Kilig moments without the spark

Tuesday, July 10, 2007 | | 9 comments |

Gaya nga ng sinabi ko nung nakaraang post ko, to keep myself from depression, I engaged myself to small talks and conversations. At isa nga sa hindi ko malilimutang small talks na sinalihan ko ay ang pakikipag-usap ko kay Jeremiah.

Si Jeremiah, ma-describe ko lang, ay ang dati kong schoolmate nung, if I am not mistaken, high school. I remembered her boyish attitude, pig-tailed hair, not-so thick eyebrows, at athletic built! Who cannot forget also her baseball cap! Hindi pwedeng mawala yung baseball cap saan man siya magpunta. Kaya nga napagkakamalan siyang one of the boys eh!

Ang alam ko, pasaway itong si Jeremiah. Teka baka kayo nalilito, si Jeremiah po ay isang babae. Mabalik tayo. Ang tanda ko, minsan ng napatawag ang kanyang mga magulang sa principal's office. Ang tsismis noon sa school namin, vandalism daw, ewan ko nga lang kung totoo iyon. Makulit, maangas, palaban. Iyan ang nakilala kong Jeremiah nung early years ko ng high school.

After graduation nung high school, hindi ko na siya nakita. At ito ngang four years after, nagkita kaming muli somewhere in Makati, karga-karga ang kanyang camera. Isa na siyang photographer, pero ayon sa kanya, hindi pa naman professional. Parang apprentice pa lang daw siya sa isang photographer based in Singapore. Yup. Kagagaling lang niya ng Singapore.

Kaya daw siya nandito ay dahil si Jeremiah or Maiah, is looking for subjects daw that will fit her ideas. She's into "body sculpture and body as a temple" kind of thing daw. Lately lang daw siya nahilig sa mga katawan ng tao. At ang mga hinahanap niya ay yaong mga taong well-sculpted ang physique. Ang sabi pa nga, baka daw pwede ba akong mag-post sa kanya as her subject. Siyempre, sabi ko... nyek!

Ano naman ang makukuuha niya sa akin as her subject? Tapos sabi niya, nude photography pa daw ang gagawin niya, pero in silhouette. Hindi naman daw makikilalang ako iyon. "Nakikita mo ba ako? Ang payat ko kaya?" sabi ko sa kanya.

Pero ang malalim niyang tugon, "It's not what you are naman ang kukunan ko, eh, it's the beauty of being you!" Wala akong nasabi. Weakness ko na yata ang babaeng may lalim ang personality. Naisip ko lang, ibang-iba na talaga itong si Maiah. Malalim. Kakaibang mag-isip. Bukod sa nawala na ang boyish image niya, gumanda pa ang personality, pati ang hitsura. Kinabahan ako. Sabi ko sa sarili ko, parang naramdaman ko na ito dati. Nagkaroon ng mga parang deja vus sa isip ko. Mga flashes of events, mga maaaring mangyari kung sakaling tanggapin ko ang alok niyang magpakuha ako ng larawan sa kanya. May mangyayari kayang kakaiba? Hmm...

Malakas pa naman ang imaginations ko ngayon, dahil hindi ko ito masyadong nagagamit sa sobrang depression. Pero ngayon, parang unti-unti ng bumabalik at gumagana ang aking mga imaginations. Toothpick ng ina! Aaminin ko, medyo nangiti ako nung sinabi niya iyon, dahil nga sa wild na ang utak ko. Iyon siguro yung sinasabi kong may something. Pero parang walang spark pa rin. Kinilig siguro ako, pero mahaba pa din ang buhok niya!

Still picking up the pieces of me

Friday, June 29, 2007 | | 3 comments |

Mahigit isang buwan na pala ang nakakaraan, and I am still picking up the shattered pieces of me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Hindi ko alam kung kailan ko mabubuong muli ang aking sarili. Basag at durog. Iyan ang description ko sa aking sarili sa ngayon.

