Typhoon madness

Thursday, November 30, 2006 | | 5 comments |

Muntik ko nang maibuga sa harapan nina Mama yung soup na kinakain ko kaninang nag-aalmusal kami nang sabihin nilang plano nilang kunin yung anak ng labandera namin para maging katulong dito sa bahay. Buti naisara ko agad ang bunganga ko. Kasi naman... Hindi yung planong pagkuha ng katulong yung ikinagulat ko. Ang ikinagulat ko eh yung plano nilang gawing katulong yung anak ni Aling Leti. Nakita ko na yun, noong highschool pa lang ako. Toothpick ng ina, hindi naman mukhang katulong yun eh. Mukha ngang muse yun sa school. Sa puti at ganda, hindi mo akalain anak lang ng katulong yun. Baka yun pa ang pagsilbihan ni Bakekang. Eh tapos dalaga na ngayon yun. Nakakailang. Pero sympre dahil maganda, parang may "kumikiliti" sa akin. Matutuwa ba ko o ano? Medyo nakahinga rin naman ako ng maluwag nang sabihin ni Mama na "maglalaba," "magpaplantsa," at "maglilinis lang" ng sala namin yung babae. Pumapasok din daw kasi sa school yun tuwing hapon. Nung tinanong ko sina Mama kung ilang taon na yun, biglang nagkatinginan yung dalawa at parang napaisip ng malalim. 19 daw. 19 at maganda at magiging katulong namin. Aatakihin yata ako. Anyway, plano lang yun. Baka magbago pa isip nina Mama.

Buti at nakapagpahinga ngayon. Hindi kaya exaggerated ang Malacañang nang sabihing walang pasok ngayon? Kasi naman, maggagabi na pero hindi pa rin pumapatak ang ulan. Hindi rin malakas ang hangin. Pero signal no. 2 na raw. Pero ayos na rin, at least makakapagpahinga rin. Movie marathon uli ako mamaya. Ayaw ko munang isipin ang mga librong babasahin ko at baka mabadtrip na naman ako. Pwedeng family day bukas kasi bukod sa holiday eh may bagyo pa. Usually kasi, kahit holiday pa yan, pumapasok pa rin sina Mama at Papa. Toothpick ng ina, ano sila, call center? Ewan ko na lang kung pumasok pa sila bukas.

Nagtext din sa kin si Jimi kanina. Ang init daw ng ulo lagi ni Gwen. Hindi raw kaya buntis yun? Abah malay ko, sabi ko. Anong alam ko dyan? Ni GF nga wala pa ko eh. Madalas daw silang mag-away ngayon kasi itong si Gwen labas ng labas at kung san-san rumarampa na akala mo eh dalaga pa rin. Yan na nga ba ang sinasabi ko kapag nag-asawa ng biglaan. Hirap na hirap na raw siya sa pag-uugali ni Gwen at bibigyan na raw niya ito ng ultimatum. Wala akong maiadvice masyado kay Jimi kasi wala pa kong alam sa mga ganyang relationship. So magtiis muna siya kay Gwen. Ang problema niyan, ASAWA na niya si Gwen. Kung aabot sila sa puntong magkakaroon sila ng annullment, sana eh wala pa silang anak. Kawawa naman yung bata kung ganun.

Virtual GF

Tuesday, November 28, 2006 | | 5 comments |

Nakakatuwa naman kung bakit naisipan kong magblog ngayong umaga, samantalang dapat ay matulog pa ko dahil mag-aalas tres na yata ako nakatulog kanina gawa ng hinayupak na libro na pinabasa uli sa amin ni Miss Tapia. 468 pages in one night. Toothpick ng ina, pol sci student pa lang ako, eh pano pa kaya kung law na? Kaya ko kayang maging abugago tulad ni Papa? Oh talagang ginagago lang kami ni Miss Tapia? Anyway, hindi yun ang dahilan kung bakit ako nagising at napablog. Ang may salarin kung bakit ako nagising ay itong text message galing sa SUN:

Shhh...wag kang maingay. Hinahanap nila ako! Ikaw ang pinili ko, kaya sana payag kang ako ang maging virtual BF or GF mo! Sagutin mo na ako. Text BF or GF to 2346 na!!

