang kaklase naming babae na hindi ko talaga maalala ang pangalan. Nag-uusap sila ni Rico sa likod at binabanggit naman niya ang pangalan nito. Malamang close sila nung elementary pa kami. Nalipat siguro ng section, kaya hindi ko na maalala. O siguro nag-iba lang ang kanyang hitsura. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay hindi ko talaga maalala yung pangalan niya. Inis na nga siguro ako.

Papasok na kami ng kalye kung saan naroon ang Tia Maria's ng makasalubong ng taxi namin ang isang lalaking angas ang porma pati ang paglakad. Sa loob-loob ko... "Ano? Rich kid ka na nyan sa hitsura mo? Bwiset!" Tahimik lang ako sa buong maikling biyaheng iyon.

Hindi rin nagtagal at natunton na namin ang Tia Maria's. Gulat ako kasi walang entrance fee. Wala yung madalas na marinig kong "consumables" sa mga entrance-entrance na yan. Buti naman no, baka masapak ko lang ang bwakanang inang guwardiya slash bouncer ata yun ng Tia Maria's. Sa bungad pa lang ay talagang maingay na! Bumungad sa akin ang malakas ng tugtog ng bandang nakasalang. Nakakairita sa tenga ang lakas ng pagtugtog at pagkanta nila. Toothpick ng ina yan, OO! Bingi ba sila? Eto na yata yung sinasabi nilang "showband"? Pasensya na, first time ko kasi eh!

Anyway, mga 12:10 AM na kami nakarating sa Tia Maria's dahil nga sa mahabang diskusyunan kung saang lugar kami patutungo. Pumuwesto kami sa ibaba malapit sa counter. Gaya ng ibang bar at resto, inabutan kami ng menu ng waiter. Tingin. Tingin. Tingin. Toothpick ng ina yan! Ang mamahal ng pagkain! Ang sabi ko na lang sa kanila, "Sige, kayo na lang ang umorder!", sabay bitiw ng isang ngising tila plastic sa aking pakiramdam. Umorder sila ng platter, yung may free na anim na beer, pizza, at isa pang platter na may "dip" na kung ano man yun! Dahil madami kami, dalawang order ang ginawa nila sa bawat isang pagkain.

Usap. Usap. Usap. Bwakanang ina kayo! Paano kaya kayo magkakarinigan at magkakaintindihan niyan eh ang ingay-ingay ng banda! Eto ngang katabi kong si Rico eh hindi ko na maintidihan ang mga sinasabi sa akin, yun pa kayang group discussion!

In the spirit of camaraderie, nakipagkwentuhan naman ako. Kahit kanina pa ako inis sa kanila, pinilit kong maging mabait sa kanila dahil ayaw kong matulad sila sa sinapit nina Rico, Alex at Bong sa aking mga kamay. Sa kalagitnaan ng pakikipagkwentuhan, nabanggit ni Rico na si Grace pala yung katabi niya sa likod ng taxi kanina! Nagulat ako! In all fairness, may boobs na siya! Anyway, tinuloy ko na lang ang pakikipag-usap ko sa iba.

Dumating ang ala una ng umaga. Toothpick ng ina yan! Umorder pa ulit sila ng dalawang bucket ng beer! Pagsapit ng 2:30 AM, umorder pa sila ng dalawang barrel ng beer. Umorder pa sila ng sisig at meron pang hindi ko na matandaan. Siyempre, nagulat na ako! Toothpick ng ina yan! Ang lalakas uminom at umorder ng mga ito ha? Sa pagkakataong ito, hinatak ko na si Rico sa isang sulok at kumuha kami ng menu. Doon ay nag-compute kami ng inorder nila. Palibhasa mga lasing na at kami naman ni Rico ay sober, hindi nila kami napansin na nag-uusap! Putek na yan! Nagulat ako sa mga presyo! Ang lahat ng klase ng beer — Cerveza Negra, Regular Beer, SanMig Light, at Red Horse — ay tumataginting na P84.00 ang bawat isang bote! Ang barrel ay hindi ko na matandaan ang presyo, pero sa tingin ko ay P200++ iyon! Ang mga pagkain na inorder nila, toothpick ng ina yan, lahat ang mamahal! Sa may amin P15.00 lang ang beer ata. Hindi ko sigurado kasi umiinom lang ako! Hindi ako tagabili. Kung tama ang pag-compute namin ni Rico, umabot sa P5,750++ ang suma-total na lahat ng pagkain!