Ngunit unti-unti ko ng natatanggap. Unti-unti ko na ding pinapatawad ang aking sarili. Matagal ko ng napatawad ang mga taong nagkasala sa akin. Alam na nila siguro kung sino sila. At sana'y mapatawad ninyo rin ako sa aking mga pagkukulang. I'm sorry.

Hindi ko maitago kay Mama ang aking kalungkutan. Tama nga siguro ang kasabihang, "Mother knows best." Alam niya may malaki akong problemang kinakaharap sa ngayon. Dama niya ito sa araw-araw naming pagkikita. Alam ko, kahit hindi ko sabihin, alam niya ang sitwasyon ko sa ngayon.

Ayokong mag-open-up sa kanya o sa kahit kaninong nilalang. Kahit na din kay Papa. Ayoko, kasi ako ang may gawa ng problemang ito sa sarili ko, kaya ako din ang tatapos. Kaya I am trying to pick up the shattered pieces of me little by little each day.

Para magawa ko iyon, I started to treat myself. I go to bars, alone. I watch movies, alone. I even go to the mall and buy some stuffs, alone. Somehow, I am happy with that. Somehow I am getting over with kung ano man ang nangyari sa akin.

One day, while drinking at starbucks, I saw a familiar face. "Is that my schoolmate from high school, Jeremiah?" Sounds like a boy's name, right? But she's a she! Yep. Jeremiah (?). "I know her," sabi ko. Until she approached me.

"Is this seat taken," sabi niya.
"No, go ahead," sabi ko. "You look familiar to me." Hindi ko alam I am one of those guys na pala na nagbibitaw ng mga ganung pick-up lines! Hahaha!
"Alam mo, ikaw din," sabi ni (allegedly) Jeremiah.
"Wait, ikaw ba si Jeremy (her nickname)," tanong ko kunwari with a smile.
"Sabi ko na eh, Jake? Ikaw nga ba si Jake?" tanong niya.
"Yup! Jeremy right?" tanong ko ulit.
"Ano ka ba, dating nickname ko pa iyon. Mukhang boyish ang dating. Pangalan ko nga boyish na, eh. Maiah na lang para at least feminine ang dating (sana I spelled Maiah correctly!)," kulit niya.
"A ok," star struck ako sa kanya talaga kaya medyo speechless.

To keep myself from depression, I engaged myself to small talks and conversations like this one. Pero this one is really different, may something na hindi ko maipaliwanag. Siguro star struck nga lang talaga ako kay Maiah! Nangingiti pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang aming usapan. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag. Di ba sabi ko, I am trying to pick up the shattered pieces of me. Hanggang ngayon hindi pa rin siya buo. Pero I am trying to focus my attention on what had happened. Ayokong mag-isip. Ayoko ding umasa. May isa nga lang na problema sa tagpong iyon sa starbucks. Ang kanyang buhok — mahaba ito! (Explanation: 4th paragraph!)

Tiffany Part 2

Saturday, June 16, 2007 | | 3 comments |

Ito ay aking response sa iyong napakahabang explanation at pag-defend ng iyong sarili. Ayoko ng pahabain pa ang away na ito. Marahil nga nagkamali din ako sa aking mga paratang, marahil nagkamali ka din sa iyong pagiging insensitive. Pareho tayong nagkamali. Paraho tayong nasaktan.

Kung tutuusin, first time itong nangyari sa akin — ang makipag-away sa pamamagitan ng mga salita! Ang totoo niyan, ayaw ko ding makasakit ng tao o ng damdamin ng iba. Kung tutuusin, ayaw ko na ding isipin ito. Ayaw kong magbigay ng komento. Pero gaya nga ng sinabi ko, nasaktan ako sa pagkakakita mo ng mga munting pagkakamali.

Baka sabihin mo, wala din akong puso, pangungunahan na kita. Madali akong magpatawad sa mga nakakasakit sa akin. Iyon ay kung talagang sincere ang paghingi ng tawad.