Toothpick di ko alam kung matatawa ako o maaasar sa bagong pakulo na naman ng SUN. Eh pucha parang nang-iinsulto eh, parang alam na wala akong GF. Pero parang napaisip ako. Toothpick ng ina! Pagkakataon ko nang magka-GF dito hahahaha! Virtual GF, toothpick ng ina! Pero parang napakadesperado naman ng taong kakagat sa ganitong pakulo. Kalokohan. Akala siguro ng SUN na to eh hindi na ko magkakagirlfriend. Puwes itaga mo sa bato! Bago ako grumadweyt may GF na ko!

Log out na ko at baka makatulog pa. Bukas na bukas din itatapon ko na 'tong simcard na to.

Angels brought to you by

Thursday, November 23, 2006 | | 6 comments |

Nakatanggap ako ng email mula kay yatot ngayon lang. Ito ay tungkol sa totoong photoshoot ni Angelica Panganiban before the actual photoshoped Ginebra San Miguel Calendar Poster niya ay lumabas at talaga namang nagkalat sa net. Pero nakalagay dun sa e-mail nya na post at your own risk! Gusto nya lang sigurong i-share sa akin ang mga photos na iyon. Medyo kakaiba talaga. Bwakanang inang iyan oo! Ang masasabi ko lang ay talagang napakagaling na nating mga Pilipino ngayon lalung-lalo na pagdating sa larangan ng computer!

Anyway, sabi nga ni yatot, POST AT YOUR OWN RISK! Toothpick ng inang iyan! Ang hirap magdesisyon. Naaawa kasi ako kay Angelica Panganiban dito sa hitsura niya sa mga photos before nung photoshoped calendar. Kung nakikita ninyo lang sana yung mga photos na ito, as in, sobrang laki ng pinagkaiba sa actual photoshoped calendar! Let me emphasize nga ung photoshoped calendar! Bwakanang inang iyan, OO! Kasi naman talagang nakakadismaya o nakakahiya para kay Angelica Panganiban ang gawin iyon! Hindi na iyon katawan niya, "for crying out loud!" (Tama ba yung gamit ko ng expression?)

Nadistract tuloy ako dito sa ginagawa kong research! Toothpick ng inang iyan! Ang hirap kayang mag-aral ng mga batas at kung anu-anong mga bagay tungkol dito! Tapos once na nadistract ka na, ang hirap na kayang makabalik. Itong Angelica Panganiban naman talaga, OO! Grrr...

Hindi ko alam kung kailangan ko pang ipakita yung mga picture ni Angelica Panganiban dito. Hindi ko na lang ipopost. Mag-iiwan na lang ako ng mga link sa kung saan mang mga salita dito sa entry kong ito. Madali ninyo naman siguro mahahanap ang mga links dahil iilan lang naman iyon at saka malamang ay may kulay iyon o yung kakaiba ang kulay sa lahat! At para sa kasiyahan ng marami, mag-iiwan ako ng isang laro! Hanapin ang nakakadismayang mga larawan ni Angelica Panganiban sa loob ng aking entry na ito! Mag-enjoy sa paghahanap yung mga "perverts" dyan! Toothpick ng ina kayo! Magbago na kayo! Perverts!

Lumiliit na mundo

Wednesday, November 22, 2006 | | 7 comments |

Sinasamantala ko ang pagiging libre ko ngayong oras na to sa pagboblog. Nandito ako sa school ngayon at 30 minutes na lang ay lalarga na kami papuntang Makati dahil sa research namin. Toothpick, sana lang ay may maabutan pa kami. Paunti na nang paunti ang mga libreng oras ko dahil sa pagbabasa at paggawa ng mga research papers. Minsan nadedemonyo na kong magpagawa ng mga research sa mga websites na gumagawa ng ganun. Kung magpagawa ng mga research tong mga hinayupak na professors namin eh akala mo sa kanila lang umiikot ang mundo namin. Feeling ko magsusuper saiyans na naman ako. Kanina nga eh naasar ako sa mga junior pol sci students sa'men dahil nakikita ko silang pa-easy easy lang. Sige, magpakasaya kayo hangga't pwede pa. Ang nakakaasar pa niyan, wala man lang kasupo-suporta si Papa sa mga ginagawa ko, samantalang siya ang nakaranas ng mga ganito. Toothpick ng ina, tapos ang lakas ng loob na pilitin akong mag-abugago tulad niya.

