A chili story

Monday, March 26, 2007 | | 9 comments |

"Manang, I crave for siomai!" Iyan ang lambing ko kahapon kay Manang, ang aming dakilang tagapagluto. Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain ng siomai, eh. Yun bang homemade. Yung luto mismo ni Manang. So, ang sabi ko sa kanya, baka pwede ba siyang (si Manang) magluto ng siomai para sa akin!

Dahil ako ay isang dakilang unico hijo, hehehe, spoil ako kay Manang. Nung gabi ding iyon, nag-ulam kami sa bahay ng siomai na may kasama pang beef wanton noodles. Ching cha wei ni feng chila sing fao ma. Kung ano man yun, feeling Chinese kasi kami kahapon! Hahaha!

Pero madaming luha, hapdi at pasakit ang aking dinanas bago ako makakain ng pinakaaasam-asam na siomai! Naging maayos naman kasi ang preparasyon ni Manang ng siomai. Maliban sa isang kakulangang ingredient sa kusina.

"Wala na palang chili sauce at toasted garlic," sabi ni Manang.
"Ganun? Paano ba ang gagawin?" tanong ko.
"Ako na lang baka magkamali ka pa. Ipag-chop mo na lang ako ng siling labuyo. Alisan mo muna ng buto ha bago mo i-chop!" sabi ni Manang.

So, ganun na nga ang ginawa ko. Hiniwa ko ang pulang siling labuyo sa gitna, inalisan ng mga buto, isa-isa, at saka chinop. Sa gitna ng aking pagchochop, may langaw na aali-aligid sa aking mukha. Hinawi ko. Ngunit sa aking paghawi, natamaan ko ang ilalim ng aking mata. Heto na naman at aali-aligid ang langaw. Malapit siya sa aking ilong. Hinawi ko ulit yung langaw. Tapos nangati yung gilid at paligid ng aking ilong.

Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng hapdi sa aking mukha. Makati, kaya lalo ko itong kinamot. Toothpick ng ina! Ang hapdi sa mukha! Tumingin agad ako sa salamin upang tingnan ang aking mukha. Mapula ang ilalim ng aking mata at gilid ng aking ilong! Toothpick ng inang iyan! Aaaahh... ang hapdi!

Dali-dali akong pumasok ng CR! Naghilamos. ngunit ayaw pa ding mawala nung kati at hapdi sa mukha ko. Tumapat ako sa electric fan upang kahit papaano ay mawala ang hapdi. Si Manang, tinatawanan na lang ako. First time ko kayang mag-chop ng pulang siling labuyo! Bwakanang ina!

Habang nakatapat sa electric fan, naramdaman ko na lang na tumulo ang aking luha. Mga tatlong patak din iyon. Nagpasirko sirko muna siya sa aking mukha bago tuluyang bumagsak! Joke. Hahaha. Maya-maya pa, basa na ang aking ilong. Sipon siguro in an instant! Kusa na lang nalalaglag ang aking mga luha at sipon! Mabuti na lang at after a few minutes, nawala din ang sakit sa aking mukha.

Ipinagpatuloy ko ang aking paghihiwa ng siling labuyo. Walang takot na hinarap muli ang mapanghamong task ni Manang sa akin! Malapit na akong matapos ng bigla kong naramdamang umihi. Maya-maya pa, para akong bulate, hindi na ako mapakali... sa hapdi ng nararamdaman ko.

Mala-Kirara ang balat, at mala-Bakekang ang ilong

Tuesday, March 20, 2007 | | 3 comments |

Tinatanong ako ng mga tukmol (Alex, Rico at Bong... at pati na rin si Bespren Bob na matagal nang di nagpaparamdam) kung maganda raw ba si Grace. Tinanong pa ko ng mga kurimaw kung anong vital statistic. Maputi? Sexy? Jackpot daw ba? Mabait? Hindi pa kasi nila nakikita. Sabi ko masungit, pangit, dabyana, garabucho ang labi, mala-Kirara ang balat at Bakekang ang ilong. Hahaha. Ang kukulit eh. Parang natatakot tuloy akong ipakilala si Grace sa kanila at baka pagnasaan pa ng mga manyak. Kilala ko ang mga barubal at alam ko ang takbo ng utak ng mga yun. Anyway, sabi ko in due time ipapakilala ko rin sa kanila. Nagsuggest si Bong, pwede raw sa birthday niya sa April. Hmm. pwede rin. The problem is baka naman nandun rin si Nikki. Pero teka, bakit ko nga ba pinoproblema yun?Maganda nga yun para makita niya na hindi na ko baliw sa kanya gaya ng dati. Baka feeling pa rin siya na gusto ko pa siya.

