May oras sila sa 'kin!

Wednesday, November 08, 2006 | | 8 comments |

Kanina, nagpaalam ako kung pwede kong gamitin ang nag-iisa naming sasakyan, yung Honda Civic, dahil out of town si Papa at may raket na naman yata. Hindi ako pinayagan ni Mama. Gagamitin daw nya yung sasakyan. Normally, sumasabay si Mama kay Papa sa sasakyan dahil magkalapit lang naman yung office nila. Marunong magmaneho si Mama, pero dati kahit hindi ginagamit ni Papa yung sasakyan eh nagko-commute na lang siya. Nitong mga nakaraang buwan, o taon siguro, napapadalas na yung gamit niya sa kotse. Sinabi ko na ako na lang ang gagamit ng kotse at ako na rin ang maghahatid at magsusundo sa kanya dahil may kailangan lang akong puntahan sa isang law firm sa Makati. Sabi niya wag na raw at kailangan niya talaga yung kotse. Tinanong ko kung bakit. Sabi niya "for charity works" daw. Charity what?!

Nagmember daw siya ng isang charity organization dati pa at ngayon lang daw siya magiging active uli. At kelan pa siya nagkaroon ng oras sa mga ganun? Toothpick, don't get me wrong. I have nothing against charities and all these samaritan works. The thing is, kung sa akin nga wala siyang oras, dun pa kaya? Charity begins at home, diba? Ang nakapagtataka lang eh nagkakaroon lang siya ng oras kapag nagagamit ang sasakyan o kapag wala si Papa. Weird.

Nagsimula na ang kalbaryo namin sa research, a.k.a thesis. Maghahalo na naman ang balat sa tinalupan. At dahil si Prof. Fussy (as in mabusisi siya) ang may hawak sa 'min, matinding pagsusunog na naman ng kilay ang mangyayari nito. At may isa pa kong subject na mukhang mahirap. Samahan pa ng isang nakapanggigigil na prof. Magtrip kaya ako? Ibagsak ko kayo mga 'to? Utut! Sayang din naman yung mga pinagsasabi ni Rousseau at Locke kung wala akong diploma. Sayang ang tuition. At saka kawawa naman parents ko kung bagsak ako, mapapahiya sa mga kakilala nila. Sabihin pa nila eh hindi marunong magpalaki ng anak ang parents ko. Sabihin pa nila eh walang oras ang mga magulang ko sa ken kaya ako nagloko. Hindi naman totoo, diba?

Second Sem Na!

Tuesday, November 07, 2006 | | 1 comments |

Pasukan na naman! Okay na sana ang last sem ko kung hindi sana napakasaya ng mga instructors ko ngayong sem. Hindi naman sila lahat pero naipon na ata ngayong sem ang worst professors.

Si Miss Tapia feeling nya eh klase nya lang ang pinapasukan ko. Aba! Isang chapter na agad ang pinababasa at may reaction paper pang pinagagawa. Si Sir Juan Tamad, as usual, tamad pa rin. Reporting na naman ng buong sem kagaya nung lst time na naging teacher ko siya. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang nakakatuwa. Si Miss Tapia na sobrang sipag o si Juan Tamad na hindi nagdidiscuss ng lessons. At ang pinakamalupit, si Atty. No Case! Sabi nila, sobrang bookish daw nito. Word per word ng sinabi nya lang ang tamang sagot. Pati opinion mo mali. Saan ka naman nakakita ng ganyan? Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa siya naalis dito sa university kahit sobrang dami nang nagrereklamo sa kanya. Buti na lang at absent siya nung Monday.

Buti pa yung bago naming prof. Fresh graduate daw siya ng MA. Mukhang mabait pero sabi nga nila, looks can be deceiving. Baka mamaya, nagpapanggap lang itong anghel. Pero promise ang ganda nya. Kaya naman hindi ako inantok sa klase nya. Yun nga lang, hindi ko naintindihan ang mga pinagsasabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagdidiscuss siya. Hay! Sana Thursday na ulit!

What if...