May nagtext nga pala kagabi sa 'kin habang nagbabasa ako ng libro tungkol sa administrative law. "hi,cn u b my txtm8." (sigh). Ang corny naman nito. Tinanong ko, "hu u?how did u gt my #?" Nagreply siya, "wla lang.random lng.so cn we b txm8?" Hindi ko alam, pero siguro dahil mainit na rin ulo ko dahil naistorbo ang pagbabasa ko, napareply ako ng "get lost.dnt hve tym 4 silly games.find a playm8 smewhere else"

Masama ba ko? Usually, hindi naman ako ganun eh. Masyado lang talaga akong abala nun at yung mga ganung tipo ng text eh hindi ko mabibigyan ng panahon. Buti nga nagreply pa ko eh. Hahaha. At saka hindi ako naniniwala sa mga ganung "random" dialling para lang makakuha ng textmate. Ang babaw. Kung sino man yun, ang babaw.

Speaking of text, eto si Mama kakatext lang. Tinatanong kung anong oras ako uuwi at magluluto raw siya ng dinner. Shocks. Hindi kaya impostor yung nagtext sa kin? Di ko na matandaan kung kailan yung huling nagluto si Mama ng hapunan. Elementary or highschool? Di ko na maalala. Tatawagan ko na lang siya mamaya at baka hindi si Mama yun.

Okay, time's up for me. Log out na ko.

Namakyaw na naman si Pacquiao

Monday, November 20, 2006 | | 9 comments |

That was quick, brutal and definitive. Sapat na siguro ang ginawa ni Manny "Pacman" Pacquiao kay Erik "El Terible" Morales para siya ay tanghaling no. 1 pound for pound boxer in the world today. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng Ring Talk ngayon kay Pacquiao. Hindi naman ako makapagcomment dun dahil na-banned ako simula ng murahin ko ang isang Mexican shithead na walang ginawa kundi ang gaguhin ang lahing Pinoy. Malamang nandun na naman siya at nambuburaot sa mga fans ni Pacquiao.

Biruin mo nga naman ang nagagawa ng laban ni Pacquiao. Hindi na umalis si Papa papunta run sa meeting kuno niya. At si Mama hindi na rin umalis papuntang Muñoz para dun sa mga charity works kuno niya. Pero ang tingin ko kinansel na rin nila ang meeting dahil nga sa "Grand Finale." Naging holiday na naman sa Pinas sa loob ng ilang oras. Parang apektado na yata ng laban ang utak ng mga Pinoy, pati yung isang Filipino Catholic Bishop eh nagsabing okay lang daw pumusta sa laban ni Pacquiao dahil katuwaan lang naman daw. Hahaha! Eh di i-legalize na ang Jueteng, katuwaan lang naman din yun sa iba eh, di ba? And speaking of sugal, toothpick ng ina, nakakainit ng ulo ng makakita ako ng "halimaw" sa ring pagkatapos ng laban ni Pacquiao. Kapalmuks talaga, bakit pinaakyat ng mga security guard ng Wynn Hotel ang halimaw na ito? Pihadong panalo na naman ng milyones sa pustahan ang hinayupak.

Million dollars na naman ang kinita ni Pacquiao. Kung nakita nyo lang sa TV ang bagong bahay ng dating panaderong ito na malapit nang matapos sa General Santos City, mapapa-"wow" ka sa inggit. P35 million pesos daw ang halaga nito. Gumastos sina Papa ng almost P2+ million daw sa three-bedroom house namin nung natapos ito noong 1996. Maganda na 'to. So papano pa kaya yung 35 million? Malamang palasyo na yun. Hmmm... napapag-isip ako nito ah. Baka may B.A. in Boxing sa university namin, makapag-inquire nga, hehehe.