Ini-evaluate pa ang mga papel ko for graduation. Good thing at wala naman palang babagsak kay Miss Tapia. Nananakot lang pala ang matandang dalaga. Hay sana tuluy-tuloy na 'to. I've had it with all these pol-sci subjects. I don't know what would become of me kapag nag-law na ko.

Nga pala, hindi ko pa naitatanong uli kay Grace kung bakit medyo "ilag" siya sa tatay niya. Lawyer din yun e. Nahihiya naman akong tanungin yung tungkol sa practice niya, baka sabihin feeling close ako at nagpapalakas. Pero biglang "lumiwanag" ang mukha niya nung sabihin kong lawyer din si Papa. Hmmm... good points ba yun, ha, good points? hehe.

Ayos na eh, kaso...

| | 3 comments |

It was a beautiful Saturday afternoon. As always, namasyal kami ni Grace somewhere in the Metro. Madami kaming pinuntahan. Nag-joy ride pa nga kami sa MRT eh. Ang sarap ng feeling na wala kang kailangang itago sa mundo.

So, from our favorite mall, sumakay kami ng MRT papuntang south. Ang trip namin ay ikutin ang buong MRT at LRT line. Hahaha. Nung nakarating na kami ng EDSA Station ng MRT, bumaba kami ng tren at umakyat papunta sa LRT EDSA Station. Mula doon, sumakay kami hanggang Monumento. Yun lang ang ginawa namin. Para kaming mga sabog at nakalanghap yata ng drugs sa kakatawa sa mga pinaggagagawa namin. Maganda ang view mula sa itaas ng tren. Maganda na pala ang LRT ngayon. Tama nga si dos ocampo sa mga pictures niya. Bago kasi yung nasakyan naming LRT eh. Sa gitna kami ng dugtungan ng tren malapit sa bintana lumugar para makakita kasi kami ng view.

Ang buong akala ko, ayos na ang araw ko. Masaya na eh. Pero may isang bwakanang inang bata sa harap namin na hindi ko talaga makakalimutan. Ang sabi niya, "Kuya, kamukha mo si Justin!" Ngiti lang. Sa loob-loob ko, sino ba yung toothpick ng inang Justing iyon at kamukha ko pa! Bwiset!

Sabi ni Grace na nanggagatong pa yata, "Uy, kamukha mo daw si Justin!"
"A ok. Talaga?" sabi ko. "Sino ba iyon? Di hamak na mas guwapo ako dun!"
Tinitigan akong mabuti ni Grace. "Ano? Baket?" sabi ko. Tahimik at parang nakita ko yata siyang ngumisi.
"Si Justin, yung nasa Full House! Yung koreanovela!" sabi ni Grace.
"Eh, hindi ko naman kilala yun, hindi naman ako nanonood sa mga koreanong iyan!" magkasalubong na ang mga kilay ko dito sa inis!
"O, naiinis ka na naman... para si Justin lang eh, nagkakaganyan ka na! Hahahaha!" sabay tawa ng malakas!
"Ewan ko sa iyo!" ako.
"Hahahahaha" tawa pa ni Grace!

Dagdag pa ni Grace, "Stubborn-ness cannot be spelled without 'U'! Hahahaha! 'U' complete stubborn-ness! Hahahaha!" Ewan! Kuliiiittt! Grrrr...