Kailan ba nila balak umuwi? Baka kasi madagdagan pa ang order nila eh! Malamig sa Tia Maria's, pero pinagpapawisan ako.

(itutuloy...)

Reunion: the aftermath! Part 1

Saturday, December 09, 2006 | | 13 comments |

WARNING: THIS IS A VERY LONG RANT ENTRY! ANG ENTRY NA ITO AY DULOT NG AKING PAGKABANGENGE AT PAGKAANING DAHIL SA NANGYARI SA AKIN KAGABI! Minarapat kong gawin na lang itong by-parts para hindi nakakatamad basahin. Sa mga susunod na araw ko ipopost yung mga ibang nangyari. Paumanhin... kailangan ko lang makahinga!
MORAL: "PATIENCE IS A VIRTUE!"

Bangenge pa ako ngayong umaga. Alas singko na ako ng umaga dumating sa amin kanina. Gising na si mama. Pero ewan ko kung hindi siya natulog sa kahihintay sa akin. Hindi ba niya alam na tumawag ako kay papa kagabi para magpaalam. Nakalimutan na naman siguro ni papa.

Nakita ko si mama sa may salas namin kaninang pagpasok ko. As usual, dun siya umiinom ng kanyang kape. Nakita ko siya pero di ko siya pinansin. Ayoko ng mahabang litanya at diskusyunan... ngayon pang umagang-umaga at bangenge pa ako sa magdamag na reunion. Matutulog muna ako. Kaso, kahit anong pilit ko, hindi ako makatulog. Kaya heto ako ngayon, nagba-blog na lang.

Sa kabuuan, hindi naging masaya ang reunion naming magkakaklase. Merong mga good and bad moments na nangyari. Nainis lang ako sa bwakanang inang iyang mga so-called classmates ko! Ang aarte, mga kala mo kung sino na! Grrr...

Ganito yon. So tinext nga ako ni Rico at nagkita na lang kami sa may likod ng university kung saan may "pumping scene" akong nakita. Tapos nun, may dinaanan pa kami kasi 8:00 PM pa naman ang kitakits na iyon. So, kumain muna kami kasi 6:00 PM pa lang naman. It's friday and I know na matraffic sa pupuntahan namin kami ok lang na hindi kami masyadong magmadali. Tapos nun ay excited na kaming nagbiyahe patungo sa Figaro sa may baywalk.

Totoong mahaba nga ang biyahe. 8:45 PM na kami nakarating sa malapit sa Figaro Cafe sa may baywalk. Siyempre nag-alala kami ni Rico dahil 8pm nga ang usapan di ba? Late na kami kung tutuusin. (Eto na... dito na nagsimulang umiinit ang ulo ko!) Pero ang mga bwakanang inang mga kaklase ko yan, OO! Late na nga kami, TOOTHPICK NG INA YAN! Eh, mas late pa sila! Kung dumating ang mga bwakanang ina eh paisa-isa! Ang pinakahuling dumating eh around 11:00 PM na! Is this their idea of 8:00 PM! Toothpick ng ina yan, OO! Sayang ang oras ko! Eh di sana nanonood na lang ako ng DVD which is my habit every friday night!

Hindi pa doon natatapos ang pagkairita ko sa kanila. Mga toothpick ng ina yan. Inglesan ng inglesan! Tama nga si cofibean sa mga sinasabi niya tungkol sa mga call center agents! Ingles ng ingles, mga orcs naman! Bwiset! Yung mga ingles ng ingles na ma orcs na so-called classmates ko eh nagtatrabaho daw sa call center sa ortigas, makati at the fort! Nung tanungin ko sila kung anong course ang kinuha nila, pucha na yan... mga undergrad naman pala! Buti na lang at matatapos na ako sa aking pag-aaral! And I'm proud of what I have reached in my studies! Hindi man ako kumikita ng malaki gaya nila, makakapagtapos naman ako! Shet kayo!