Maraming katanungan sa buhay na hindi ko masagot

Saturday, November 18, 2006 | | 13 comments |

Bakit si Mama at Papa ang magulang ko? Bakit kailangang pikutin ni Gwen si Jimi? Bakit hindi na lang magresign ang mga professors na kagaya ni Sir Juan Tamad at Miss Tapia? Bakit hindi ako ang sinagot ni Nikki noon? Bakit tanga ang mga tao pagdating sa pag-ibig? Bakit hindi ko siya makalimutan kahit na sinaktan niya ako? AT BAKIT WALA PA RIN AKONG GIRLFRIEND?
Ewan!
Eto naman ang mga tanong ng mga pilosopo kong kakilala:
• Pwede bang uminom ng softdrinks kapag coffee break?
• Pang-bathroom lang ba ang bathroom tissue?
• Bakit pula ang tawag sa egg yolk samantalang color yellow naman yon?
• Bakit ang rugby ang hindi dumidikit sa bote nya pero kaya naman niyang pagdikitin ang bote?
• Ang century egg ba 100 years bago magawa?

May nakakaalam ba ng sagot sa mga katanungan ito?

May mga mapapalad talaga sa pag-ibig

Wednesday, November 15, 2006 | | 10 comments |

Parang kakanin na nilanggam ang bagong classmate naming si Janine kanina sa research. Wow naman kasi ang ganda. Tumahimik lahat nung pumasok siya sa room namin. Taas ng kilay agad ang bruhang si Effy. Napatitig kami lahat. Pinaghalong Bubbles Paraiso at Iya Villania ang itsura, as in. In a second, nakalimutan ko si Nikki. Tinanong niya kung ito raw ba yung klase ni Att. No Case. Napa-oo agad yung mga nasa unahan ng pinto. At yun na nga, since wala pa'ng prof namin, pinaligiran agad siya ng mga presko, manyak at babaero naming classmates. Napapatingin lang ako, maganda talaga kasi eh. Another irregular student who appeared out of nowhere. Nagkaroon ng kwentuhan, at pagkatapos ng ilang minuto eh unti-unti ring nag-alisan sa pagkakakumpol yung mga kumag. Lumapit si Eric at binulungan ako, "Twenty-three. Pero may anak na, tol."

Ay ganon? Ewan. Parang nanghinayang ako. Pero hindi halata na may anak na yun, sa totoo lang. Siyempre kung may anak na, malamang may asawa na rin. Swerte naman ng asawa nito. Sadyang may mga ipinanganak na mapalad sa pag-ibig...

Di dumating si Atty. No Case. Baka may "hearing" na naman. Kaya wala pang 12pm ay uwian na agad. Nakita ko si Janine na lumabas na rin. Hindi naman siguro masamang magkacrush sa kanya noh? Haaay...

Napapasarap ang kwento ko ah. Gawa muna ako ng report sa Legal Science. Dudugo na naman ang ilong ko nito. Wala pa rin sina Papa at Mama. Mukhang magbubukas na naman ako ng de-lata. (sigh)

Mga Pahirap sa Buhay

Monday, November 13, 2006 | | 16 comments |

Nararamdaman ko na ang bigat ng mundo ngayon pa lang. Di pa ko tapos sa nireresearch ko sa isang law firm at eto biglang pumapapel na naman sa eksena ang teaching machine na si Miss Tapia. Feeling ko nung Sabado sasabog ang utak ko sa kung anu-anong terms and explanation na binato niya sa 'min like sa Law on Obligations and Contracts. Di pa nga namin pinag-aaralan ang validity of contracts tapos biglang dadaldalan ka ng tungkol sa unilateral at bilateral contracts ek-ek with all these authors and books na hindi namin alam kung saang library hahagilapin. Buti na lang at isang subject lang kami every Saturday.

Pagkatapos ng klase, kinontak ko ang barkada kung merong gimik. Toothpick ng ina! Meron nga! Pero hindi ako kasama! May kanya-kanyang lakad ang mga mokong. Si Alex, kasama ang pinsan at pupuntahan raw yung Uncle nilang may sakit. Si Rico, may lakad kasama ng ibang set of friends from college na puro mga babae. Swerte ng kumag. Si Bong naman ay may ka-SEB raw (swimming eyeball ungas!) at sa private resort daw somewhere in Antipolo. Pinapasama ako pero ano naman ang gagawin ko dun at sinong kilala ko dun? Marami raw chix at siguradong naka-bathing suit daw. His "hornyness" knows no bound. Di na ko magtataka kung sumunod yan kay Jimi na ngayon eh madalas text ng text sken at nasasakal na raw kay Gwen. Too bad.