A friend of mine once told me, "Kung hihingi ka ng tawad, if you will say sorry to a person, you don't have to explain further. A simple sorry will do. An explanation will only make you feel guilty of what you have done. And it will only make your "sorry" not a sincere one. Parang, nag-sorry ka sa isang tao tapos sasabihin mo, ikaw kasi eh, kasalanan mo ito! Ganun? Nag-sorry ka pa."

It was Alex who told me those phrases. And during that time, he was suffering from depression, too! Her long-time girlfriend of four years also left him. During that time, Alex was drug dependent. He took cough syrups to relieve his depression. He said it felt so good in his throat, mind and lungs to take in cough syrups. Nakakahinga siya ng maluwag. Nakakalimutan daw niya kahit sandali ang problema dahil "high" na siya sa syrup. Pero, what's the point here, the point is, he still managed to say those words to me. Just picture it in your mind, the scene, how those words uttered from his mouth when he was "high" then and teary eyed and depressed. How ironic, isn't it? (I am sorry very sensitive ang topic na ito.)

Alex felt sorry for his relationship with his girlfriend. It took him nine months to forget all those things because Alex could not forgive himself for what he has done. And you know what was the root cause of their break-up? Simple things, small details. Alex could not see the big picture of their relationship — their happy moments, their togetherness, their dreams. What Alex can only see are a couple of pixels, some mistakes, some flaws, some shortcomings. And it's not even worth it!

You see, Tiffany, it is not always good to see small details. It's just a grammar mistake for Webster's sake! I hope you stop seeing small mistakes and start seeing the bigger picture. Start seeing what's in front of us (because it is big!) and not what's in the smallest corner of it!

You said sorry a lot of times in your entry and I hope it is sincere.

Tiffany

Thursday, June 14, 2007 | | 6 comments |

Oo, Tiffany (with IP address 202.175.228.241), ang post na ito ay para sa iyo!

Wala ka ba talagang puso? Wala ka ba talagang damdamin? Sa gitna ng dalamhati ng isang tao, naisipan mo pang maghanap ng isang pagkakamali? Ganyan ka ba talaga? Ganyan ka ba pinalaki ng iyong mga magulang? O sadyang ganyan ka lang lumaki sa lugar na kilakihan mo?

Sa mga hindi po nakakaalam, a certain individual named Tiffany, ay nag-message sa aking tagboard. Minabuti kong kunin ang kanyang mga pahayag at ipaskil dito sa aking blog. Makikita nyo nga ang mga ito sa ibaba:



Tiffany, you are such a perfectionist! Let me correct that, you are such a cold-hearted perfectionist! You know what they say about perfectionists like you, they are dangerous! Perfectionists see even the smallest details in an almost perfect situation, just like what you did! Hindi ako magtataka kung wala kang kaibigan o kasama sa buhay ngayon, dahil hindi mo sila makakasundo sa pag-uugaling meron ka!

Salamat sa concerns ni cher at sa iba pang mga bloggers na patuloy na nagdadasal sa akin at sa patuloy na tumatangkilik sa pagbabasa ng aking buhay dito sa aking blog. Alam kong naiintidihan nila ang mga pinagdadaanan ko. Ang sa akin lang, konting pagkakamali lang iyan. And besides, nagdaramdam ako dito, tapos iintindihin ko pa ang aking grammar at subject-verb agreement. Marahil totoo, marami nga akong mali, HINDI NAMAN KASI AKO PERFECTIONIST, EH! Ang totoo niyan, pwede mo naman din akong i-email upang sabihin sa akin ang munti kong pagkakamali, and I will appreciate that. Pero yung ipangalandakan mo pa ang aking pagkakamali, it's not worth it. Now get a load of this: you just made my day even worse!

Heto lang ang masasabi ko sa iyo:
• Una, blog ko ito. Kung tutuusin, trespassing ka. Pero dahil free naman ang internet at naka-public view ako, hindi talaga maiiwasan na mapuntahan ako ng kahit na sino.