Changes in my life — Mark Sherman

Friday, March 16, 2007 | | 8 comments |



I was not so happy being lonely

Living without you
So I prayed so hard for your love
In my heart I needed you
Then I looked up in the sky
And I'm thinking why oh why
These are all the many changes in my life

After all the caring and the laughter
No one else like you
I am not a preacher with a sermon
I'm so in love with you
'Cause to live without your love
Like the sun that shines above
Is the magic of the changes in my life

And I'll never forget your love
You and I
We were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes in my life

Listen to these words I want to give you
On our love so true
Don't forget I love you and I need you
I'll always be with you
So just look up in the sky
And you'll find out why oh why
These are all the many changes in my life

And I'll never forget your love
You and I
We were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes, these are all the many changes,
These are all the many changes in my life

Ang sabi ng iba, nagbabago daw talaga ang tao kapag umiibig. Ang sabi naman ng iba, nagbabago daw ang tao kapag nasasaktan. Either ways, the point is, nagbabago ang isang tao kapag naranasan na niya ang gusto niyang maranasan sa buhay. Ito ang sitwasyon ko ngayon. Grace brought out so much in me. Feeling ko, kahit 20 years old pa lang ako, I have so much maturity to give.

Bago dumating si Grace sa buhay ko, isa akong taong walang direksyon ang buhay — barkada, gimik, easy-easy sa school, madaling uminit ang ulo, palamura, at nakakakita ng mga demonyo sa paligid. Ganun ang aking buhay dati. Ngunit ito ay binago lahat ni Grace, the moment I found her dancing sa floor ng Tia Maria's last December. Three months later, naging tame na yata ako sa aking palagay. Hahaha.

Pero sabi ko nga, you can't change overnight. Kung ano ako ngayon, ay produkto ng tatlong buwang nararamdaman ko sa aking sarili. Kakaibang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Ganito ba ang feeling ng mga mature people?

Pumunta ako kina Grace bitbit ang mga katagang "Just Do It!" Wala dun si Grace, pero nandoon ang daddy niya. Kinausap ko siya. Kung ano man ang aming pinag-usapan, sa akin na lang iyon. Hehehe. Ang mahalaga sa ngayon, pwede na akong umakyat ng ligaw kay Grace. Pumayag na ang mga magulang niya. Tama nga siguro. Walang pinipiling relihiyon ang pag-ibig. Sa wakas!

(Pasensiya na po kung medyo mabagal ang pag-load ng page kasi may naka-embed na music. I just feel like embedding music eh. Hehehe. Salamat!)

Minsan pa

Tuesday, March 13, 2007 | | 4 comments |

Minsan pa, patuloy ako sa paglakad. Tumungo ako sa aming paboritong mall ni Grace. Palinga-linga. Nag-iisip. Walang tiyak na pupuntahan. Miyerkules na, tatlong araw matapos ang pagdalaw ko sa bahay nina Grace. Tatlong araw ng walang kapagurang pag-iisip. Tatlong araw na, wala pa ding kasagutan.

Binalikan ko ang madalas naming puntahan ni Grace. Baka kasi sakaling may mahanap akong sagot mula sa mga iyon. Pumunta ako ng Timezone, kung saan madalas kaming maglaro ng air hockey ni Grace matapos kumain, pampapawis ba at pampatunaw ng kinain. Hahaha. Hindi pa naman kami nagkakadeperensiya sa aming mga stomach. Ngunit wala akong nahanap na sagot. Ngiti lang ang aking nakuha.

Matapos nun, nagpunta ako sa Cinema, kung saan kami unang nanood ng sine ni Grace. Tiningnan ko ang mga posters ng mga pelikula na palabas sa sine at yung mga ipapalabas pa lamang. Ang tanging nakita ko lang, sa dinami-dami ng mga posters na nandoon ay iyong poster ng You Got Me. Malamang, kung medyo maayos pa ang aming sitwasyon ni Grace sa mga oras na ito, itong pelikulang ito ang papanoorin naming dalawa. February 28 na nga pala! Showing ngayon ito. Kahit ayoko kay Zanjoe Marudo, eh, malamang mapanood ko din siya. Dahil hindi naman magpapaawat itong si Grace sa mga ganitong movie. Favorite daw niya kasi sina Sam Milby at Toni Gonzaga! Lahat naman yata favorite nito eh! Isa na namang bagay na hindi ko matatanggihan kagaya ng ginawa na niya noon sa Blood Diamond movie ko! Hahaha.