Ano kayang status ko ngayon kung girlfriend ko si Nikki? Malamang baka mabaliw ako dahil maraming nanliligaw dun. It could get rough. Ewan ko ba, di sa pagmamayabang pero marami namang nagsasabing gwapo ako at may appeal, pero di ko alam kung bakit parang wala akong tiwala sa sarili pagdating sa ganyang bagay. Nikki... grr... naaasar ako sa'yo! Tapos parang gagamitin mo pa ko para magselos ang asshole mong boyfriend! Hindi lahat makokontrol mo! Magsama kayo! Toothpick ng ina! Sumama ka na rin Miss Tapia! Toothpick ng ina kayo!!! Pahirap kayo sa buhay ko!

Third Day High!

Thursday, November 09, 2006 | | 4 comments |

Nasasabik sa ikatlong araw ng eskuwela...

Bakit first day lang ba ng school ang may "high"? Actually hassle ang linggong ito! Nakakainis kasi na for the 4th consecutive year, kaklase ko na naman si EFFY, as in EPIFANIA! Hahahaha... Effy-Effy ka pa dyan, eh ang pangit naman ng buwakananginang pangalan mo! Ang baho!

Anyway, si Effy ay isang LIVE HUMAN SARCASM! Bawat sabihin nyang mga salita, bawat boses na lumalabas sa kanyang bunganga ay puno ng tuya o sarcasm nga sa ingles! Siguro sa ibang entry ko na lamang isusulat ang kayang pagiging LHS o LIVE HUMAN SARCASM! TOOTHPICK NG INANG IYAN! Basta ang hirap iexplain!

Anyway, si Effy ay hindi mo aakalaing isang LIVE HUMAN SARCASM! Kasi maganda siya, proportioned ang katawan, sexy ika nga, long hair, makinis ang face at hayop ang tindig at porma. In short, the perfect lady! Pero ang hindi alam ng lahat, may magaspang siyang pag-uugali. Actually campus crush nga siya e, pero kaming mga blockmates nya ang walang gusto sa kanya. Bwakanangina iyan, oo! (Don't you dare mess up with me cause I'll end up EFFY-ing you!)

Pero hindi pa yan ang hassle. Ang hassle eh nung narinig ko si Effy na ipinagmamalaki nya yung pagigi nyang "filthy rich". At dahil "filthy rich" siya nakabili siya ng DVD (na hindi daw pirated kundi copied from the original) ng paborito kong palabas nung batang-bata pa ako... yung SHAIDER!

Toothpick ng ina yan! Ang tagal ko na kayang naghahanap ng dvd ng SHAIDER! Bigla ko tuloy namiss si Annie at kanyang maalindog na ngiti at puting panty! Haay... Eh di ba nga inis ako kay Effy, pero dahil sa yung Shaider na yung pinag-uusapan dito, nagpaka-plastic muna ako! Lumapit ako sa kanya at nakiusap na bilhan naman ako ng Shaider at babayaran ko na lamang siya afterwards. Toothpick ng ina yan! Para akong asong naglalambing sa kanyang amo! Bwiset!

Last Tuesday nga nangyari iyon. Kaya nung araw na iyon behaved ako sa kanya, as in maghapon! At kanina nga nakuha ko na yung copied-from-the-original-DVD ko ng SHAIDER! Bwahahaha.... At dahil nakuha ko na, back to normal na ulit ang lahat! Galit na ulit ako sa kanya! Bwakanang inang iyan! Manigas siya noh! Hindi ako magpapakabait ng husto para lang sa kanya! Baguhin niya muna ang ugali niya. Anyway, excited na akong panoorin ang complete copied-from-the-original-dvd ko ng SHAIDER! Annie here I cum, este come!

May oras sila sa 'kin!

Wednesday, November 08, 2006 | | 8 comments |

Kanina, nagpaalam ako kung pwede kong gamitin ang nag-iisa naming sasakyan, yung Honda Civic, dahil out of town si Papa at may raket na naman yata. Hindi ako pinayagan ni Mama. Gagamitin daw nya yung sasakyan. Normally, sumasabay si Mama kay Papa sa sasakyan dahil magkalapit lang naman yung office nila. Marunong magmaneho si Mama, pero dati kahit hindi ginagamit ni Papa yung sasakyan eh nagko-commute na lang siya. Nitong mga nakaraang buwan, o taon siguro, napapadalas na yung gamit niya sa kotse. Sinabi ko na ako na lang ang gagamit ng kotse at ako na rin ang maghahatid at magsusundo sa kanya dahil may kailangan lang akong puntahan sa isang law firm sa Makati. Sabi niya wag na raw at kailangan niya talaga yung kotse. Tinanong ko kung bakit. Sabi niya "for charity works" daw. Charity what?!