Monday, November 06, 2006 | | 7 comments |

When I was a kid I used to ask my parents when I was going to have a sibling. The answer was always a resounding “soon, anak, soon.” Ganoon lagi. Di ko sila tinantanan ng kakatanong, palibhasa batang makulit na gustong magkaroon ng kapatid. Yung madalas ay naging minsan; yung mga buwan ay naging taon — umabot rin ng halos isang dekada ang pagtatanong ko kung kelan ako magkakaroon ng kapatid. Eventually, I got tired. Dalawa lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit wala akong kapatid eh. Hindi dahil may sakit ang magulang ko. Hindi dahil maselan ang pagbubuntis ni Mama; hindi rin dahil wala nang ibubuga si Papa (yun pa! tingin ko nga may babae yun eh...). Sa lahat ng mga walang kwentang excuses na pwedeng ibato sa hindi pag-aanak, eto ang lalong nakakainis...

1) BUSY KASI SILA KAYA HINDI MAGKAANAK.
2) O TALAGANG WALA SILANG BALAK NA MAG-ANAK PA.

Nakakalungkot. Tingin ko, para silang mga makina. Mga tau-tauhan ng isang walang pakiramdam na lipunan. Well, hindi naman totally na malungkot ang childhood ko. Kahit paano, lumabas din kami kahit paminsan-minsan noong bata pa ko (may ibang memories din ako sa Star City). Nagkaroon din ako ng mga party. Yun nga lang laging nandun yung mga kumpare ni Papa at yung mga sosi na kachokaran ni Mama. Okay lang naman yun. Maliban lang na mas marami pang bisitang matanda kaysa bata. Toothpick, diba?! I just thought...what if I had a brother or a sister? Magiging “mas okay” kaya ang buhay ko?

Hindi rin siguro. Kung ganito ang style nina Papa, wag na lang din siguro. At baka maging gago lang ang magiging kapatid ko. Kung lalaki, magiging addict. Kung babae, dalagita pa lang pakawala na. At syempre, sino pa ba ang masisisi kung ganoon ang nangyari? Eh di magulang. Pasalamat nga sila sa ken dahil hindi ako gago. Hindi ako nagloko. At wala akong bisyo.

Di ko lang alam kung hanggang kelan. Pumuputok din ang bulkan pagkalipas ng ilang taong pagtulog, diba?

To the or not to the... that is the damn stupid question!

Friday, November 03, 2006 | | 6 comments |

Sa mga maganda ang naging umaga, magandang araw. Sa mga pangit ang naging umaga tulad ko, well, malas natin. Paggising ko kaninang umaga ay sinalubong ako ng umaalingawngaw na bahay. Haha. Since wala na namang tao sa bahay at ang pangit naman magmukhang domestic ako, lumabas ako para maglakad-lakad. Anak ng toothpick, malay ko bang umuusok ang daan sa init?! Pati tsinelas ko yata sunog ang ilalim! Sumilong kaagad ako sa may tindahan at bumili ng softdrinks. Napagalitan pa ko nung tindera dahil umagang-umaga raw eh softdrinks kaagad. Pakialam ba nya! Toothpick ng inang yan! Pakialamera! Buti nga bumili pa ko eh. Bihira lang nga ako bumili sa kanya, tapos pinagalitan pa ko. Bwiset!

Anyway, habang nagmumuni-muni ako dun tungkol sa buhay-buhay at pinapanood yung tindera magcalculator para mabigyan ako ng sukli (3 piso lang sukli ko), eh nilapitan ako ng isa pa naming kapitbahay. Hindi ko siya masyadong kilala. Ang alam ko lang ay pang-apat na niyang anak yung kasama niya sa tindahan. Sayang, bata pa naman siya. Late 20’s pa lang ata tapos apat na ang anak! (Laspag na laspag na ito, bwehehehe!) Binati ako by my first name. Wow! Kilala niya pala ako. Iba na talaga ang kilabot ng barangay!

Akala ko naman eh kung anong kailangan niya. Paano naman eh puro palabok ang sinabi. Mukha ba akong pansit? Kesyo daw ang swerte ng magulang ko (ako lang ang hindi swerte sa kanila) at ang bait ko naman at ako ang nagbabantay ng bahay di tulad ng iba (wala lang akong choice). Kulang na lang tinapa, chicharon at kalamansi pwede ng i-serve. Anyway, nalaman ko nung huli na may iniisip daw siya at dahil Pol Sci ako, baka daw masagot ko. Naguguluhan daw kasi siya sa libro ng anak niya sa school. Napaisip ako. Si Mama ko kaya ganon kaseryoso sa pagbasa ng libro ko dati? Ako nga hindi ko yata nabasa lahat ng libro ko.