Wala pa rin akong nakuhang kasagutan sa Cinema. Kaya bumaba ako ng department store at tumingin na lang ng mga damit. Nandoon pa din ang madalas naming tingnang display ng damit na nakasuot sa mannequin. Naalala ko tuloy kung paano namin pag-usapan ni Grace na gusto ko pa namang bilhin yung damit na nakadisplay na iyon, ngunit hindi ko magawa dahil sa tingin ko ay hindi naman bagay sa akin. Gusto ko lamang siyang bilhin. Ganun. Buntung-hininga. Iyon lang ang aking nakuha.

Hindi ko alam kung anong merong humor si God nung mga sandaling palabas na ako ng department store. Minsan hindi natin alam na ang kasagutan ay nasa tabi-tabi lamang. On the way out, nadaan ako sa store ng isang sikat na brand ng sapatos at nakita kong "Just Do It!"

Mga Katanungan

Thursday, March 08, 2007 | | 11 comments |

Don't get me wrong, naging maayos naman kasi ang pakikitungo ng mga magulang ni Grace sa akin, lalong-lalo na ang kanyang daddy. Pagkatapos ng hapunang iyon, nakayanan ko pa naman ang lahat ng mga pangyayari. Uminom pa nga ako ng kaunting tanduay na may magnolia chocolait (na napag-alaman kong "boracay" pala ang tawag) sa daddy ni Grace. Tinikman ko lang for experience. Masarap naman pala.

Sana nga nagbibiro lang ang daddy ni Grace noong mga sandaling tinatanong niya ako sa harap ng hapag. Pero hindi ko iyon nakita sa mukha niya. Mahirap kilalanin ang pagkatao ng daddy ni Grace. Nag-iiba ang pakikitungo kapag nakakainom ng alak. Kanina parang seryoso, matapang ang mukha, parang ayaw nga sa akin eh, pero nung masayaran ng alak ang lalamunan, ayun, nakuha pang makipagtawanan at kuwentuhan sa akin. Sana lang laging may alak ang lalamunan nito para makalimutan niyang INC siya. INC kaya sila, ewan ko nga ba kung bakit ganito kung uminom ang daddy niya. Ang alam ko maayos ang pamumuhay ng mga INC, base na rin sa mga kaklase kong INC din. Walang alak, walang bisyo, ganun. Pero sa nakikita ko sa daddy ni Grace, parang hindi siya INC. Kaya pala asar si Grace sa daddy niya.

Anyway, buhay naman niya iyon. Ang alam ko mahigpit ang patakaran ng INC regarding this matter, iyong pag-iinom ng alak. Ok lang yun siguro, kasi si Jesus nga umiinom din, hindi nga ba't siya pa ang nagconvert ng tubig para maging alak dun sa Canaan? Pero kung yosi pa iyan, hindi ko na alam. Hindi niya ako gayahin, clean living.

Ang hindi ko maintindihan ay kung ayaw ba niya ako o gusto para sa kanyang anak? Mahirap. Isang napakahirap na sitwasyon ang kinakaharap ko ngayon. Isang bagay na ni minsan ay hindi man lamang sumagap sa aking isipan. Ang buong akala ko magiging ayos na ang lahat. Masaya na akong nakikita ko si Grace at nag-uusap kami. Sinusundo ko siya sa kanyang unibersidad. Madalas kaming magkasama. Makailang beses na din ba kaming lumabas upang magtawanan, kumain at magpakita ng pagmamahal sa isa't isa. Bagama't wala pang pormalidad, na siya ngang aking ginawa ngunit medyo naudlot, alam ko masaya siya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.

Dahil alam ko libre lang ang umibig, dapat walang makahahadlang sa isang pag-iibigan. Kung kailan pang heto na, damang-dama ko na, namin, ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman darating ang ganitong klase ng pagkakataon. Isang pag-iibigan na nakatakda pa lamang magsimula, ay hinahadlangan na ng pagkakataon.