Nagmember daw siya ng isang charity organization dati pa at ngayon lang daw siya magiging active uli. At kelan pa siya nagkaroon ng oras sa mga ganun? Toothpick, don't get me wrong. I have nothing against charities and all these samaritan works. The thing is, kung sa akin nga wala siyang oras, dun pa kaya? Charity begins at home, diba? Ang nakapagtataka lang eh nagkakaroon lang siya ng oras kapag nagagamit ang sasakyan o kapag wala si Papa. Weird.

Nagsimula na ang kalbaryo namin sa research, a.k.a thesis. Maghahalo na naman ang balat sa tinalupan. At dahil si Prof. Fussy (as in mabusisi siya) ang may hawak sa 'min, matinding pagsusunog na naman ng kilay ang mangyayari nito. At may isa pa kong subject na mukhang mahirap. Samahan pa ng isang nakapanggigigil na prof. Magtrip kaya ako? Ibagsak ko kayo mga 'to? Utut! Sayang din naman yung mga pinagsasabi ni Rousseau at Locke kung wala akong diploma. Sayang ang tuition. At saka kawawa naman parents ko kung bagsak ako, mapapahiya sa mga kakilala nila. Sabihin pa nila eh hindi marunong magpalaki ng anak ang parents ko. Sabihin pa nila eh walang oras ang mga magulang ko sa ken kaya ako nagloko. Hindi naman totoo, diba?

Second Sem Na!

Tuesday, November 07, 2006 | | 1 comments |

Pasukan na naman! Okay na sana ang last sem ko kung hindi sana napakasaya ng mga instructors ko ngayong sem. Hindi naman sila lahat pero naipon na ata ngayong sem ang worst professors.

Si Miss Tapia feeling nya eh klase nya lang ang pinapasukan ko. Aba! Isang chapter na agad ang pinababasa at may reaction paper pang pinagagawa. Si Sir Juan Tamad, as usual, tamad pa rin. Reporting na naman ng buong sem kagaya nung lst time na naging teacher ko siya. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang nakakatuwa. Si Miss Tapia na sobrang sipag o si Juan Tamad na hindi nagdidiscuss ng lessons. At ang pinakamalupit, si Atty. No Case! Sabi nila, sobrang bookish daw nito. Word per word ng sinabi nya lang ang tamang sagot. Pati opinion mo mali. Saan ka naman nakakita ng ganyan? Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa siya naalis dito sa university kahit sobrang dami nang nagrereklamo sa kanya. Buti na lang at absent siya nung Monday.

Buti pa yung bago naming prof. Fresh graduate daw siya ng MA. Mukhang mabait pero sabi nga nila, looks can be deceiving. Baka mamaya, nagpapanggap lang itong anghel. Pero promise ang ganda nya. Kaya naman hindi ako inantok sa klase nya. Yun nga lang, hindi ko naintindihan ang mga pinagsasabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagdidiscuss siya. Hay! Sana Thursday na ulit!

What if...

Monday, November 06, 2006 | | 7 comments |

When I was a kid I used to ask my parents when I was going to have a sibling. The answer was always a resounding “soon, anak, soon.” Ganoon lagi. Di ko sila tinantanan ng kakatanong, palibhasa batang makulit na gustong magkaroon ng kapatid. Yung madalas ay naging minsan; yung mga buwan ay naging taon — umabot rin ng halos isang dekada ang pagtatanong ko kung kelan ako magkakaroon ng kapatid. Eventually, I got tired. Dalawa lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit wala akong kapatid eh. Hindi dahil may sakit ang magulang ko. Hindi dahil maselan ang pagbubuntis ni Mama; hindi rin dahil wala nang ibubuga si Papa (yun pa! tingin ko nga may babae yun eh...). Sa lahat ng mga walang kwentang excuses na pwedeng ibato sa hindi pag-aanak, eto ang lalong nakakainis...