Eh, anyway, sabi ko sa kanya, susubukan kong sagutin ang tanong niya. Tinanong niya sa ‘kin bakit daw ang Philippines pag isinusulat sa libro eh "The Philippines.” Pwede naman daw na “Philippines” na lang. Sabi ko kasi islands tayo kaya “The Philippine Islands.” Nung naisagot ko na, naalala ko bakit yung Indonesia hindi naman “The Indonesia.”

Hindi na ko nakasagot. Bakit nga ba kasi? Dahil dun tayo nakatira kaya dapat espesyal at merong “The”? Eh yung mga Canadian books naman hindi naman nila sinasabi na “The Canada.” Bumalik na lang ako ng bahay, iniwan ko siya dun na kinukulit yung tindera. Sabi ko na lang, hindi ako geographer at historian. Future politician ako. Kinagat yata yung excuse ko at hinayaan na ko, hahaha.

Hindi tuloy ako nakakain ng lunch kakaisip. Malala pa to sa exam ko ah! Yung exam ko, after ng time limit limot ko na. Eto, grabe baka hindi pa ko makatulog! Ang lakas ng impact sa aking pagkatao! Chineck ko pa yung mga libro ko, “The Philippines” nga nakalagay! Aba akalain mo! Buwiset na kapitbahay yan, binigyan pa ko ng problema! Sa dami ng kailangang gawin sa buhay, naisip pa niya yun?! Kumadyot na nga sya ng makailang beses tapos naisip pa nya ang ganung bagay! Toothpick naman... ang lupet! At syempre, pinasa naman niya sa kin di ba? Parang chain letter to ah, pasa-pasa lang...BAKIT NGA BA MAY “The” ANG “The Philippines?!” Kayo alam nyo ba kung bakit? Pakisagot naman ako oh!

What an "All Saints Day"

Thursday, November 02, 2006 | | 3 comments |

Teka, teka.. para matigil na ang mga kahibangan at intriga sa buhay-buhay ng mga tao sa pagilid ko, tutal blog ko naman ito and I'm entitled to whatever i'll do with it (o English yan, at hindi pulse alarm), buhay ko naman!

Well, well, well, dahil holiday kahapon at kahit hindi naman masyadong ramdam dahil wala ngang pasok, mabuhay ang mga buhay! Halloween movie marathon ako sa kwarto ko. Umalis kasi sina Mama at Papa papuntang sementeryo sa probinsiya nung 31 ng gabi. Hindi ako sumama dahil I hate long travel lalo na kung si Mama ang kasama. Nerbyoso kasi siya kaya si Papa naman e 30kph lang yata ang takbo ng sasakyan.

Okay. Buti na lang bukas ang Video City na malapit sa amin kaya nagrent ako ng VCD and DVD — Shutter (hindi ko pa kasi napapanood at maganda raw ayon sa mga nakapanood na), Identity (para kasing tumutugma yung title sa paghahanap ko ng identity ko ngayon) at siyempre ang walang kamatayang Feng Shui (na pinanood ko for the nth moment!)

Minsan matatakutin ako, minsan naman hindi. Kahapon okay naman manood kasi maliwanag naman. Kaya tatlo lang yung kinuha ko eh para hindi ako abutan ng dilim (hehe). Maganda nga ang Shutter, nakakapangilabot at mukhang ayaw ko na ring hawakan yung camera ko pagtapos. Mahilig pa man din akong kumuha ng mga pictures. Yung Identity, well, okay lang din. Pwede pa lang ganun? Multiple personality? Siguro may ganun si Gwen kaya kung anu-ano ang sinasabing panlilinlang. Stop! Tama na ang buhay ng ibang tao. The best pa rin ang Feng Shui!

I finished watching around 4pm. Hindi na rin ako nakapaglunch dahil nabusog na ako sa mga chitchiriang kinakain ko habang nagkukunwaring hindi natatakot. Sobrang gulat ko nga noong biglang bumakas yung pinto ng kwarto ko, akala ko kung ano, si Mama lang naman pala. Dumating na sila at pinagalitan pa ako dahil hindi man lang daw ako naglinis ng bahay. Aba! Malay ko ba na kailangan pa lang maglinis!?

TInanong ko sila kung bakit ang bilis nilang dumating. "Need to go to work tomorrow," sabi ni Papa. Toothpick, ang lagay pala eh hindi sila nagleave until Friday. Work, work, work. Now I know why he is a dull boy.

Sa awa ng mga santo, wala namang dumalaw sa aking mga kaluluwa at naenjoy ko talaga ang All Saints Day ng mag-isa. Bow!