Hindi pa tapos! Matapos mahintay ang kahuli-hulihang dumating ng mga bandang 11:00 PM, hindi sila makadesisyon kung saan talaga kami mag-i-stay. "Dun na lang sa CCP!" sabi nung isa. "Malate na lang tayo!" hirit naman nung isa. "Hindi sa may Timog na lang" (from Manila to QC? Grabe!) Wow! What a very organized event! Meeting place lang pala yung Figaro sa may baywalk! Mga bwakanang inang yan, OO! Naramdaman kong umakyat ang dugo sa may ulo ko. Pero agad ko itong tinimpi. Hinga. Hinga. Hinga.

Hanggang sa napagdesisyunan na namin na sa may Tia Maria's na lang kami magtungo!

(itutuloy...)

Numerology at reunion madness

Friday, December 08, 2006 | | 6 comments |

Pumuslit lang muna ako dito sa internet cafe para lang mag-blog. Nakakatamad kasi yung subject ko ngayong oras na ito. Hindi naman ako pansinin kasi ako nga si TOOTHPICK di ba? Magaling ako sa pag-cut ng klase kung talagang gugustuhin ko. Pero hindi ko naman ito lagi ginagawa kasi alam kong sayang naman ang pinangpapaaral sa akin ng aking mga magulang. Minsan lang siguro, at kung may mga pagkakataon. Siguro ngayong academic year na ito, pangatlong beses ko pa lang ito ginawa... at ito na nga yung pangatlo! Marahil ito na yata ang ugali kong nakuha at naidala ko mula nung nag-aaral pa ako sa elementarya hanggang sa pagtungtong ko ng kolehiyo.

Anyway, nag-text sa akin kanina si Rico. Si Rico nga pala ay kaklase ko mula nung elementary. Sobrang tagal na pala ng pagsasama namin bilang magkaibigan. Mula pa noon hanggang ngayon ay magkasama na kami. Palibhasa number 10 tumapat yung birthday niya. May nakapagsabi kasi sa akin na kapag number 10 daw ang number ng birthday mo gusto mo daw laging may kasama. Ayaw mo ng nag-iisa parati sa kahit saanmang lakad. Ganyan si Rico, mahilig magpasama — sa registration, sa enrollment, sa banyo (kala mo babae!), hanggang sa pagpasok dito sa university — mula noon hanggang ngayon, hindi din siya nagbago! Toothpick ng ina yan, OO! Buong buhay ba niya ako makakasama? I don't like the idea of that! It's so BROKEBACK MOUNTAIN-ISH... Eeew...

Anyway, kaya nga pala siya nag-text ay dahil may reunion daw kaming magkakaklase nung elementary. Sa may baywalk daw ang meeting place. Toothpick ng ina yan! Bakit ngayon niya lang sinabi? Bakit ngayon lang siya nagtext? Pambihirang nilalang, OO! Paano kung may lakad ako? Paano kung madami akong assignments? Paano? Paano?

Buti na lang wala! Thank God it's friday! It's gimik day by the way! Woohoo! Magpapaalam ba ako sa amin? Magtetext ba ako kay mama? Tatawag ba ako sa opisina ni papa? Ano? Ano? Bahala na si batman at ang kampon ng dilim! Toothpick ng ina yan, OO! Bahala sila! Malaki na ako at gusto ko munang magdesisyon sa aking sarili kahit sa araw lang na ito. Buong buhay ko sumusunod ako sa kanila. This time, ako naman ang masusunod! Wala naman silang dapat alalahanin dahil nasa mabuti namang kalagayan ang kanilang unico hijo!