1) BUSY KASI SILA KAYA HINDI MAGKAANAK.
2) O TALAGANG WALA SILANG BALAK NA MAG-ANAK PA.

Nakakalungkot. Tingin ko, para silang mga makina. Mga tau-tauhan ng isang walang pakiramdam na lipunan. Well, hindi naman totally na malungkot ang childhood ko. Kahit paano, lumabas din kami kahit paminsan-minsan noong bata pa ko (may ibang memories din ako sa Star City). Nagkaroon din ako ng mga party. Yun nga lang laging nandun yung mga kumpare ni Papa at yung mga sosi na kachokaran ni Mama. Okay lang naman yun. Maliban lang na mas marami pang bisitang matanda kaysa bata. Toothpick, diba?! I just thought...what if I had a brother or a sister? Magiging “mas okay” kaya ang buhay ko?

Hindi rin siguro. Kung ganito ang style nina Papa, wag na lang din siguro. At baka maging gago lang ang magiging kapatid ko. Kung lalaki, magiging addict. Kung babae, dalagita pa lang pakawala na. At syempre, sino pa ba ang masisisi kung ganoon ang nangyari? Eh di magulang. Pasalamat nga sila sa ken dahil hindi ako gago. Hindi ako nagloko. At wala akong bisyo.

Di ko lang alam kung hanggang kelan. Pumuputok din ang bulkan pagkalipas ng ilang taong pagtulog, diba?

To the or not to the... that is the damn stupid question!

Friday, November 03, 2006 | | 6 comments |

Sa mga maganda ang naging umaga, magandang araw. Sa mga pangit ang naging umaga tulad ko, well, malas natin. Paggising ko kaninang umaga ay sinalubong ako ng umaalingawngaw na bahay. Haha. Since wala na namang tao sa bahay at ang pangit naman magmukhang domestic ako, lumabas ako para maglakad-lakad. Anak ng toothpick, malay ko bang umuusok ang daan sa init?! Pati tsinelas ko yata sunog ang ilalim! Sumilong kaagad ako sa may tindahan at bumili ng softdrinks. Napagalitan pa ko nung tindera dahil umagang-umaga raw eh softdrinks kaagad. Pakialam ba nya! Toothpick ng inang yan! Pakialamera! Buti nga bumili pa ko eh. Bihira lang nga ako bumili sa kanya, tapos pinagalitan pa ko. Bwiset!

Anyway, habang nagmumuni-muni ako dun tungkol sa buhay-buhay at pinapanood yung tindera magcalculator para mabigyan ako ng sukli (3 piso lang sukli ko), eh nilapitan ako ng isa pa naming kapitbahay. Hindi ko siya masyadong kilala. Ang alam ko lang ay pang-apat na niyang anak yung kasama niya sa tindahan. Sayang, bata pa naman siya. Late 20’s pa lang ata tapos apat na ang anak! (Laspag na laspag na ito, bwehehehe!) Binati ako by my first name. Wow! Kilala niya pala ako. Iba na talaga ang kilabot ng barangay!

Akala ko naman eh kung anong kailangan niya. Paano naman eh puro palabok ang sinabi. Mukha ba akong pansit? Kesyo daw ang swerte ng magulang ko (ako lang ang hindi swerte sa kanila) at ang bait ko naman at ako ang nagbabantay ng bahay di tulad ng iba (wala lang akong choice). Kulang na lang tinapa, chicharon at kalamansi pwede ng i-serve. Anyway, nalaman ko nung huli na may iniisip daw siya at dahil Pol Sci ako, baka daw masagot ko. Naguguluhan daw kasi siya sa libro ng anak niya sa school. Napaisip ako. Si Mama ko kaya ganon kaseryoso sa pagbasa ng libro ko dati? Ako nga hindi ko yata nabasa lahat ng libro ko.

Eh, anyway, sabi ko sa kanya, susubukan kong sagutin ang tanong niya. Tinanong niya sa ‘kin bakit daw ang Philippines pag isinusulat sa libro eh "The Philippines.” Pwede naman daw na “Philippines” na lang. Sabi ko kasi islands tayo kaya “The Philippine Islands.” Nung naisagot ko na, naalala ko bakit yung Indonesia hindi naman “The Indonesia.”