• Ikalawa, marunong din naman akong tumanggap ng POSITIVE CRITICISMS na sinasabi mo. Pero depende pa rin sa sitwasyon. Kung ang pagkatao ko na ang naapakan, hindi ko ito matatanggap! Ang pakiramdam ko, pinahiya mo ako ng husto! At hindi ko ito matatanggap!

• At ikatlo, kung talagang pakiramdam mo magaling ka na sa grammar at subject-verb agreement na iyan, at magaling ka ding mag-edit at proofread, WRITE A BOOK! WRITE A GRAMMAR BOOK! Baka kumita ka pasakali sa royalty na makukuha mo!

Bwakanang ina ka! Panira ka ng moment! Panira ka ng araw!

Balikan ang nakaraan ng maintindihan...

Saturday, June 02, 2007 | | 0 comments |

Ang pagbalik-tanaw daw sa nakaraan ay isang paraan upang makalimot ka sa mga bagay-bagay na nagdulot sa iyo ng sakit at hinagpis. Isa din itong paraan upang maging matatag sa bawat pagsubok sa buhay. Sa isang pagbalik-tanaw, malalaman mo ang iyong mga naging pagkakamali, hirap at pasakit sa kung ano man estado ng buhay meron ka ngayon. Kaya upang matulungan ko ang aking sariling maka-move-on, babalikan kong muli ang mga araw na nagdaan, isa-isa, araw-araw...

  1. My first entry...welcome to the world of rant!

  2. Sinong nagsabing may holiday?

  3. Mga Babae Talaga!

  4. Bagyo at Demonyo

  5. Bahala kayo sa buhay nyo! Bwiset!

  6. What an "All Saints Day"

  7. To the or not to the... that is the damn stupid question!

  8. What if...

  9. Second Sem Na!

  10. May oras sila sa 'kin!

  11. Third Day High!

  12. Mga Pahirap sa Buhay

  13. May mga mapapalad talaga sa pag-ibig

  14. Maraming katanungan sa buhay na hindi ko masagot

  15. Namakyaw na naman si Pacquiao

  16. Lumiliit na mundo

  17. Angels brought to you by

  18. Virtual GF

  19. Typhoon madness

  20. Charity Works

  21. Nababaliw... namamanyak

  22. Numerology at reunion madness

  23. Reunion: the aftermath! Part 1

  24. Reunion: the aftermath! Part 2

  25. Reunion: the aftermath! Grace Anatomies

  26. Amazing Grace

  27. Party girl meets Pol-Sci Student

  28. Can this be love?

  29. Paskong 2006

  30. Happy New Year Wish!

  31. My (first) Love Story

  32. Writing My (First) Love Story (continuation)

  33. Writing My (first) Love Story (conclusion)

  34. Untitled

  35. Heto na... heto na... waaahhh!!!

  36. No time for you guys!

  37. Excited

  38. A Date With Love?!?

  39. Ganito ba talaga ang mga babae?

  40. A Date With Love?!? Part 3

  41. You Complete Me — Jerry Maguire

  42. Cornicles

  43. Busyness

  44. Vote for me, please! Hehehe

  45. R-18

  46. Pasan ko ang Daigdig — Sharon Cuneta

  47. Baka raw maging magbalae sila

  48. You don't love a woman because she is beautiful, but she is beautiful because you love her

  49. Getting ready for the defense!

  50. Toothpick's Q&A portion: the 50th post!

  51. A Post-Valentine Entry

  52. Ang Grace may tampo yata...

  53. All set and ready to go!

  54. Afternoon Madness

  55. This is it!

  56. Mga Katanungan

  57. Minsan pa

  58. Changes in my life — Mark Sherman

  59. Ayos na eh, kaso...

  60. Mala-Kirara ang balat, at mala-Bakekang ang ilong

  61. A chili story

  62. Graduate na ako sa wakas at may isa pang bagay!

  63. Oras na!

  64. Ano ba talaga ang gusto ko?

  65. The week that was

  66. Now, who's the winner?