Inaamin ko, isa akong Katoliko, ngunit katulad ng iba pang Katoliko dito sa mundo, hindi ako masyadong devoted sa relihiyon ko. Nagdadasal, oo. Nagsisimba, ewan. Basta ang mahalaga naman di ba ay kausap mo si Lord, dahil ang alam ko, God is everywhere. So, kahit nasa kuwarto lang ako at kausap ko si God, siguro naman naiintindihan niya ako sa aking mga pinagdaanan at pinagdadaanan sa buhay. Mahirap. Mahirap kalaban si God. Kaya nga kahit ganito ako, madalas magsabi ng toothpick ng inang iyan at bwakanangina, God-fearing din naman ako.

Ngayon ko nalaman na komplikado pala ang umibig. Shet. Shet na lang ang nasabi ko. Kay hirap palang kalabanin ang relihiyon. Now I understand Muslims and Christians. Parang ganito ang sitwasyon ko ngayon. Isang Iglesia ni Cristo at isang Katoliko — sa papaanong paraan magsu-survive ang aming hindi pa nagsisimulang pag-iibigan.

AAAAAAHHH... Bakit pa kasi kailangan pa ng relihiyon? Bakit pa kasi may mga pagkakahati-hati ng mga paniniwala sa Diyos? Ang akala ko ba bulag ang pag-ibig? Kung ito ay bulag, wala dapat itong kinikilalang TAO at ESTADO NG BUHAY, para sa mga mayayaman at mahihirap, KASARIAN, para sa mga third sex at RELIHIYON, para sa mga katulad naming dalawa ni Grace. Kay swerte nga naman ng mga nag-iibigang mga atheists! Toothpick ng inang yan!

Kadalasan nga sa mga naririnig ko, sinasabi nila, ang pag-ibig nga raw ay bulag. Kung bulag nga ito, sana nga hindi na din nito nakikita ang relihiyon! Wala itong nakikita kundi ang kagandahan lamang ng dalawang taong nag-iibigan, ng dalawang taong nagmamahalan, ng dalawang taong nais ipadama ang kanilang pag-ibig sa isa't-isa!

Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam ko, makakahanap din ako, tayo ng paraan, Grace, upang matuloy ang pag-iibigang ito. Patuloy akong kakapit sa pag-asang matutuloy ang ating naudlot na pagmamahalan. Kahit isang napakalaking pader ang nakaharang sa atin, handa akong tibagin ito upang makapiling ka at makita sa kabilang panig.

Nabaligtad na ngayon ang sitwasyon. Ilang araw ko ding hindi sinagot ang mga tawag at text mo. Patawad. Nag-iisip kasi ako. Nag-iisip ng paraan na muli kang makasama — kahit na sa patagong paraan man lamang. Alam ko bantay sarado ka na sa daddy mo, at hindi mo rin ikinatutuwa iyon. At ngayon nga nakaisip na ako ng paraan.

Grace, kung nababasa mo lang itong blog entry ko, kumapit ka lang. Pagsubok lamang ito at malalagpasan din natin ang mga ito. Siya nga pala... para sa iyo ang kantang ito:

This is it!

Monday, March 05, 2007 | | 7 comments |

Before anything else, io-organize ko na muna ang aking skeds. Over the past two weeks, isa or dalawang beses lang ako nakapag-post. Hindi pa nga tapos yung post ko tungkol sa pagdalaw ko sa bahay nina Grace eh. Kasi, nalalapit na po ang graduation. Ilang araw na lang ang bibilangin at sa wakas ay ga-graduate na ako ng college! Yehey! Siguro, gagayahin ko na lang yung iba pang mga blogger na katulad ko, na kung mag-update ay MWF. Susubukan kong mag-update every Mondays, Wednesdays at Fridays. Ito kasi ang aking natuklasan sa pagreresearch ng mga oras ng updates ng karamihan sa mga bloggers!

Usually, mga 5 pm ako nagpo-post. Kung talagang kayo ay magaling magbasa, dapat alam ninyong karamihan sa mga post ko dito ay around 5 pm ko napo-post. Iyan ay sa kadahilanang ako po ay nagpo-post kada uwian lang.

