Closing the book?

Wednesday, October 24, 2007 | | 29 comments |

Dear readers,

Isang taon na pala ang mabilis na lumipas. October 23, 2006 nung simulan ko ang blog na ito. Kung lagi kayong nagbabasa dito sa aking blog, magtataka kayo dahil hindi man lamang nabanggit ang aking birthday dito. Iyan ay sa kadahilanang ang aking kaarawan po ay October 23! Kaarawan ko nung sinimulan ko ang aking blog. At ngayon ngang isang taon na ang aking blog, nadagdagan na naman ang aking edad! Toothpick ng inang iyan, tumatanda na ako!

Sa nagdaang taon, mahaba na din ang aking nilakbay sa buhay ng pagiging isang blogger. Magmula nung ako ay estudyante pa lamang, hanggang sa aking buhay pamilya at pag-ibig, sinamahan ninyo po ako sa aking mga karanasan. Nagpapasalamat po ako sa isang taong pagsasama natin.

Matapos ang pitumpu't anim na blog entries ng makulay na buhay ng isang binatang hibang at sabik sa pagmamahal, ng mga walang ka-kwenta-kwentang mga rants at ng mga himutok sa buhay, minabuting mag-isip ng mabuti at malalim. Naisip ko, tama ba ang gagawin ko para sa aking unang anibersaryo ng pagba-blog?

My life has been an open book for all. You have read my ups and my downs, my struggles in life as a student, as a job seeker, as the only son, as a lover! Daig ko pa nga yata si Kris Aquino sa paglalahad ng mga bagay na nangyari sa akin. Halos lahat na yata ng nangyari sa buhay ko for the past year ay naisulat ko na sa blog na ito, ang toothpick diaries! And I am thanking all of you who still come here to visit, kahit wala naman kayong makikita dito na bagong entry.

Sa ngayon, wala akong trabaho, ngunit ako ay masaya. Che-Che is always there to make me smile. After that bus incident more than a month ago on my way to a book fair, I guess, as they, the rest is history. Hindi pa "official" na kami. Pero I know, and I am hoping, and I am praying, that we are getting there! Schoolmate ko pala siya, una lang akong natapos ng isang taon. She's now in her fourth year of college and education ang course. Ang malupit nito, ang course niya ay BSE in Chemistry, bagay na hindi ko kinaya nung nag-aaral pa ako! A BSE course will have a teaching career that will handle high school students. Tapos Chemistry pa ang course niya, so most probably, third year high school ang hahawakan niya kung maka-graduate siya.

It's fun being with Che-Che! And I think I love her na. Who knows? Probably, after traveling the long winding rocky road of love, I will finally meet my very one true love — my anticipated significant other. Wala akong work as of now, pero I am happy, happy with life and love! *Sigh*

Yesterday, since it was my birthday, I talked to my father about our differences, maybe a special gift for myself. Mom was also there to witness the big turning point of my life. I said sorry for all my mistakes that I have done in the past, for not being a good son to them, and for losing my job. It was a tearful event. Tinupad siguro ni Lord yung sign ko, na kapag pinaghanda ako ni Mama at ni Papa, magso-sorry na ako sa kanila. Usually kasi, lumalabas kami kapag birthday ko. But yesterday was different but the best day of my birthday life! From the heart kasi ang hinanda nilang dalawa sa akin. Lahat ng mga putahe, si Mama at Papa ang nag-prepare. Intimate yung occasion na iyon and very special. Mature na nga siguro talaga ako. It's official! Oh my, I getting emotional na.

I don't know how to end this blog entry or even this blog. I think I am going to move on na with my life. It's hard for me to imagine leaving this blog. But I know, I can do it. Mahirap kasi, napamahal na sa akin itong blog na ito at napamahal na din kayo aking mga readers sa akin. Kayo ang dahilan kung bakit ako nag-e-entry dito. Sabi nga daw ng iba, "it is better to listen", at alam kong nariyan kayo palagi at nakikinig o nagbabasa lang sa akin mga sinasabi. Maraming salamat sa inyo.

I just want to have this new love life that I am facing to be a private one. Hindi ko alam, siguro malas lang ang pag-ibig kapag masyadong public na. Kaya siguro hindi matuloy-tuloy ang aking mga naudyok na nagdaang pag-ibig. By closing this online book of mine, I know things will get even much better!

Thank you very much po from the bottom of my heart. For now, I am closing my book to all of you upang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Who knows? I might update sooner than you think! Or maybe, gumawa ako ng panibagong account at sa wordpress naman. Anything can happen. Anything is possible. Salamat pong muli sa pagsubaybay.

Hanggang sa susunod pong toothpick diaries...

(P.S.: Hindi po ito suicide note, so don't worry! Hehehe...!)

Love,

"JAKE" aka toothpick

Freedom and anxiety

Tuesday, October 02, 2007 | | 2 comments |

Sa wakas... malaya na ako sa mga kapitalistang namumuhunan upang alilain ang kanilang mga manggagawa! In short, nag-resign na ako sa kumpanyang aking pinapasukan! Toothpick ng ina yan! Ang sarap ng pakiramdam!

Huling araw ko nung nakaraang biyernes sa aking work sa Makati. Minabuti kong umalis na lang doon dahil sa mga hindi kaaya-ayang mga bagay. Sobrang dami ng workload, kaunting oras lang ang iyong gugugulin, may supervisor na akala mo kung sino, at yung pinaka-boss, huwag na lang nating pag-usapan.

Masaya ako dahil naibsan na ang mga panggigipit nila sa aming mga manggagawa. Nalulungkoy ako dahil may mga naiwan pa rin doon, ngunit masaya ako dahil nakaalis na din ako sa wakas! Parang isang malaking tinik na hindi nakabaon ngunit aking pasan-pasan ang mistulang nawala nung mga huling oras ko na sa kumpanya. Dapat nga hindi na ako papasok eh. Ngunit naisip ko, sayang naman din yung bayad.

Ngayon, officially, isa na ulit akong jobless! Maloloko na naman ako sa kakahanap ng bagong mapapasukan! Kailan kaya ulit ako magkakaroon ng trabaho? Sana malapit na! Sana hindi ako mabakante ng matagal. Okay lang naman kasi may pera naman ang mga magulang ko. Pero iba pa din ang may sariling kinikita galing sa sariling hirap at pagod, di ba?

Pero sabi nila, kapag malas daw sa career, swerte daw sa pag-ibig! Totoo kaya ito?

(Itutuloy...)