Excited na ako! Ilang oras na lang at magkikita-kita na kami sa may baywalk ng aking mga grade school friends at classmates. Ano na kaya ang mga hitsura nila? May mga anak na kaya yung iba sa kanila? Nag-aaral pa ba sila o nagtatrabaho na? May boobs na kaya si Grace, yung classmate kong maliit ang dibdib? Ang daming mga katanungan, pero ang lahat ng iyan ay masasagot lamang mamaya.

Lagot ako kay papa nito... gagastusin ko muna yung binigay niya sa aking allowance for next week. Ok lang kasi may savings pa naman ako, nasa bahay nga lang. Nga pala, bago ako magpunat dito sa internet cafe, dumaan ako sa may likod ng university, may nakita akong "pumping scene"... sa may poso!

Nababaliw... namamanyak

Wednesday, December 06, 2006 | | 8 comments |

Medyo sumaya ang klase namin kanina sa prof naming si Atty. No Case. Pano ba naman, wala siyang ginawa kanina kundi ang magkwento tungkol sa nangyaring exclusion kay Miriam Defensor Santiago sa short list ng mga nominees for Cheap Justice. Well, natatawa rin ako talaga. There was a debate whether the exclusion of Miriam Defensor Santiago from the list of Cheap Justice “hopefools” had anything to do with the Judicial and Bar Council alledged ‘partisanship.’ Sa tingin ko, oo. Epal si Miriam para sa mga taga council. Isa pa outsider siya and an obvious ally ng administration. Legally, walang problema dahil lahat naman ng qualification ay na-meet ni Miriam. Maliban lang na talagang epal siya para sa mga taga council, nyahahaha! Ano naman ang magagawa niya? Nomination is not based on grade. Although certain requirements should be met, to be nominated for Cheap Justice is to be voted by the council. The bottom line is, nomination is cooked and served by the JBC. Malamang hindi masarap na putahe si Miriam kaya hindi na inihain. Nyahaha! At dahil bilog ang buwan ng mangyari iyun, nagkaroon na naman ng mga atungal na kadalasa’y naririnig natin sa mga institusyon ng mga baliw. Nyahahaha!

Nga pala, madalas kong mahuli si Atty. No Case na tingin ng tingin kay Janine, yung magandang crush ko na may anak na. Toothpick ng ina, kita ko talaga nakatingin pa sa binti ni Janine. Pano ko nakita? Eh kasi pati ako napapatingin sa binti ni Janine nyahahaha!

Charity Works

Sunday, December 03, 2006 | | 9 comments |

Maaning-aning si Mama kanina sa pag-aayos ng mga damit na ipapadala dun sa nasalanta ng Typhoon Reming. Pati ako nasigawan. Ang bagal ko raw kumilos. Ang lamya-lamya ko raw. Sino bang hindi tatamarin kung bigla kang gigisingin ng mga alas 5AM para pagbuhatin ng mga damit? Dapat raw nasa Bicol daw agad yun ng mga tanghali, kasi raw baka maunahan sila ng isa pang charity groups na magpapadala rin dun. Toothpick ng ina, the hell? Ano ba yun, paunahan? Pati ako naaaning kay Mama. Tapos nakita ko pa yung isa kong t-shirt na hindi ko pa sinusuot. Toothpick, kakabili ko lang ng oxygen shirt na yun, may tag price pa nga eh, tapos nakita ko dun sa mga ibibigay ni Mama. Siyempre kinuha ko. Marami akong mga damit na used na at pwede kong ibigay, wag naman yung hindi ko pa nasusuot. Sabi ni Mama, bibigyan na lang daw niya uli ako ng pera pambili. Kailangan daw mga bago para maimpress yung mga taga NDCC (National Disaster Coordinating Council). Kakahiya naman daw sa kakilala niyang Colonel na coordinator dun kung puro luma na yung mga ibibigay niya. Hah? Ano raw? Napailing na lang ako. Bahala siya, tutal ibibili naman niya ako ng bago. Di ko alam kung anong nasa utak ni Mama. Ang alam ko lang, wala sa puso niya yung mga charity works na yan. I'm sure kung nandun siya sa Bicol, todo ang picture-taking niyan.