Hindi na ko nakasagot. Bakit nga ba kasi? Dahil dun tayo nakatira kaya dapat espesyal at merong “The”? Eh yung mga Canadian books naman hindi naman nila sinasabi na “The Canada.” Bumalik na lang ako ng bahay, iniwan ko siya dun na kinukulit yung tindera. Sabi ko na lang, hindi ako geographer at historian. Future politician ako. Kinagat yata yung excuse ko at hinayaan na ko, hahaha.

Hindi tuloy ako nakakain ng lunch kakaisip. Malala pa to sa exam ko ah! Yung exam ko, after ng time limit limot ko na. Eto, grabe baka hindi pa ko makatulog! Ang lakas ng impact sa aking pagkatao! Chineck ko pa yung mga libro ko, “The Philippines” nga nakalagay! Aba akalain mo! Buwiset na kapitbahay yan, binigyan pa ko ng problema! Sa dami ng kailangang gawin sa buhay, naisip pa niya yun?! Kumadyot na nga sya ng makailang beses tapos naisip pa nya ang ganung bagay! Toothpick naman... ang lupet! At syempre, pinasa naman niya sa kin di ba? Parang chain letter to ah, pasa-pasa lang...BAKIT NGA BA MAY “The” ANG “The Philippines?!” Kayo alam nyo ba kung bakit? Pakisagot naman ako oh!

What an "All Saints Day"

Thursday, November 02, 2006 | | 3 comments |

Teka, teka.. para matigil na ang mga kahibangan at intriga sa buhay-buhay ng mga tao sa pagilid ko, tutal blog ko naman ito and I'm entitled to whatever i'll do with it (o English yan, at hindi pulse alarm), buhay ko naman!

Well, well, well, dahil holiday kahapon at kahit hindi naman masyadong ramdam dahil wala ngang pasok, mabuhay ang mga buhay! Halloween movie marathon ako sa kwarto ko. Umalis kasi sina Mama at Papa papuntang sementeryo sa probinsiya nung 31 ng gabi. Hindi ako sumama dahil I hate long travel lalo na kung si Mama ang kasama. Nerbyoso kasi siya kaya si Papa naman e 30kph lang yata ang takbo ng sasakyan.

Okay. Buti na lang bukas ang Video City na malapit sa amin kaya nagrent ako ng VCD and DVD — Shutter (hindi ko pa kasi napapanood at maganda raw ayon sa mga nakapanood na), Identity (para kasing tumutugma yung title sa paghahanap ko ng identity ko ngayon) at siyempre ang walang kamatayang Feng Shui (na pinanood ko for the nth moment!)

Minsan matatakutin ako, minsan naman hindi. Kahapon okay naman manood kasi maliwanag naman. Kaya tatlo lang yung kinuha ko eh para hindi ako abutan ng dilim (hehe). Maganda nga ang Shutter, nakakapangilabot at mukhang ayaw ko na ring hawakan yung camera ko pagtapos. Mahilig pa man din akong kumuha ng mga pictures. Yung Identity, well, okay lang din. Pwede pa lang ganun? Multiple personality? Siguro may ganun si Gwen kaya kung anu-ano ang sinasabing panlilinlang. Stop! Tama na ang buhay ng ibang tao. The best pa rin ang Feng Shui!

I finished watching around 4pm. Hindi na rin ako nakapaglunch dahil nabusog na ako sa mga chitchiriang kinakain ko habang nagkukunwaring hindi natatakot. Sobrang gulat ko nga noong biglang bumakas yung pinto ng kwarto ko, akala ko kung ano, si Mama lang naman pala. Dumating na sila at pinagalitan pa ako dahil hindi man lang daw ako naglinis ng bahay. Aba! Malay ko ba na kailangan pa lang maglinis!?

TInanong ko sila kung bakit ang bilis nilang dumating. "Need to go to work tomorrow," sabi ni Papa. Toothpick, ang lagay pala eh hindi sila nagleave until Friday. Work, work, work. Now I know why he is a dull boy.

Sa awa ng mga santo, wala namang dumalaw sa aking mga kaluluwa at naenjoy ko talaga ang All Saints Day ng mag-isa. Bow!