May mga pagkakataong sa umaga ako nagpo-post, malamang nasa bahay pa ako nun o nasa may internet shop malapit sa amin. Kapag tanghali naman, hindi ako naglulunch break, diretso ako sa paborito kong internet cafe malayo lang ng konti sa university na pinapasukan ko. Anyway, marahil ganyan na ang magiging schedule ko. And now, back to my meet the parents adventure. Kasi madami ng nangyari after nung pagdalaw na iyon, at ayokong mahuli ng kuwento. Tandang-tanda ko pa naman ang bawat detalye kaya wala namang dapat ipag-alala.
_____________

Sa pagpapatuloy...

Sinalubong ako ni Grace at ng "mga miyembro ng kanyang pamilya". Siyempre, medyo nahiya ako nung bumaba ako ng taxi, dahil parang balikbayan akong dumating at manunuluyan sa kanilang bahay. Ang nanay ni Grace, mukha namang masaya. Pero ang tatay... hmmm... no comment muna tayo dyan... mamaya na lang siguro...

Tinulungan ako ng bunsong kapatid ni Grace sa mga dala-dala ko. "Kuya" pa nga ang tawag niya sa akin. Ibinigay ko na lang yung chocolate sans rival na dala ko. Iniabot ko na din yung herb na regalo ko sa mommy ni Grace at yung tanduay at magnolia chocolait, kay Grace ko na lang iniabot (masungit yata yung daddy niya eh!). Para naman sa kanila talaga iyon eh.

Gabi na ng makarating ako sa bahay nila Grace. Time for dinner na talaga. 7:00 pm ako dumating sa kanila, at tamang-tama naman na nakahanda na ang hapunan. Siyempre hindi ko pinahalata na gutom na ako sa biyahe. Ang sarap pa naman nung hinanda ng mommy ni Grace — tinolang manok. Hmmm... kahit isang linggo na halos ang nakakaraan, naamoy ko pa din ang bango at nalalasahan ko pa din ang tinolang manok ni mommy... ni Grace. Tumulong naman daw siya (Grace) sa pagluluto at almost 85% naman daw ang ginawa niya. So, kung susumahin, si Grace talaga ang nagluto nito. Wow! Gusto ko na talagang kumain!

Ganito ang set-up sa hapag: daddy at mommy ni Grace sa magkabilang kabisera, ako sa kanang bahagi ng mesa, sa kanan ng daddy ni Grace, si Grace naman sa kaliwa, magkatapat kami. Yung dalawang kapatid niyang mas bata, katabi namin pareho. Wala yung panganay, nasa work pa at hindi pa umuuwi. Overtime daw sabi ni Grace. Buti naman 'no, baka isa pa iyon sa magpapakaba sa akin.

Sa bawat tanong, sa akin ng daddy ni Grace, parang akong nasa interrogation room. Yun bang dark room na may swinging spotlight sa itaas habang nakatali sa silya yung mga tinatanong. Ganun ang pakiramdam. Sukat ba namang magtanong ng:

  1. Ano ang tanging ulam na nabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas?
  2. So, political science ka pala, may balak ka bang mag-abogado?
  3. Saan naman kayo nagkakilala ng aking anak na ito?
  4. May balak ka bang ligawan ang aking anak?
  5. May balak ba kayong magpakasal?
Na sa tingin ko naman ay nasagot kong mabuti ng:
  1. Hmmm... tinolang manok po! Di ba ito yung ulam na pinag-awayan ng mga prayle sa nobela po ni Rizal. (Tumango yung daddy ni Grace. Ang galing ko kaya!) "Paborito nyo po ito no?" tanong ko. "Oo naman!" sagot niya. Hanyo't pag-aaralan ko itong lutuin!
  2. Opo! Pol-Sci po ako! Abogado po kasi yung papa ko. Titingnan ko po kung pwede akong maging abogado! Tango na naman siya. Nakita ko yung mommy ni Grace na naka-smile pa din.
  3. Ang bilin sa akin ni Grace, huwag ko daw sasabihin na nagkita kami sa isang bar (bakit kaya?), so ang sinagot ko, sa mall po na pinagtatrabahuan niya! Ang Grace parang sinasabing, "Magaling, magaling, magaling..."
  4. Kaya nga po ako nandito upang umakyat ng ligaw sa inyo at sa inyo rin pong anak! (Hehehe)
  5. Darating din naman po tayo diyan kung talagang kami, bakit po hindi (na may halong tuwa at ngiti sa aking mga labi)?
Ang huling tanong at sagot na iyon ang tila nagpaguho ng aking mundo...

"Talaga? Iglesia ni Cristo ka ba, iho?"

"Catholic po", mahinang sagot ko.

Tahimik.

Afternoon Madness

Thursday, March 01, 2007 | | 8 comments |

Sa pagpapatuloy...

Tunay ngang walang pagsidlan ang aking pananabik na makapunta sa bahay nina Grace. Tanghalian pa lang parang gusto ko ng gumabi! Dinner kasi yung hinanda ng pamilya ni Grace sa pagsalubong "daw" sa akin. Sinabi na din pala ni Grace sa mga magulang niya na ako, ang kanilang future son-in-law, hehehe, ay darating upang umakyat ng ligaw! Baduy nung term! Hahaha.

Nakapagpaalam na ako kina mama at papa kagabi. Sinabi ko sa kanila na may lakad ako. Pabiro ba namang sinabi ni papa na, "Manliligaw ka 'no?" Ang sabi ko, "Opo, bukas ng gabi!", sabay tawa ng "hahaha" — bagay na hindi masyadong pinaniwalaan ni papa kasi tumawa din siya. "Naku binata na ang anak ko! May mamanuganin na ba ako?" Si mama naman tahimik, pakiramdam ko may gustong sabihin, masaya siguro siya sa akin. Shadap nga kayo! Feeling ninyo naman siguro yung nirereto ninyong anak ng kumpanyero ninyo yung aakyatan ko ng ligaw 'no! Toothpick ng ina! Ayoko ngang mag-comment tungkol sa kanya!

Ang sabi ni papa gamitin ko na daw yung sasakyan. Ayoko nga, masyadong presko iyon! Magtataxi na lang ako papunta kina Grace. Kasi baka sa mga magulang ni Grace, first impressions last!

After lunch, umakyat na ulit ako sa aking kuwarto. Internet konti, surfing konti, hindi na ako naglaro ng DOTA kasi baka malibang ako, email ng konti and porn ng konti! Hahaha! Konti lang naman! Hehehe. Tapos natulog ako. Lagpas na ng 3:00 pm ng ako ay magising. Naligo, nagbihis, inayos ang sarili at yung get-up na hinanda ko nung umaga ang siyang aking isinuot. Nagbawas lang ako ng kaunting tribal accessories sa aking mga wrists dahil baka maging overcrowded ako sa dekorasyon sa katawan. Ayokong pagtinginan ako ng tao mamaya sa mall na parang kahit wala akong sinasabi eh nais kong ipangalandakan ang "Hey! Look at me! I'm a punk walking here in the mall!" get-up ko! Hahaha! With a gel-ed hair, wrists accessories, bead necklace, shoes at mabangong amoy, yes, I am all set and ready to go!

Nagpaalam na ako kina mama at papa. Sa tingin ko masaya naman sila sa aking pag-alis. Gee, thanks, mom, thanks dad! I needed that! Toothpick ng ina! Hindi ba nila alam na kinakabahan na ako!

Time - 4:45 pm. I headed straight sa favorite mall namin ni Grace. Bumili ako ng siyempre panregalo sa mga magulang niya. Sa mommy ni Grace, dahil mahilig daw itong mag-gardening, buhay na halaman, ayaw daw kasi ng mommy niya yung bouquet of flowers wala daw buhay. Emo daw yun kapag nakakakita ng bouquet of flowers. So bumili ako ng herb na plant, dagdag na lang sa koleksyon niya ng mga halaman. Sa daddy naman ni Grace, favorite daw nun ay tanduay at magnolia chocolait! Ngek! Ano yun kaya yun! Sabi ko kay Grace sa mga bilin niya, tinext kasi ako ni Grace ng mga dapat bilhin para naman daw maimpress yung mga magulang niya! Hahaha. Thanks, Grace! At para naman sa kanyang tatlo pang mga kapatid, apat kasi sila eh, isang masarap na chocolate sans rival!

Ngayon ang problema ko, papaano ko ngayon dadalhin ang mga ito sa kanila. Pambihira! Bwakanang ina! Wala pa namang taxi na makita sa paligid nung mga oras na iyon!